CHAPTER 44: PAST?

90 53 4
                                    

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kinaroroonan nina Ashton at Chester. Muling pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.

---
"Mauna na ako sa inyo ah. Pumunta kayo sa mall namin kapag may time kayo." Paalis sana ako nang bigla akong yakapin ni Ashton.

"W-wala ka ba talagang naaalala?" Bulong niya sa akin at saka humiwalay sa yakap. Tumitig siya sa mga mata ko at saka ngumiti.

"K-kalimutan mo na ang s-sinabi ko."
---

---
"Wala ba talaga siyang naaalala?"

"Sa tingin ko, wala, kuya."

"Ok ka lang?"

"Oo naman. Maaalala niya rin ako. Hindi pa lang sa ngayon."
---

Naalala ko rin yung pagtatanong sa akin ni Emman noong nasa isang restaurant kami kasama si ate Siera. 'Yung time na galit na galit sa akin si daddy.

---
"May naaalala ka ba?" Pagtatanong ni Emman. Mabilis siyang siniko ni ate Siera.

"H-huh? B-bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Kain pa tayo!" Masayang sabi ni ate, tila umiiwas ito sa tanong ko kanina.
---

Ano bang maaalala ko?

Ano ba sila sa buhay ko???

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglaang pagkirot nito.

"Hyst! Bakit ngayon pa?" Inis na saad ko.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at dumiretso na sa isang grocery store, bumili na rin ako ng gamot dahil sa sakit ng ulo ko.

"Hayy, nakakapagod talaga ang araw na ito! Parang gusto ko munang kumain at humiga." Saad ko pagkarating ko sa office namin.

Kumuha ako ng bananacue na naroon sa lamesa.

"Opps! Wait lang." Pinatigil niya ako.

"Bakit naman ate?"

"'Yung pinabibili ko? Asan na?" Paghahanap niya.

"Iyon ah! Ayaw mumulaga," inis na saad ko sa kanya at tinuro ang pinamili ko kanina. "Ate naman! Binili ko na nga ang paborito mo eh." Saad ko ng susubukan niya akong batukan.

Kinuha na niya ang pinamili ko at excited na binuksan iyon, dumating din si Emman at agad na kumuha doon.

"Bakit sad ang baby?" Panlalait ko kay Emman nang makita ko itong malungkot.

"Tse." Inis na saad niya at naupo sa tabi ko.

"Bakit nga kasi? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Wala!"

"Okay." Maikling saad ko at kumain na lang.

Biglang pumasok sa isip ko 'yung mga nangyari kanina at dahil doon ay napatingin ako sa kanya.

May alam din ba siya tungkol sa akin???

"Hoy ate, alam kong cute ako at mayroong 2.5 million followers pero huwag mo akong tingnan na parang masaya ka pa dahil malungkot ako!" Inis na saad niya.

"A e h-hindi 'yun." Saad ko.

"Ha?... E bakit mo ako tinitingnan?"

"May bigla kasi akong naisip tungkol sa pangyayari sa akin 2 years ago, wala kasi akong maalala. May alam ka ba tungkol sa akin?" Pagtatanong ko at kagaya ng inaasahan ay nakita kong bahagya siyang nagulat.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now