†Final Chapter†
◆Jade's POV◆
"Ano guys, ready for summer vacation?" Tanong ni Gelo
"Oo naman" sagot ko
"Yes! Yes! Yes!" Sabi ni Dex
"Ayeah" sabi ni Ashley
Lahat kami excited. Shuttle bus parin ang sasakyan namin. Reggae music ang pinatugtog namin for relaxation.
"Whoahh" sigaw namin ng barkada habang naka labas ang ulo at kamay namin sa bintana ng bus.
Habang nasa byahe kami, hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng paligid. Sariwang hangin ng probinsiya. Sa palawan ang destinasyon namin, sa aman pulo. First time naming lahat sa islang iyon kaya excited na kami.
Nang marating namin ang isla konti lang ang mga tao. Karamihan nasa boracay at baguio. Okey narin para atleast hindi masyadong maingay.
"Jade, anak, halika muna" tawag ni Mama
"Bakit po Ma?" Tanong ko
"Masama pakiramdam ng Daddy mo. Okey lang bang ikaw muna magbantay at magluluto muna kami" sabi ni Mama
"Okey po no problem" sabi ko
agad akong tumalima para puntahan ang Daddy at bantayan.
"Dad?" Pasintabi ko bago pumasok ng kwarto
"Come in" tawag niya
"Kumusta pakiramdam mo Dad?" Tanong ko
"Medyo masama parin" sabi niya
"Pahinga ka lang Dad. Dito lang ako babantayan kita" sabi ko
"Anak, sino ba ang makakapag pasaya sa puso mo?" Tanong ni Dad
"Dad..." nahihiya kong sabi
"Wag ka na mahiya anak. Hindi naman ako magagalit. Gusto ko lang malaman" nakangiti niyang sabi
"Si Tim po" sabi ko sabay yuko
"Sinong Tim?"
"Yung fil-am singer/commercial model po"
"Wow! Bongga ng anak ko ah"
"Dad, natututo ka ng mag gay-lingo ah"
"Kailangan eh. Para makasabay ako sayo"
"Anak, pag dumating ang tamang tao sa tamang pagkakataon, wag mo ng palampasin. Grab the opportunity"
"Paano ko malalaman kung siya yung the one?"
"Mararamdaman mo yan"
"Anak?"
"Bakit po Ma?" Sabi ko
"May party sa labas. Halika punta tayo" aya niya
"I cant ma, hindi pa ok si Dad" sabi ko
"Okey lang ako dito iha. I dont want to spoiled your vacation. Matutulog naman ako eh. Dont worry about me" sabi ni Dad
"You sure Dad?"
"Yes iha. Go"
"Thank you Dad. I love you"
"I love you too iha"
"Halika at magbihis ka muna" sabi ni mama Carmy
"Wow..." sabi ni Dex. At lahat sila nagsitingin sakin. Isang little white dress ang aking suot. May isang malaking puting bulaklak sa aking tenga. Nakapusod ang aking kinulot na buhok ngunit hindi inayos para may arte.