◆Jade's POV◆
" Good morning mama carmy, good morning mamey beth" bati ko sa parents ko
Ito ang araw ng pag alis namin ng buong barkada kasama ang buong pamilya. Excited akong makita si tim. Ilang araw din siyang hindi nagpaparamdam.
"Good morning anak" bati ni mamey beth
"Good morning din. Mukha atang maganda ang gising mo" puna ni mama carmy dahil sa masayang aura
"Siyempre naman po. Kasi, bakasyon na.. yehey.. hashtag vacation, hashtag friends, hashtag friends with the whole family, hashtag christmas at hundred island. Oh diba saya much (^____^)" masayang sabi ko
"Oh, wala ka na bang nakalimutang dalhin? Lahat ba kompleto na?" Tanong ni mamey beth
"Opo mamey beth" nakangiting sagot ko
(Beep beep beep)
( busina ng shuttle bus)
"Andiyan na sila!!yes! Let's go na po. Im so eggzzzoooiiitteeeddd" masayang sabi ko
"Oh siya mauna ka na doon at mag sasara lang kami ng bahay" sabi ni mamey beth
"Hi" bati ko sa lahat
Bineso beso ko ang barkada , habang ang mga parents naman ay nag mano ako.
"Hello" bati nila
" er me gerd, (oh my god) (maarteng words) im so egzoited" eksaheradang sabi ni dex
"I know right" sagot din ni ashley
"Oh jade, humahaba na leeg mo. Kung si tim at ang parents niya ang hinahanap mo, eh wala sila" sabi ni gelo na katapat ko ng upuan
"Ha? Bakit? Nasaan sila?" Tanong ko
"According to my mom, nag byahe silang lahat going newyork dahil sa business" sagot ni dex
"What ? hindi man lang niya tayo tinext" malungkot kong sabi
"Hindi sumasama si tim sa parents niya pag regarding sa business. Mas gusto pa niyang maiwan kasama ako or magpapaka busy siya sa studies" sabi ni gelo
"That's weird! " sabi ni ashley
"Tama ka. Weird nga. Or, galit parin siya. Kaya kahit sakin hindi siya nagsabi" sagot ni gelo
Habang nasa byahe kami nakipag palit ako ng upuan kay ashley. Lumipat ako sa tabi ng bintana.
Para mag isip. Hindi ko halos nakikitang maige ang paligid dahil ang isip ko'y lumilipad.
Excited ako sa araw na ito dahil sa hundred island ko sana sasabihin kay tim ang nararamdaman ko. Ngunit wala siya.
Kalungkutan ang ngayo'y bumabalot sa aking puso. Gusto kong ipag sigawang LOVE ko si Nerd. pero wala siya. Nasa u.s. na. Hindi man lang siya nag text.
Hindi ko ginustong saktan si tim sa inamin niya sakin. Dahil sa unang pagkakataon , may nag mahal sakin sa dati kong itsura.
At sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ba dapat maging reaction ko sa pag amin ng taong minamahal ko.
Top 2 na ako sa whole ranking ng academy. Nag sipag akong mag aral ng dahil narin sa kanya.
"Wag mong isipin yun, mahal ka nun" bulong ni ashley
"ha? Sino?!" Tanong ko kay ashley na naka kunot pa ang aking mga kilay
"Mahal ka ni tim" bulong ulit niya
"Mag tigil ka nga dyan" saway ko
"Sus... wag ng mag deny. Baka mautot ka jan sa kakapigil mo" pang aasar parin ni ashley
"Ewan ko sayo. Adik lang? Nahahawa ka na kay dex" sabi ko
"Hoy wag niyo akong idamay diyan, dahil nananahimik kami ni gelo cutie" maarteng singit ni dex na yumakap kay gelo
"Hay naku! Kapag wala ang daga naglalaro ang mga pusa" sabi ko
"Hahaha" malakas na tawa ni ashLey
Dahil sa mga asarang yun, kinuha ko na lang ang aking headset sa bag at nilagay sa aking mga tainga, minabuti ko nalang makinig ng mga music. Pero kahit anong gawin ko patuloy na lumilipad ang isip ko.
"Wow! Ang ganda naman dito! Ang ganda ng beach. Look gelo cutie oh" maarteng sabi ni gelo na yumakap sa mga braso ni gelo
"This place is very beautiful. perfect place for vacation" sabi ng mommy ni gelo
"Actually, first time din namin dito. Yung mga bata kasi, pag bakasyon gusto sulitin, gusto sa mga places sa hindi pa napupuntahan" sabi ng daddy ni dex
"Buti nalang may mga suportive parents sila" sagot ng daddy ni gelo
"Dehins naman lahat nakakasama" singit ni mamey beth
"But atleast, bumabawi parin kayo sa mga next vacation" sabi ng mommy ni gelo
"Oo nga eh" sagot ng papa ni ashley
"Mam, sir, this way to your villa" sabi ni Ma'am letty na hotel staff
"After you" sagot ng daddy ni dex
"Wow! This is so fabulousa. C'mon guys, let's take a groupie. Hashtag FamBam" maarteng sabi ni dex
"Tara. Groupie daw" sabi ni mamey beth na tinawag ang lahat
"Ok. 1,2,3, smile" sabi ni dex
"Wacky naman" sabi ni ashley
"1,2,3 wacky!" Sabi ni dex
Nag kanya-kanya kaming pose ng wacky. Kahit man lang sa picture hindi ako naka ngiti. Dahil sa guilt na nararamdaman ko.
Mukhang malaki ang galit samin ni tim. Dahil sa bibig na to lumayo ang taong mahal ko.