CHAPTER 27

6 1 0
                                    


◆Tim's POV◆

"Tim, galit ka pa rin ba samin?" Tanong ni Gelo

"Nope" maikli kong sagot

"Eh bakit parang ilag ka pa rin samin?" tanong ulit niya

"Not really. Maybe because people change. And im one of them" sabi ko

"How bout Jade?" Tanong niya

"What bout her?" Sabi ko

"Galit ka pa ba sa kanya?"

"Not anymore. Im okey now. I moved on" sabi ko

"Masaya ako sa transformation mo, may tiwala ka na sa sarili mo. On the other hand, im lil bit disappointed in you coz naging wild ka. Naging babaero ka" sabi niya

"What you want me to do? Go back to the old me? As ive told you, people change. Ive change. It's only because i stopped acting the way people want me to" sabi ko

"yes youre right! You've change a lot. Always forgive and forget how bad people may treat you... instead, treat them right... because in this life, what comes around goes around" sabi niya

"Wala akong tinatapakang tao dati, pero lagi akong iniinsulto at tinatapakan ang pagkatao ko. Ayoko ng bumalik sa ganung buhay" sabi ko

"I know G has a plan, pray for your direction and Follow it. have Patience to wait on it and wisdom to know when it comes" mahiwaga niyang sabi

"Sinong G?" Nagtataka kong tanong

"Si GOD" sabi niya

"Meron ba talagang GOD? Hindi ako naniniwalang may GOD! kasi kung meron talagang GOD hindi niya hahayaang masaktan ako ng ganun!" Galit kong sabi

"Tama ka! Hinahayaan niya tayong masaktan, alam mo kung bakit? Para matuto tayong maging matatag. Matapang. Matutong maghintay sa mga bagay-bagay. At matutong mag tiwala sa kanya. Hindi lahat ng hilingin natin binibigay niya, bagkus binibigay niya ang mas karapatdapat na bagay satin. Minsan may solusyon na siyang binigay sa problema natin pero hindi natin makita dahil sa galit. Lagi nating sinisisi ang diyos sa mga masasamang nangyayari sa buhay natin. Pero hindi natin naiisip na tayo rin minsan ang gumagawa para mangyari satin ang masama. Hinahayaan niya tayong masaktan hindi dahil walang pakialam ang diyos, hinahayaan niya tayo para matuto " sabi niya

Natauhan ako sa sinabing iyon ni Gelo. May point siya. May kasalanan din naman ako kung bakit ako nagka ganito. Kung tutuusin pwede kong ayusin ang aking buhay na walang tinatapakang tao. Marami na akong nasasaktan dahil sa galit ko kay jade.

"Tim? " sabi niya

"What?" Sabi ko

"You okey?" Tanong ulit niya

"Yeah. uhm, gelo kumusta si Kian at Jade?" Tanong ko

"Matagal na silang hiwalay. Mula noong umalis ka ng walang paalam dun na nanligaw si Kian. Ilang buwan ding nanligaw si Kian hindi siya agad sinagot ni Jade kasi umaasa siyang baka bumalik ka. Pero hindi ka bumalik. Ang masaklap pa nun, pinag pustahan lang pala siya" kwento niya

"What?!" Gulat kong sabi

"Oo. Pumunta si Jade sa tambayan nila Kian para sana i-surprise siya, pero bigla siyang huminto ng marinig na nag uusap-usap sina Kian at ang kanyang banda tungkol kay Jade kaya siya nakinig. Doon niya nalaman na pinagpustahan lang siya. Hindi na siya nagpakita kay Kian nun" sabi niya

"Kaya ba siya nagpakalasing nun sa party?" Tanong ko

"Oo. Galit na galit siya that time. Tapos nakita ka pa niya na may iba ka na kaya lalong siyang nagalit sa sarili niya" sabi niya

"Ganun na kayo ka-close? Kasi andami mo ng alam tungkol sa personal life niya" sabi ko

"Hindi naman. Nagkakataon lang pag pumupunta kami ni Stella sa kanila lagi siyang umiiyak. Lagi niyang sinisisi ang kanyang sarili" sabi niya

"Hi Babe!" Masayang bati ni Shayla

Bigla kaming natigil sa usapan. Nakilala ko siya sa bar nung party.

"Hi babe" bati ko rin sa kanya

Nilapitan niya ako niyapos ng mahigpit at hinagkan ang aking labi.

"Hey Cuz, gotta go" paalam ni Gelo

"Where you goin?" Tanong ko

"Jade's place. Andun ang barkada. Andun din si Stella. Nagpaiwan dahil may girls stuff daw sila kagabi" sabi ni Gelo

"Okey" tangi kong nasagot sa kanya

"How are you babe ?" Tanong niya

"Im good" sagot ko

"Stroll tayo" yaya ni Shayla

"Tinatamad ako" sabi ko

"Ay wala ka sa mood? Gusto mo bang tanggalin natin yang stress mo" malambing niyang sabi habang minamasahe niya ang aking likod at hinahagkan ang aking pisngi

"No!" Bigla kong sabi at hindi sinasadyang naitulak ko siya

"What the--- ano bang problema mo?!" Naiinis niyang sabi

"Im sorry. Its just that... im not in the mood" sabi ko

"Fine! Aalis nalang ako" galit niyang sabi

Padabog siyang umalis ng bahay malakas din ang pagsara niya sa pinto. Humiga ako sa kama habang hawak ng aking mga kamay ang aking ulo.

Maraming bagay ang gumugulo sa aking isip. Mga bagay na sana'y hindi umabot sa ganito. Humingi narin ako ng pansamantalang bakasyon para malinawan ang aking isip.

Malaki rin ang aking kasalanan sa kanya. Pareho kaming nagkamali. Pareho kaming hindi alam ang dapat i-react.

"Maayos ko pa ba to?" Bulalas ko sa aking sarili

"Aaaaahhhhhhhhhhhh" malakas kong sigaw sabay tapon ng mga bagay na aking nakikita. Dahan-dahan akong umupo sa gilid at nagpakawala ng tinatagong damdamin. Napa-iyak na ako sa gilid.

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon