◆Ashley's POV◆
"Tay, kuya, salamat kasi sumama kayo sa bakasyon. Salamat kasi pinagbigyan niyo ako" sabi ko
"Sana anak naging masaya ka"
Sabi ni tatay
"Oo naman po. Sobrang saya. Best bakasyon ever" sagot ko
"Buti na nga lang pareho kaming nakakuha ng leave ni tatay eh. Diba tay?" Pagsingit ni kuya noel
"Oo nga eh" sagot ni tatay
"Tay, kuya, next vacation daw ulit. Sa baguio naman daw po. Sana makasama ulit kayo" sabi ko
"Mapag uusapan yan anak. Pero sa ngayon, iayos mo na mga gamit mo at mag sipagpahinga na tayo at may pasok pa kami bukas" sabi ni tatay
"Oo nga bunso. At diba enrollment niyo narin bukas? Third year na bunso namin. Js prom naman ang aatenan niyo" sabi ni kuya
"Malayo pa yung js prom kuya. Tsaka oo nga tulog na tayo. Good night po" sabay beso beso sa kanila
"Goodnight din anak"
"Goodnight bunso"
"Yes! Magkakaklase ulit tayo" masayang sabi ni jade
"Oh my geeeee" maarteng sabi ni dex
"Ayos" sabi ko
"So, araw-araw sabay-sabay ulit tayong papasok" Sabi ni dexter
"Wow. Dating gawi" sabi ni jade
"So, arcade tayo now?" Tanong ni jade
"Sige" sagot ko
"Bet ko yan" masayang sabi ni dexter
"Manong johnny, sa mall po muna tayo. Mag aarcade lang po kami sandali" sabi ni dex kay manong johnny
"Sige mga anak" sagot ni manong johnny
Pag dating sa arcade nag kanya kanya kami. Si jade pumunta sa paborito niyang spot. Ang basketball At indiana jones. Samantalang si dexter ay sa videoke section. At ako, sa car racing.
Si manong johnny tinitingnan lang kami. Hindi na daw kasi siya bata at hindi daw siya nahilig sa kahit anong mga laro dito.
(Beep beep beep)
(1 message received)
From angelo: hi guys, watcha doin? Wer r u? GM"
"Ashley: sa mall. Arcade"
"Angelo: tgal pa kau?"
"Ashley: dunno"
"Angelo: txt me we u guys gt home. Tambay tau sa clubhouse"
"Ashley: ok"
Yan ang mga palitan namin ng text ni angelo.
"Guys, nagtext si gelo" sabi ko
"Why daw?" Tanong ni dex
"Magtext daw tayo pag on the way home na tayo" sabi ko
"Eh bakit Nga daw?" Tanong ni jade
"Tambay daw tayo sa clubhouse" sagot ko
"Oh i see.. sige tara na uwi na tayo. I want to see him eh" maarteng sabi ni dex
"Utang na loob dex, wag mo nang landiin si gelo. Dahil my girlfriend na siya" sabi ko
"Asan? Asan ang girlfriend? Diba nasa jamerica"
"Jamerica talaga?" Tanong ni ashley
"Oo. Jamerica" sagot ni dex na naka pamewang pa
"Sige. Landiin mo siya. Para pag nagka jowa ka at pag hindi kayo magkasama eh may ibang lalandi rin" sabi ni jade
"Grabeh ka" sabi ni dex na naka simangot
"Kasi, pag alam mong taken na, wag mo ng tangkaing landiin pa" sabi ko
