CHAPTER 8

6 1 0
                                    


◆Shayne's POV◆

"What is this all about? " galit na tanong sakin ng daddy ko sabay tapon ng card sakin

"It's nothing dad"

"Bagsak ka nanaman for god sake! Tapos sasabihin mo sakin it's nothing? Wala ka na bang alam gawin kundi gumastos at magpaka sosyal?"

"As if you care for me dad"

"Halos magpaka kuba ako para maibigay lang sayo ang lahat tapos ganyan lang ang gagawin mo? "

"Why don't you go to your business? Like you always do!"

"Hindi ko alam kung saan ako nag kulang. Namatay ang mommy at kuya mo ng dahil sayo"

"Sige isumbat mo pa sakin lahat ng kasalan ko. Wala naman akong ginawang tama eh. Sana ako na lang ang namatay" sabi ko kay daddy

Tumakbo ako papuntang kwarto at nag lock ng pinto. Doon bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.

"Shayne! Come back here! Hindi pa ako tapos mag salita! Wag mo akong tatalikuran! Shayne!" Patuloy na sigaw ni daddy

Walong taon ako ng maaksidente kami nila kuya at mommy.

Dahil pinilit ko si mommy na pumunta kami ng mall Sa likod ako nakaupo habang si kuya katabi ni mommy sa harap.

Habang nag da-drive si mommy may biglang nag overtake na truck. Hindi agad nakapag preno si mommy kaya sumalpok kami sa truck. Malakas ang impact kaya naipit silang dalawa sa harap. Dead on arrival na sabi ng mga doctor na tumingin.

Mula noon, lagi ng mainit ang dugo sakin ni daddy at lagi lang kaming nag aaway.

"Mang tony, mauna na kayong umuwi" sabi ko sa driver namin

"Bakit ho mam?"

"Basta"

"Hindi ho pwede. Magagalit ho ang daddy niyo"

"Sabihin mo my activities pa kami. Sasabay na lang ako sa mga friends ko"

"Sige ho mam"

"Hi ruby lou, sidney, what are you doing?" Tanong ko.

Nakita ko sila sa tambayan kaya pumunta ako.

"Nothing" sagot ni sidney

"soundtrip.Boring kasi eh" sagot naman ni rubylou

"Oh, nag away nanaman kayo ng daddy mo no?" Tanong ni sidney

"Wala namang bago doon" sagot ko

"Bat kasi ayaw mo mag aral?"

"Nothing. Tinatamad ako eh"

"Uy shayne, si kian oh. May kausap na girls" sabi ni rubylou

Agad akong tumayo para lapitan si kian at ang mga kausap nito.

"Hi kian" bati ko

"Oh shayne?"

"Busy ka?"

"Hindi naman"

"Can we talk in private?"

"Sure. Wait lang girls ah" paalam niya sa mga kausap niya

"What is it?" Tanong niya

"Pwede mo ba akong ihatid mamayang uwian?" Tanong ko

"Bakit? Asan driver mo?"

"Wala eh. Masama pakiramdam kaya pinauwi ko na kanina"

"Ok lang naman. Kaya lang sumasakay ka ba sa motor?"

"First time ko if ihahatid mo ako"

"Sige. Ihahatid kita"

"Thankie so much" masayang sabi ko at yumakap ako.

Si kian lang ang mayroon ako. Kaya ayokong may iba siyang kausap.

"class, Dont forget your assignments for tomorrow. Goodbye class" paalam ni sir Dimacatangay

"Goodbye sir. See you tomorrow" sagot ng buong klase

"Let's go kian?" Tanong ko

"Sorry shayne, hindi pala kita maihahatid"

"Why? But you promise"

"Sorry talaga. May emergency lang"

"Sino?"

"Basta sobrang sorry"

Nagmamadaling umalis si kian at naiwan ako mag isa.

"Hello mang tony?" Sabi ko sa telepono

"Yes mam?"

"Balik ka dito sa school bilisan mo Sunduin mo ako" utos ko kay mang tony

"Sige po papunta na ako" sagot niya

"Ginagabi ka yata shayne?" Tanong ni daddy

"So? As if you still care about me?" Pabalang kong sabi

"Saan mo natututunan ang sumagot?Nagiging bastos ka na!" Galit na sabi ni daddy

"Nothing. Just leave me alone dad"

"Im not done yet!!!. Wag mo akong tatalikuran!" Galit na sabi ni daddy sabay hila sa aking braso

"Ano ba dad, nasasaktan ako!"

"Kung alam ko lang na lalaki kang suwail sana hindi na lang ako pumayag na ampunin ka. Dahil nagsisisi ako sa pagpayag ko!"

"What did you just said? Ampon lang ako?"

"Oo. Ampon ka lang!"

After ng usapang iyon ay tumalikod na ang daddy at umalis. Naiwan akong tulala at hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha.

"Oh, anong tinitingin- tingin niyo diyan!? Mga chismosa!" Galit at pabalang kong sabi sa mga kasambahay namin.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Hindi ko alam ang aking gagawin.

Marami ang gumugulo sa aking isip. Kung anu-anong tanong ang Nabuo pero hindi ko alam kung anong sagot.

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon