CHAPTER 28

8 1 0
                                        


◆Jade's POV◆

"Mama Carmy alis na po kami" paalam ng barkada

"Sige. Mag-iingat kayo" sabi ni mama

"Anak, halika na kain narin tayo ng hapunan" sabi sakin ni mama

"Sige po" sabi ko at agad akong tumayo para sumama

"How's your day anak?" Tanong ni mamey Beth

"Im good. Better actually" sabi ko

"That's great" sabi ni mamey

"I was thinking mamey, mama of working in london" sabi ko

"Ang layo mo naman samin anak" sabi ni mama

"Pinag iisipan ko palang naman eh" sabi ko

"Hindi mo kailangang gawin yan anak" sabi ni mamey

"Uhm anak, what if mahanap ka na ng tunay mong mga magulang, gusto mo ba silang makilala?" Tanong ni mamey Beth

"Why not? Okey lang. Gusto ko lang malaman kung bakit at paano ako napunta sa inyo. Why po?" sabi ko

Hindi nila sinagot ang tanong ko. Parang umiiwas sila.

"Ulam pa anak oh, kumain ka ng kumain" sabi ni mama Carmy

Kinabukasan may bisitang dumating. Isang pamilyar na mukha, alam kong nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan at kung kailan.

"Anak, this is Sir Henry" pakilala ni mamey Beth

"Good Afternoon po" bati ko

"Goodafternoon din" bati din niya

"Anak, naaalala mo ba yung pinag-usapan natin kabagi?" Tanong ni mama Carmy

"Yes ma, bakit po?" sagot ko

"Anak, siya ang tunay mong ama" seryosong sabi ni mama carmy

Tinitigan ko si mama Carmy at mamey Beth, hindi sila nagbibiro. Alam ko sa mga oras na iyon nagsasabi sila ng totoo, dahil alam nilang ayoko na nagbibiro sila lalo na sa tunay kong mga magulang.

"Ano pong mga pruweba niyo?" Tanong ko kay sir Henry

"ito" sabi niya sabay abot sakin ng isang envelop.

Nakita ko ang mga pictures. Napansin ko ang isang litrato na medyo malapit ang kuha. Litrato ng isang bata na may suot na kwintas. Hugis puso na may kalakihan. Sa aking palagay, isang locket pendant iyon. kapareho ng kwintas ko

Napatingin ako sa isang puting papel, nakaramdam ako ng kaba. Parang tambol na naguunahan ang kabog ng aking dibdib. Resulta ng isang DNA. 99% ang nakalagay. Positive.

"Paano po kayo nakakuha ng samples ko?" Tanong ko

"Natatandaan mo ba nung may pumunta ditong mga tao na nag alok

At nag bebenta ng mga suklay na pang massage? sa mall, iyong mga iniiwan mong mga bottled water, softdrinks at mga disposable spoon sa mga fastfood. Matagal ng may nagmamanman sayo. Mga tauhan sila ng mga kaibigan ko. Matagal na nila akong tinutulungan para mahanap ka" kwento niya

"Ganun po pala. Ano po bang balak niyo?" Tanong ko

"Dont worry, hindi kita kukunin sa mga magulang mo. Gusto lang kitang makilala. Sana give me a chance na magkakilala tayo. Papasukin mo ako sa buhay mo" sabi niya

"Okey lang po. Dad?" Medyo ilang kong sabi

"Anak ko" sambit niya at niyakap niya ako ng mahigpit

Niyakap ko din ang aking ama. Kahit hindi ko na makikilala ng personal ang aking tunay na ina, sa mga kwento ng daddy alam kong mabuti silang mga magulang.

"Anak, every weekend gusto mo ba mag stay kayo sa bahay? Para kahit paano makasama kita" sabi niya

"Ma? Mamey?" Tanong ko kila mama upang malaman kung anong sagot nila

"Walang problema samin. Hindi na kami sasama. Quality time niyong mag-ama yan" sabi ni mamey beth

"Tama. Tsaka malaki ka na anak kaya kung anong desisyon mo as long as nasa tama hindi kami kokontra" sabi ni Mama Carmy

Agad ko silang niyakap. Sobrang saya ko dahil masasagot na ang matagal ko ng gustong malaman tungkol sa pagkatao ko.

"Thank you mamey Beth, thank you mama Carmy. I love you both" sabi ko

"I love you too anak"

"We love you baby"

"Dad, what happen ba dati? Bakit at paano ako nahiwalay sa inyo?" Tanong ko

"Nasa outing tayo noon. Nasa isang maliit na bangka tayo papunta sa kabilang isla, biglang lumakas ang alon sa dagat at tumaob yung bangka. Nagkakagulo na ang mga tao that time. Hindi matandaan ng mommy mo kung kanino ka niya naiabot. Kung saan-saan, kung kani-kanino ka namin pinagtanong at hinanap pero hindi ka binalik" kwento ng daddy

"Ganun pala" sabi ko

"Pero gayunpaman masaya narin ako dahil nakita kita ngayong maayos , pinalaki kang mabuti" sabi ng dad sakin

"Salamat ho sa pag-alaga niyo sa anak ko. Binigyan niyo siya ng magandang buhay at habangbuhay kong tatanawin ng utang na loob ito" sabi ng dad sa parents ko

"Nung iniwan siya samin, minahal na namin Siya ng walang kapalit" sabi ni mama Carmy

Naging masaya ang araw na ito para sakin dahil unti-unti nang nabubuo ang pagkatao ko.

Naging masaya ang graduation namin sa kolehiyo dahil kasama ko si dad. Naging malapit agad siya sa barkada. Andun din si Stella upang manood.

Nag organize ang daddy ng party sa bahay namin at invited lahat ng barkada kasama ang pamilya nila. Bumaha ng alak, pagkain, may live band. May disco ball rin kung saan pwede sumayaw sa dance floor.

Dumating rin sa party sina lorechelle, neschelle, sidney, rubylou at cydel.

"Hashtag best party ever!!! Whooooaaahhh!!!" Sigaw ni dex

"Team graduate!!" Sigaw ni ashley

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Hindi na muling nagpakita si Shayne. Hindi rin siya naka graduate. Walang sinuman ang nakakaalam kung nasaan siya.

"Cheers bestfriends!!!" Sigaw ko

"Cheers" sigaw ng lahat at sabay taas ng mga kopita.

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon