◆Henry's POV◆
"Shayne, mag bihis ka. May pupuntahan tayo" utos ko
"Where we goin?" Tanong niya
"Basta! Bilisan mo, male-late tayo sa appointment" sabi ko at tumalikod narin ako para mag-ayos
"Ready?" Tanong ko
"Yeah dad" sabi niya
Ilang oras din ang binaybay namin bago namin narating ang isang tagong isla sa pangasinan. Pangingisda ang pangunahing hanap-buhay ng mga tao roon.
"What is this place ? So hot... ugh! And smells ----bad" iritang sabi niya
"Let's go! Wag kang maarte" utos ko
Nagtanung-tanong kami kung saan nakatira ang mga hinahanap namin.
"Ah, excuse me ho, pwede ho bang magtanong ?" Sabi ko
"Ano po bang maipag lilingkod ko" sabi ng mama
"Hinahanap ko ho kasi kung saan ang bahay ng mag-asawang Poldo at Bening" sabi ko
"Ah, ayon po. Yong nag iihaw doon sa may dulo" sabi niya
"Maraming salamat ho" pasasalamat ko
"Wala pong anuman" sagot niya
Nakilala ko na sila Mang Poldo at aling Bening nung nakaraang buwan sa maynila.
"Tao po! Tao po! Tao po!" Sabi ko
"Ano yon?" Sabi ng boses ng babae
Lumabas ang isang may edad ng babae. Payat. Hindi katangkaran. Kulot at medyo may puti ng buhok.
"Kayo po pala Sir Henry. Pasok po kayo. Maupo po kayo" nakangiting sabi niya
"Salamat ho aling Bening" sabi ko
"Pang, halika dito may bisita tayo" pag tawag ni aling Bening sa kanyang asawa sa lenguaheng ilokano.
"Sino?" Tanong ng kanyang asawa
Nagmadaling lumabas si Mang Poldo. Lumaki ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita niya kami. Gumawa ng miryendang Turon na may langka si aling Bening na aming pinagsaluhan.
"Dad, why are they looking me like that ?" Tanong ni Shayne
"Shayne , i want you to meet them, aling Bening and Mang Poldo" pagpapakilala ko
Hindi siya umiimik. Hindi rin siya sumagot sa bati ng mag asawa.
"Sila ang tunay mong mga magulang. Ito ang mundong pinanggalingan mo" sabi ko
"What? No way! No way!! I cant accept this!! No way! You really hate me that much dad? Is this some kind of a joke?" Galit niyang sabi
Agad siyang tumayo at tumakbo palayo. Agad din kaming tumakbo upang sundan siya. Ngunit Pag dating namin sa kalsada wala na siya. Ayon sa mga nakakita sumakay raw ito ng bus. Kung saan papunta, ay walang nakakaalam nito.
Nag desisyon akong hayaan muna siya Magpalipas ng sama ng loob. Siguro nabigla ko siya kaya ganun ang kanyang reaksyon.
"Pasensya na ho kayo at hindi maganda ang nangyari" paghingi ko ng paumanhin
"Wala po yon Sir. Ipagdarasal nalang po namin na sana gabayan kayo ng ating panginoon at naway mahanap niya sa kanyang puso ang katahimikan, pagtanggap at pagpapatawad" sabi ni Aling Bening
"Salamat ho. Una na ho ako" sabi ko
"Mag-iingat po kayo sir" nakangiti nilang sabi
Nagpaalam Ako sa mag asawa. Habang ako'y nagmamaneho, nakaramdam ako ng guilt. Dahil sa galit ko kay Shayne, masyado akong naging harsh sa bata.
Gabi na ng makarating ako sa bahay. Tanging mga katiwala lang ang mga nandun.
"Good evening po sir" bati ng aking katiwala
"Manang lydia, umuwi na ba si Shayne" tanong ko
"Wala pa po sir. Diba po magkasama kayo" sabi niya
"Nag walk out. Tumakbo tapos nawala na. Hindi na namin siya nakita. Masyado ata akong naging harsh sa bata. Masama ba akong ama?" Tanong ko
"Hindi naman po sir. Siguro hindi lang niya naunawaan kung bakit ninyo yon ginawa. Minsan, kailangan po nating saktan ang mahal natin dahil sa tamang dahilan" paliwanag ni Manang Lydia
"Buti nalang lagi kang nandiyan manang" sabi ko
"Hay naku sir. Alam ko ibig sabihin ng bawat paghinga mo. Kung may problema ka o masaya ka. Maliit ka palang ako na ang nag-alaga sayo hanggang sa mag-asawa ka at magka anak. Para na kitang anak" sabi niya
"Minahal naman namin siya, ginagawa ko nga to para sa future nila ng kapatid niya. Ang nawawala kong anak" sabi ko
"Hayaan muna natin siya. Nagpapalipas lang yon ng sama ng loob" sabi ni Manang Lydia
Dumaan ang araw at linggo pero hindi parin siya umuuwi. Isang bagay lang ang dapat kong gawin para umuwi na siya....
Pumunta ako sa banko para i-check ang mga transactions ni Shayne at para narin ma-trace kung nasan siya naroroon...
Dismayado ako sa report na aking Nabasa. Malaking halaga na ang kanyang nagagastos dahil naka check-in siya sa isang mamahaling hotel sa baguio. Kumakain sa mamahaling resto. At nagsa-shopping ng mga mamahaling gamit.
"I want to close this account" sabi ko
"Are you sure sir?" Tanong sakin ng manager ng banko
"Yes. I want to close that credit card. And freeze that other account" sabi ko
"Yes sir" sabi ng manager at agad na inayos ang transaction
