◆Jade's POV◆
(Concert Day)
"Hi tim!" Bati ko ng sa wakas ay makasalubong ko rin siya
"Hi" sagot niya ngunit blanko ang kanyang mukha. Agad tumalikod at naglakad
Walang ekspresyon ang kanyang mukha, ni hindi ngumiti. Malayung-malayo sa tim na nakilala ko. Para bagang hindi na niya ako kilala. O sadyang ganun na lang kalaki ang galit niya sakin.
"Tim, wait!" Ani ko sabay habol sa kanya
"What?" Sabi niya na buo at parang batas ang kanyang boses.
"I just.. i... i... ah... gusto ko lang sanang sabihin na congats" utal-utal kong sabi
"Ok. Tnx" sabi niya at tuluyan na syang tumalikod at dumiretso sa kanyang dressing room
Naiwan akong nakatayo. Tila nanghihina ang aking mga buto sa eksena kanina.
"Look who's here!" mataray na Sabi ni shayne na naka pamewang pa
"Nag audition pala kayo" sabi ni sidney
"Ah oo." Sagot ko
"Let's go girls" sabi ni shayne
Nag simula na ang concert.. sold out ito... sobrang dami ng tao. pag labas ni tim sa entablado ay agad nagsipag tayuan, nagpalakpakan At naghiyawan ang mga tao. Nang magsimula ng tumugtog ang banda at mag perform si tim ang mga tao'y lalong naghiyawan sa kagalakan. Mga camera'y nag kikislapan na animo'y mga bituin sa langit. Hindi magkanda ugaga ang mga tao sa labis na kasiyahan.
Nagsimula narin kaming sumabay sa saliw ng tugtugin. Nagsimula nang pumadyak padyak ang aming mga paa..
Naging masaya ang isang buong gabi ng unang konsyerto ni tim sa pilipinas. Nag-uwian ang mga tao na bitbit ang mga ngiti sa kani-kanilang mga labi.
"Ayos!" Sabi ni dex
"Grabeh, nakakapagod no!" Sabi ni ashley
"Oh ano jade, hindi ka pa rin ba nakakahanap ng tyempo?" Tanong ni dex
"Hindi pa" sagot ko
"Ayun siya oh, nagiisa" sabi niya sabay turo sa dressing room kung saan naroroon si tim
"Tim" sabi ko
"What are you doing here?" Malamig niyang tanong
"Can we talk?" Tanong ko
"About what?" tanong din niya
"Alam ko galit ka sakin"
"Im currently making changes in my life. If you dont hear from me, you're one of them"
"Sorry sa tungkol sa mga nangyari dati" sabi ko
"Ano bang nangyari dati?"
"Yu....yung.... yung...yung tungkol satin dati" nanginginig At utal-utal kong sabi
"Satin? Bakit , may satin ba?" Tanong ni tim
"Yung---"
"Ahh... now i remember... nung sinabi kong mahal kita at pinagtawanan mo lang ako. Tama ba? " sabi niya
Hindi ako nakakibo ng mga sandaling iyon. Para bagang gusto ko nalang bumuka ang lupa at lamunin ako.
"Yun na siguro ang pinaka istupidong nagawa ko sa buhay ko. Nagsisisi ako kung bakit pa ako umamin sayo. At wala kang karapatang alipustahin ang pagmamahal at pagkatao ko!!! Sino ka ba huh!? Sino ka baaa!!!??" Galit na sabi ni tim
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang galit. Bawat salitang kanyang binubulalas ay napapa hakbang ako paatras. Hindi na siya yung tim na kilala ko. Hindi na siya yung tim na kaibigan ko. Hindi na siya yung tim na minahal ko.
"Maniwala ka tim, hindi ko sinasadya yun."
"Hindi sinasadya? Ha! Hindi sinasadyaaa!!!??? Anung klaseng tao ka jade!!!?"
"Maniwala ka naman sakin tim. mahal kita. Minahal kita. Hindi ko lang alam kung anong dapat na maging reaction ko dahil ikaw palang ang unang lalaking nagsabi sakin na mahal ako" umiiyak kong sabi
"You think maniniwala ako sayo? " biglang humina ang ang boses ni tim
"Please tim, maniwala ka. Mahal kita. Pinagsisisihan ko araw-araw yung mga nagawa ko sayo. Sorry na. Patawarin mo na ako" umiiyak kong sabi
Hinawakan ko ang kanyang kamay ngunit tinanggal din niya agad ang aking kamay.
"Get out" mahina niyang sabi
"Tim" pagmamakaawa ko
"I said get out."
"Im really sorry tim"
"I said get ooouuutttt" sigaw ni tim na sobrang galit.
Ngayon ko lang nakitang magalit si tim. Nakakatakot. Tumakbo ako palabas ng dressing room. Palayo sa mga tao. Palayo sa kanya.
"Jade!"
"Jade wait!"
"Jade!"
"Jaddee!!"
Sigaw nina ashley at dexter habang hinahabol nila ako. Nang mga oras na iyon, isang bagay lang ang gusto ko. Ang malayo sa kanilang lahat.
(Bbbbeeeeeeeppppppp)
Malakas na Busina ng kotse. Sa sobrang gulat at takot ko napaupo ako sa kalsada.
Isang pamilyar na mukha ang bumaba sa kotse.
"Iha, nasaktan ka ba? Nasaktan ka ba?" Nagaalalang tanong ng mama
"Hindi ho. Okey lang ho ako sir" sagot ko. Habang inalalayan niya akong tumayo
"Bat ka umiiyak? Nasaktan ka? Dadalhin na lang kita sa ospital"
"Wala ho ito. Okey lang po ako. Sige ho mauna na ako" paalam ko.
At muli akong tumakbo ng tumakbo hanggang sa mag manhid na ang aking mga paa at hindi ko na maramdaman.
Dinala ako ng aking mga paa sa isang lumang simbahan.
"Parang pamilyar tong simbahan na to ah! Parang nakarating na ako dito" bulalas ko
Hindi ko maalala kung kailan kami nagpunta rito. Pero alam kong napuntahan ko na ito. Lumuhod ako at taimtim na nagdasal. Gulung-gulo na ako sa sarili ko.
