◆Atty Fred Magpantay's POV◆
"Good morning henry" bati ko
"Morning pare" bati rin niya at nag kamay kami
"So, what's up?" Tanong ko
"Di ba ako dapat nagtatanong niyan?" Sabi niya
"Ito yung pinapagawa mo sakin" sabi ko. Iniabot ko sakanya ang envelop. Agad niyang kinuha at binasa ang report.
"Great! Gumawa ka ng paraan para makakuha ng buhok niya para mapa DNA ko na siya" utos niya
"Dont worry pare, one of this days makakakuha na tayo ng buhok niya. Chill ka lang pare" sabi ko
Alam kong matagal ng hinahanap ni henry ang nawawala niyang anak. Kaya gagawin ko ang lahat para matulungan siya.
Tinawagan ko lahat ng contacts ko. Kakilala ng kakilala ko. Lahat halos. Sana matagpuan na namin ang matagal na naming hinahanap. Sandaling naputol ang aking pag-iisip dahil sa tunog ng aking mobile phone.
(Ring-ring-ring)
"Hello mon" bati ko
"Fred pare, we need to meet up ASAP" sabi niya
"Tungkol ba yan sa pinapagawa ko?" Tanong ko
"Great! Sige be there in 30 mins" sabi ko
Makalipas ang trenta minutos ng dumating ako sa safe house ng barkada. Dumating din si Norman at Henry.
"Oh pare, ito na yung buhok nung anak mo" sabi ni mon kay henry
"Salamat ng marami sa inyong lahat. Sana nga siya na ang hinahanap ko" sabi ni henry
"So, chill naman muna tayo since andito na tayo" yaya ni Norman
"Sure" sabi ni mon
"By the way pare, ito yung address ng isa pang pinapahanap mo" sabi ko kay henry
"Your the best guys" sabi niya
"Sus, wag kang mag drama diyan" sabi ni norman
"Shot na lang tayo" sabi ko
"Cheers!"
"Cheers!"
"Cheers!"
Kahit papaano nabawasan ang stress ni Henry. Alam namin sobrang stress din past few days.
"Kelan mo planong puntahan mga yan ?" Tanong ko kay Henry
"Tomorrow. Pwede mo ba akong samahan?" Tanong niya
"Oo naman pare. Basta ikaw" sagot niya
"Mon, may posporo ka ba? Pahingi naman" sabi ni Norman
"Ayan oh, may lighter naman diyan" sagot ni Mon
"Lighter? Lighter gagamitin ko pangtutuli? Sige nga, kakasya ba yan sa tenga ko?" Sabi ni Norman
"Ay, di mo naman ako ininform" sabi ni Mon
Dahil sa asarang yun nagtawanan ang lahat... pang pa good vibes lang pag magkakasama kami. Normal na ang alaskahan.
