CHAPTER 81: VERACITY...

101 51 2
                                    

CLIERE POV'S

"Anong ginagawa mo rito?" Iyon agad ang tanong ko nang makita ko ang kapatid namin na matagal na naming hinahanap.

Siya si Ella, anak siya sa labas ni daddy at napalayo siya sa amin kaya't hindi kami magkasundo. Siguradong kapag magkakasama rin kami ay palagi lang kaming mag-aaway. Hindi ko gusto ang ugali niya, mabait siya sa tao pero ginagawan niya rin ito ng masama. Akala ko nagbago na siya kaya't nasabi kay Kalix na gusto kong makita ang kapatid ko pero hindi pa pala.

"It's nice to see you again sister." Maarteng saad niya.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Pagtutukoy ko kay Alliah.

"Wala naman... Nice di'ba?"
Naiinis ako sa kanya.

Simula nqng magkita kami sa restaurant ay nasabi na niya sa akin ang tungkol sa gamot na balak niyang ibigay kay Alliah, may halo itong pampahilo at pangingirot sa ulo once na ininom na ito. Ilang beses ko siyang pinigilan pero hindi siya pumayag, sinabi pa niyang magugustuhan ko rin daw ang mangyayari pero ang totoo ay hindi.

Si Alliah ang nagturo sa akin kung paano magpakatao, ang rumespeto ng kahit na sino... Maraming pag-aaway ang naganap sa amin pero hindi niya ako hinahayaang masaktan, ako pa nga ang nakakasakit sa kanya ng physical. Kung nakakapagsalita man siya nang masama ay para din iyon sa akin, iyon ay para sabihin sa akin kung gaano ako kasamang tao para sa lahat.

Noong nakita kong nagkabungguan sina Ella at Alliah... Gusto ko silang lapitan, gusto kong sabihin kay Alliah na huwag siyang maging mabait, kalabanin niya ang babae na parang ako lang... Pero hindi ko magawa dahil  nandoon si Aaron, pati na rin ang kaibigan nila.

Noong oras na nag-aayos si Alliah ay pilit kong hinahanap ang bag niya dahil doon nakalagay ang gamot pero hindi ko iyon nakita. Hinihiling ko na lang na sana ay hindi niya maisipang kainin iyon... Pero bigla ko na lang nabalitaan na nahilo raw si Iya.

Agad akong nagpunta sa backstage at kinuha ang bag niya, doon ko lang napansin na balat na lang ang natira, ngunit kapansin-pansin na diretso pa rin ang pageant at nandoon si Alliah habang nakasuot ng evening gown!

Akala ko ay nasa ospital siya?

Akala ko ba sumakit ang ulo niya!

Wala bang epekto sa kanya ang gamot na ibinigay ni Ella?

"Umalis ka na rito!" Pagtataboy ko kay Ella hanggang rito sa may gate ng school.

"Wala kang karapatang pumasok rito! Hay*p ka!" Galit na saad ko sa kanya.

Gusto ko siyang sapukin at sabunutan kung hindi lang ako pinigilan ng mga guard dito.

Bakit pa ba siya naririto?

Anong dahilan niya at nagpakita siya rito?

Anong pa bang binabalak niyang gawin sa amin at kay Alliah?


IYA POVS

Maaga akong nagising upang kausapin si Kyler. May usapan kami na magkikita ngayong umaga kaya't pupunta ako, may gusto rin akong linawin at sabihin sa kanya.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now