CHAPTER 79: WEDDING

99 52 1
                                    

IYA POV'S

Nakakasaya sa puso na makitang unti-unting nagbabago ang lahat. Mula sa pangit nagiging maganda, malungkot hanggang sa sumaya, at masama na nagiging mabuti.

Isa na rito si Cliere na unti-unting nagbabago ang ugali. Kapansin-pansin rin na mas nagiging malapit siya kay Rycko. Madalas pa nga raw silang lumalabas at nagpupunta sa kung saan-saan. Wala naman kaming tutol sa kanila dahil mas napapabuti pa nila ang ugali ng isat isa. May dahilan talaga ang nangyari kay Cliere sa bar dahil kung hindi iyon nangyari ay hindi sila magkakilala ngayon at magtitiis pa rin si Rycko sa ugali ng boss niyang iyon.

"Maam heto na po." Saad ng babaeng nasa cashier.

Narito ako ngayon sa isang gown shop upang mag-rent para sa gaganaping coronation night mamaya. Ang napili kong gown ay isang neck Off-shoulder Lace-Up long dress na color blue. Actually, hindi iyon ang napili ko pero itong si Aaron ay pinilit ako na ito na raw ang suotin ko mamaya dahil masyado daw exposed and katawan ko sa isang gown.

"Pwede ko bang palitan?" Pang-aasar ko sa kanya.

"Ano ba mahal ko? Ito na nga lang ang suotin mo?" Galit na saad niya at itinaas pa ang paper bag kung saan nakalagay ang gown.

"Tss, bakit ba ikaw ang pumili? Ikaw ba ang magsusuot?"

"Hindi! Pero ayoko ng pinili mo kanina. Para ka namang hubad doon e. Labas na lahat." Reklamo niya.

"Parang hindi mo naman ako hinuhabadan sa isip mo e." Bulong ko.

"Ano?... M-medyo lang." Saad niya at saka ngumisi.

Sabi na e!

Sinuntok ko siya sa braso at sumakay na sa kotse.

"May gusto ka pa bang puntahan? Mamaya pa naman ang event e." Saad niya pagkasakay sa kotse.

"Pumunta na lang muna tayo sa restaurant, doon na tayo mag-lunch."

"Magde-date ba tayo?"

"Anong date ka d'yan? Nandoon sina Nicole at Ace, nag-cool off raw sila."

"Cool off? Bakit? Kailan pa?"

"Bakit ako ang tinatanong mo? Dapat sila."

"Ay siya tara na, pumulas na tayo."

Agad na kaming umalis at nagpunta sa nasabing restaurant.

Pagkapasok namin ay may nakabangga kaming matangkad na babae. Maayos rin siyang manamit at maputi pa. T*nga lang maglakad, haha.

Napansin ko iyon habang nililimot ko ang nalaglag na gamit mula sa kanya.

"Ate!" Gulat na saad ni Aaron.

"Ha? Ate mo?" Nagtataka ako sa kaniya, wala naman siyang nabanggit sa akin na may ate siya e.

"Ayy, hindi, hindi pala... Pasensya na po." Naglakad na kami ni Aaron palayo sa babae ngunit tinawag ako ng babae kaya't lumapit ako sa kanya, may inabot siya sa akin na parang candy.

"Regalo ko 'yan sa'yo dahil sa pagtulong mo sa'kin. Pampataba 'yan, napansin ko kasing ampayat mo na."

Dalas ng bunganga ng isang a're ah!

"Naku, sexy lang po talaga ako." Binalik ko na sa kanya ang candy na inabot niya pero mabilis niya itong nilagay sa bag ko.

VERACITY IN LIFE (The Untold Truth Series #1)Where stories live. Discover now