◆Jade's POV◆
"Grabe pala nangyari sa inyo. Malamang galit ngayon sa inyo si tim" sabi ni ashley
"Oo nga friend. Kahit na nerd siya hindi mo siya dapat pinagtawanan" sabi naman ni dex
"Kasalanan ko ito. Dapat hindi ko na ginatungan pa yung pang aasar" sabi naman ni gelo
"Kasalanan ko din, kasi pinilit pilit ko pa siya" sabi ko naman
"So jade, anong plano mo?" Tanong ni ashley
"Wait, tatawagan ko. Mag sosorry lang ako" sagot ko
"Hay naku... sana sagutin ni tim yung call mo" sabi ni dex
"Guys, hindi niya sinasagot cell niya" sabi ko
"I guess hayaan muna natin siya mag isa. Magpapalipas lang ng sama ng loob yun" suhestiyon ni gelo
"Kasalanan ko ito. Naiinis ako!" Sabi ko na puno ng pagsisisi
"Hindi na natin mababago yung nangyari. Tapos na yun eh" sabi ni dex
"May alam ka ba kung saan pumupunta si tim pag masama ang loob?" Tanong ko kay gelo
"Wala. Pagka gusto niyang mapag isa hindi siya nagsasabi. Pero alam ko safe siya" sagot ni gelo
"Gelo, please text mo agad ako pag umuwi na si tim" bilin ko kay gelo
"Sige. Dun na muna ako kila tim maghihintay. Ite-text ko kayo agad pag uwi niya" sagot ni gelo
"Thank you"
"So sis, what's your plan ngayong alam muna, na ikaw yung mahal ni tim" tanong ni dex sakin
"I dont know"sagot ko
"Oh diba gusto mo rin naman si tim" sabi ni ashley
"Hoy hindi ah. Hindi ko siya gusto" sagot ko
"Hindi muna kailangang magsinungaling samin. Dahil nararamdaman namin ang totoo" sabi ni ashley
"Oo nga. Wag ka na mag deny girl" sabi ni dex
"Anong gagawin ko?" Malungkot na tanong ko
"Well, siguro tama si gelo. Hayaan muna natin si tim" sabi ni dex
Sa bahay nila dex kami natulog ni ashley nang gabing iyon.
"Guys, next month na ang christmas. Last two weeks na rin ng klase natin" sabi ko
"Oo nga" sagot ni dex
(Beep)
1message received
From. 09101234567
"Hi"
Sabi ng nag text kaya nireplayan ko
"Who's this?"Tanong ko
"Kian"
"Sinong kian?"
"Kian Sanchez"
"Kian Sanchez? As in kian sanchez na campus crush?" Tanong ko
"Yup"
"Weh! Ginu-good time mo lang ako eh"
After ng text ko na iyon hindi na siya nag reply
(Ring ring ring)
09101234567 is Calling
"Hello" sagot ko sa mobile phone
"Hi" bati niya
"Sino ka ba talaga?" Tanong ko
"Ano bang pwede kong gawin para maniwala kang ako si kian?"
"Sa monday kausapin mo ako"
"Ok.Yun lang pala eh. Sige sa monday kahit ihatid pa kita pauwi diyan sa inyo"
"Ok. Bye"
"Teka muna sandali lang jade"
" bakit?"
"Gusto ko lang makipag kwentuhan"
"Antok na ako. Goodnight"
"Ang aga pa ah"
"Maaga talaga akong natutulog"
"Sige na nga. Good night na" malambing niyang sabi
At nawala na nga siya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa tumawag kanina at nagpakilalang si kian.
"Tulaley lang?" Natatawang Sabi ni dex
"Sinong tumawag?"Tanong ni ashley
"Kian daw" sagot ko
"Kian!?As in kian sanchez na crush mo?!" Eksaheradang tanong ni dex
"Hindi ko alam kung Maniniwala ako sa kanya"
"Patingin nga ng number na ginamit" sabi ni dex
"Ito oh" sagot ko
"Girl confirm! Si kian nga ito" maarteng sabi ni dex
"Paano mo naman nalaman?" Tanong ko
"Nakitawag siya sakin last month kasi na missed place niya yung cell niya eh" sagot ni dex
"Eh paano naman niya nalaman number ko?" Tanong ko
"Baka nakita rin niya sa phone ko" sagot ni dex
"Parang impossible" sabi ko
"Uy, its your time to shine" tili ni Dex
"Paano si tim?" Tanong ni ashley
"Pero si kian ang long time love ni jade" sabi ni dex
Parang lalo akong naguluhan
Pero hindi naman ako nag assume na gusto ako ni kian. Inisip ko na lang na baka gusto lang makipag kaibigan.
"Baka naman napansin ka na niya jade. Paano, ang seksi-seksi muna at ang ganda pa" sabi ni dex
"Oo nga. Si kian nga pala ang rason kung bakit nag paganda ka nang husto. Para mapansin ka niya" sabi naman ni ashley
"Paano kung ligawan ka ni kian?" Tanong ni dex
"Lets not jump into conclusion. Baka may nakitext lang gamit ang Cell niya. Or gusto lang makipag kaibigan" sagot ko
"Paano nga kung ligawan ka? Paano lang naman?" Paulit-ulit na tanong ni dex
"Matulog na nga tayo. Antok na ako" sabi ko para mahinto na ang usapan.
