CHAPTER 47: UNIVERSITY

90 54 4
                                    

CLIERE POV'S

Katatapos ko lang maligo nang marinig kong nag-uusap sina mommy at daddy sa loob ng kwarto nila.

Maingat akong naglakad upang sa ganoon ay hindi nila ako mapansin.

"Totoo bang naririto ang ama niya?" Tanong ni mommy.

"Oo hon, balita ko ay nagpunta siya sa ospital noong nakaraan." Sagot ni daddy.

Ano bang pinag-uusapan nila?

Sinong ama?

At saka kanino?

"Nagkita ba sila?" Tanong ni mommy.

"Hindi." Sagot ni daddy na para bang siguradong-sigurado.

"Hayy, mabuti na lamang. Siguradong kapag nagkita sila ay malaking gulo ito!" Napahinga nang malakas si mommy.

"Oo nga, kaya't dapat mag-ingat ang pamilya Lavaro. Baka maghiganti ang batang iyon kapag nalaman niya ang totoo, baka idamay pa niya tayo." Nagulat ako sa sinabi ni daddy.

Bakit napag-usapan nila ang pamilya Lavaro?

Sinong maghihiganti at gustong maghiganti sa amin?

Naguguluhan na ako!!!

Aalis na sana ako ng muling magsalita si mommy at banggitin ang pangalan ng taong kinaiinisan ko. "Mabait si Alliah hon. Hindi niya magagawa ang ganoon sa atin."

So, si Alliah ang pinag-uusapan nila?

Bakit naman?

"Pero pwede niya pa ring agawin sa atin ang school, sa kanya nakapangalan ang lupa!" Saad ni daddy na ikinabigla ko.

Ang school?

Ibig sabihin...

Pagmamay-ari niya iyon???

Sa kanya ang buong school???

Napatakip ako sa bibig dahil sa sobrang gulat.

Kaya ba ganoon na lang ang trato ni mommy kay Alliah?

Hindi!

Hindi pwede ito!

Mali ito!

Maling-mali.

"Hindi ka pa ba pupunta kayna Ali?" Biglaang pagtatanong ni kuya kaya't napaayos ako nang tayo at kunwari ay may tinitingnan sa picture na nakakapit sa dingding.

"A-ano?" Wala sa sariling tanong ko.

"Pumunta ka kako kayna Ali." Saad niya.

"Ali? Who's that? Bakit ako pupunta sa kanila?" Mataray na tanong ko.

Sino ba naman siya para pag-aksayahan ko ng oras?

"Hyst! Bahala ka nga!" Naiinis na saad niya at umalis na, nagpaalam ito kayna mom and dad na pupunta kayna Alliah.

So, siya si Ali? Wait... May gusto ba siya doon?

If may gusto nga siya ay pwedeng madali niya lang makukuha si Alliah. Posible rin na kapag napamahal na sa kanya si Alliah ay hindi niya kukunin sa amin ang lupa at ibibigay na lang ito dahil sa labis na pagmamahal, after that, sa amin na ipapangalan ang lupa at pwede niya ng iwan si kuya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now