CHAPTER 19

4 1 0
                                        

◆JADE's POV◆

3 years after....

"Happy anniversary sweet, i love you" ang nakasulat sa card kasama ng bouquet of red roses

1st year anniversary na namin ni kian ngayon, mabait naman siya, maalaga, magaling mag drums, marunong kumanta. Sumisikat narin ang banda nila sa university.

Dahil siguro matiyaga, sweet at maalaga siya kaya ko siya sinagot.

"Good morning!" Tili ni dex

"Morning" bati ni ashley

"Morning girls" sagot ko

"Tara breakfast na tayo. Nakapag prepare na kami" sabi ni ashley

"Wow! Kayo na talaga ang the best friends" biro ko sabay tawanan kaming tatlo

"Anong plano niyo ngayon ni kian? May date ba kayo?" Tanong ni ashley

"Mirienda lang mamayang hapon. Busy siya sa rehearsal eh. Malapit na ang battle of the bands " sagot ko

"Good morning girls. Late ba ako? May dala akong pizza" bati ni angelo

"Nope. Kakasimula lang naman namin kumain" sabi ni ashley

"Gelo cutie dito ka sa tabi ko" maarteng sabi ni dex

"Kukuha lang ako ng plato" sabi ko

"Monday na Naman bukas hay

(--___--)" sabi ni gelo

"Hay naku! Sinapian ka nanaman ng katamaran" sabi ni ashley

"Kasi exam nanaman. Review ... review.... review..." sabi ni gelo

"Hayaan muna. Dalawang taon nalang ga-graduate na tayo ng college" sabi ko sabay abot ng plato

"Tomo----" maarteng sabi ni dex

"Oo nga. Two years na lang tapos na tayo sa college. Kaya dapat galingan natin. ikaw gelo, ikaw magtutuloy ng negosyo ng pamilya mo, kaming tatlo naman sa negosyo ng pamilya ni dex" paliwanag ni ashley

"Nakaka baliw naman kasi" sagot ni gelo

"Sabi nga ni uncle Nicholas Sparks, When you're struggling with something, look at the people around you and realize that every single person you see is struggling with something, and to them, it's just as hard as what you're going through. " sabi ni Ashley

"Wow. Nosebleed. Ang lalim mo teh" sabi ko

(Tawanan ang lahat)

"Namimiss ko lang din kasi si tim. Hindi na kasi tulad ng dati. Ni hindi nga niya ako tinetext. Kahit sa Fb or Ig ini-ignore niya ako" nagtatampong sabi ni gelo

"Clean out all toxic influences that diminish your happiness" sabi ni dex

"Woah! Ang lalim mo teh. Saang baul mo nahalungkat yang sinabi mo?" Pang aasar ni ashley

"Eh di sa baul ng lola mo. hahaha" sagot Ni dex sabay tawa

"Uhm, jade?" Tanong ni gelo

"Ano yon?" Sagot ko

"Kumusta ka? Kumusta kayo ni kian?"

"Ok lang"

"Anong ok lang?"

"As in ok lang. Steady lang"

"I see"

"Eh kayo ni stella kumusta?" Tanong ko naman kay gelo

"Ok lang din. Baka umuwi ako sa new york sa birthday niya para i-surprise siya" sagot niya

"Thats a good idea" sagot ko

"Inaaway narin kasi ako minsan ni stella. 3 years narin kasi kaming hindi nagkikita"

"Dapat ka ngang umuwi at bumawi sa kanya" sabi ko

"Oo nga eh. Baka pag tinopak un iwan pa ako" sabi niya sabay simangot

"Buti kapa. Maaga mong nahanap ang soulmate mo" sabi ni ashley

"Dont worry gelo cutie, kung iiwan ka man ni stella andito naman ako eh, sasaluhin kita with open arms" maarteng sabi ni dex

(Tawanan ang lahat)

Alam ng lahat na type ni dexter si gelo pero ang totoo, mahal ni dex si gelo bilang kuya lamang dahil nag iisang anak lang si gelo. Ang paglalandi niya kay gelo ay trip lang.

Ilang taon naring hindi nagpapardam samin si tim. Namimiss ko siya. Namimiss ko ang kawirdohan niya. Ang alam ko lang, gumagawa na siya ng sarili niyang pangalan sa larangan ng pag momodelo at pagkanta sa new york.

Sa kabilang banda, proud ako sa lahat ng achievements niya sa buhay. Minsan, tinatanong ko ang aking sarili kung tama ba ang desisyon ko, kung tama bang pinili ko yung matagal ko ng pangarap kahit alam kong nakasakit ako ng damdamin ng iba. Araw-araw tsinetsek ko ang mga updates niya sa Fb at Ig niya. Stalker ba. Maraming sana, maraming what if, pero is it really too late?

"Tulala sa isang tabi at di mapakali" pakantang sabi ni ashley

"Kailan ka pa natutong mag drugs? Ha?kailan?" Sabi ni dex na umaarteng parang artista

"Mother lang ang peg?" Sagot ko

"Mother agad? Hindi ba pwedeng ate lang muna?" Sabi ni dex at patuloy ang tawanan

Alam kong ginagawa lang nila yon para pagaanin ang aking kalooban.

"Tara sa arcade" yaya ni dex

"Sige" sagot ni gelo

Tumango si ashley na sumasang ayon

"Sige. Mamaya pa naman date namin ni kian" sagot ko

"Here's your tokens" sabi ni gelo sabay abot ng mga tokens

"Salamat" sagot ko

"Basketball?" Tanong ni gelo

"Game!" Sagot ni dex

"so dating gawi? Ang talo, siya ang manlilibre ng Melona ice cream" suhestiyon ni ashley

"Sure" sagot ko

"Game!" Sagot ng lahat

Naghulog kami ng tig dalawang token sa machine. tahimik at mga seryosong naglaro.

"Yes! Panalo ako!" Sigaw ni gelo na tumalon pa

"Second" sabi ko sabay taas ng kamay

"Third" tumatawang sabi ni ashley

"Fine. Ako talo. Lagi na lang akong talo dito" nakasimangot na sabi ni dex

"Okey lang yan" sabi ni gelo kay dex at inakbayak niya pa ito pang palubag loob

(Beep beep beep)

1 message received

From: kian

" Sweet, im sorry can't make it today. Hindi pa kami tapos sa rehearsal. I hope you understand. I love you"

Text ni kian. Pero wala akong naramdaman na kahit anong galit o tampo sa kanya. kaya nag enjoy na lang akong kasama ang barkada. Sa car racing naman si dex ang panalo at ako ang talo. Sa indiana jones naman ako ang panalo si ashley walang nakuha kahit isang token. Hindi namin namalayan ang oras, halos malapit ng gumabi.

"Wanna talk about it?"Tanong ni gelo

"Uhm, im not yet ready" sagot ko

"Kapag hindi muna kaya nandito lang kami okey!"

"Yeah. Thanks"

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni dex

"Sige. Tambay muna tayo kila dex" sabi ko

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon