CHAPTER 25

9 1 0
                                        

◆Jade's POV◆

"Bakit malungkot ang baby namin?" Tanong ni mama carmy

"Oo nga. Anong problema anak?" Tanong ni Mamey Beth

"Mama Carmy, Mamey Beth, hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ko at tuluyan na ngang bumuhos ang malalaking patak ng luhang kanina ko pa pinipigil.

"Hay anak, halika dito. Kung kuntento ang puso mo sa taong mahal mo, kahit sinong dumating sa buhay mo dika malilito." Sabi ni mama Carmy habang nakayakap ako sa kanya

"Kapag nagmahal ka dahil sa itsura at pananamit niya ATRAKSYON yan. Kung nagmahal ka dahil sa gwapo siya, magandang katawan, makinis ang balat at malinis PAGNANASA yan. Pag nagmahal ka dahil masipag at matalino PAGHANGA yan. Pero kung nagmahal ka at hindi mo alam kung bakit PAG-IBIG yan. Dahil ang pag-ibig ay may sariling dahilan na hindi natin maintindihan" sabi ni Mamey Beth

"Qoutes lang mama beth?" Sabi ko sabay tawanan

"Everything is going to be ok in the end if its not ok, its not the end" sabi ni mamey Beth

"Para ka ng baliw anak. Umiiyak habang tumatawa" sabi ni mama Carmy

"Mama naman eh" sabi ko sabay punas ng luha

"Lagi mong tatandaan anak, kung talagang para sayo ang isang tao, mawala man siya sayo ng mahabang panahon magkikita parin kayo kapag tama na ang mali at kapag pwede na ang di dapat" sabi ni Mamey Beth

"Totoo ba yan mamey Beth, babalik ba si Tim sakin?" Tanong ko

"Kung siya ang itinakda ng panginoon, sa tamang panahon mangyayari ang lahat ng dapat mangyari" sagot ni mamey Beth

"Naiinis ako sa sarili ko. Bakit kasi hindi ko maamin sa sariki ko na bet ko siya dati pa" sabi ko

"Ang pag-ibig hindi yan dapat ikahiya. Kung talagang mahal mo si Tim, tatanggapin mo siya kahit ano pang itsura niya. Kahit pa nerd siya. Hindi dapat binabase sa itsura o estado sa buhay ang pagmamahal. Sabi nga nila love is blind. Kung mahal mo, eh di mahal mo. Walang pero-pero, walang bakit-bakit" sabi ni Mamey Beth

"Ang lalim ng hugot mo mamey Beth. May hindi ba ako alam? Hmm?" Sabi ko

"Wala naman anak..idol ko kasi si Vice Ganda. Ang nag-iisang dyosa ng kagandahan" sabi ni mamey Beth

"Antaray. Dont tell me nanonood ka ng Advice Ganda at GGV?" Sabi ko

"Naman" sagot ni mamey Beth

"Good afternoon po" bati ng barkada

"Good afternoon. Halikayo, magsipasok kayo. Anong gusto niyong kainin?" Tanong ni mama Carmy

"Wag na po mama Carmy. Ipagpapaalam po sana namin si Jade kung pwede siyang sumama sa victory party ni Tim sa Bar" paalam ni Ashley

"Sure. Basta umuwi kayo before 10" sabi ni mama Carmy

"Sige po" sagot ni Dex

Mag-aalas singko na ng marating namin ang bar na pagmamay-ari ng kaibigan ni Natalie

"Hi Jade!" Bati ni Stella at Angelo

"Hello" bati ko rin at nakipag beso-beso kami sa kanila

"Hi Tim" bati namin ng lumapit samin si Tim

"Hey there. Enjoy the party" sabi niya at agad ding umalis at lumapit sa ibang mga guests

Makalipas ang ilang minuto lumipat siya sa bar. May lumapit sa kanyang magandang babae. Blandina. Maputi. Seksi. Nag cheers silang dalawa at sabay nag shot. Sandaling nagtinginan at biglang naglapat ang kanilang mga labi.

Hindi ko kilala kung sino yon. Pero isa lang ang alam ko, sweet sila sa isat- isa. Magka holding hands sila buong gabi. Ilang beses nag lapat ang kanilang mga labi na siyang ikinadurog naman ng aking puso.

"Are you okey?" Tanong ni Stella

"Oo naman" sabi ko

"Kaya ko pa" bulong ng aking isip

"Tara, let's dance" yaya ni Stella

"Sure" sagot namin

Nagsitayuan na kami at pumunta sa dance floor. Habang sumasayaw kami hindi ko inaalis ang tingin ko kila Tim. Masaya siya sa piling ng blandinang iyon. Saya na minsan ko nang nakita nung mga panahong okey pa ang lahat,Nung okey pa kami. Siguro nga nakapag move-on na siya ngayon.

"Hi Guys" bati ni Neschelle at Lorechelle

"Hello" bati rin namin

"Hi guys" bati rin nila Sidney. Kasama niya sina cydel at Rubylou

"Asan si Shayne?" Tanong ko

"Ewan namin. Hindi ko na matagalan ugali niya. Hindi naman siya dating ganun"sabi ni Sidney

"Baka naman my problema lang" sabi ko

"Yon na nga ang kinagagalit ko eh. Mga kaibigan niya kami pero ayaw niyang magsabi ng problema niya" sabi ni Sidney

"Let's not talk about her na nga lang. Let's enjoy the The party" Sabi ni Cydel

"Tama" sabi ni Rubylou

Nang gabing iyon naging kaibigan narin namin Sila Sidney. Nawala ang dating harang samin.

Muli akong sumulyap kay Tim. Nasa gilid na sila ng bar. dahil sa nakita ko uminom ako ng uminom ng alak habang sumasayaw hanggang sa maging wakas na ako.

Yon lang ang alam kong paraan para mapansin niya ako. Yes. Desperada na ako. Pero dahil sa kalasingan hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

"Ouch" Sabi ko

"Oh gising kana pala anak. Heto at mag kape ka muna" sabi ni mama Carmy

"Anong nangyari? Paano ako nakauwi dito?" Sabi ko

"Hinatid ka ng mga barkada mo. Dito rin sila nagsipag tulog. Pero maaga din silang umuwi kanina" sabi ni mamey Beth

"Anong nangyari kagabi sayo? Bat ka nagpakalasing?" Tanong ni mama Carla

"Nakita ko si Tim, masaya na siya sa blandinang kasama niya. Harutan pa sila ng harutan. Ayoko na magmahal. Hindi na ako naniniwala sa forever" sabi ko

"Bakit si Xander at Agnes, nangyari din naman sa kanila ang Naghiwalay pero in the end sila parin naman" sabi ni mama Carmi

"That's teleserye ma. Fan ng Forevermore? " sabi ko

"Oo naman. Sa movie na that thing called tadhana, diba nasaktan din si angelica pero ang ending happy sila ni jm" sabi ni mamey Beth

"That's a movie mamey" sabi ko

"Si Chichay at Joaquin, diba sila parin nagkatuluyan kahit nagka amnesia si Joaquin sa Got to believe" sabi ni mama Carmy

"Teleserye parin po yan" sabi ko

"Yong book na sinulat ni Marcelo Santos III na Para sa Hopeless Romantic nasaktan din si Nadine pero ang ending sila parin ang nagka tuluyan" sabi ni mama Carmy

"kasi nga po movie yan" sabi ko

"ang gusto lang namin sabihin sayo, hindi porkit nasaktan ka hindi kana maniniwala sa forever. Minsan kailangan natin maghiwalay para mahanap natin ang the one na para satin. Sabi nga sa movie, hanggat hindi ka pa happy hindi pa ending. Hindi mo pa nahahanap si the one o kelangan lang natin pagdaanan yan para mas tumatag tayo" sabi ni mamey Beth

"Hindi ko po alam mamey... naguguluhan at nasasaktan po ako.... " sabi ko

Ive been hurt. Lied and broken hearted. I have felt alone when i couldnt afford to be. But at the end of the day, i had to learn to be my own bestfriend, because there's going to be days when there will be no one there for me but myself.

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon