CHAPTER 12

5 1 0
                                        

◆TIM'S POV◆

"Hoy tim ano yang sinusulat mo?" Tanong ni jade

"Ay kalabaw ka" bigla kong sabi dahil sa gulat nalaglag yung papel at agad na kinuha ni jade

"Buong buhay ko

hindi kita pansin..."

"Hoy jade akina yang papel ko" sabi ko at nakipag agawan ako

"Pero kahit iwasan ka

Nandyan ka parin

Bakit ngayon di masabi

Ang nagbabagong feeling

Hiram man aminin

Napamahal ka na rin" Pagbasa ni jade

"Wait, diba kanta to ni jolina at marvin? Yung...uhm, teka nasa dulo ng dila ko.... uhm yun, baka sakali" sabi ni jade

"Ah oo" sagot na nahihiya

"Bat mo sinusulat?"

"May nahanap kasi akong chords nyan ng piano eh walang lyrics kaya naghanap ako"

"Marunong kang mag piano?"

"Yup"

"Bakit? Para saan to?"

"Para sa babaeng gusto ko"

"Wow! Sinong swerteng babae yan? Hahaha manghaharana ka?"

"Secret"

"To naman. Share mo na dali" sabi niya sabay dive sa kama

"Sasabihin ko sayo pag ready na ako" sagot ko at humarap na ako sa lamesa upang ipagpatuloy ang pagsusulat

"Kilala ba namin to?"

"Yup. Kaya lang hindi ko alam kung magugustuhan ba niya ako"

"Why not?"

"I dont know. Hindi ako marunong manligaw, hindi ako marunong magparamdam"

"Ibig sabihin never ka pa nanligaw o nagka girlfriend?"

"Never"

"Ever?"

Napaisip ako sa sinabi ko, natatakot ako na baka pag sinabi ko na siya ang gusto ko, eh baka iwasan niya ako.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula itong nararamdaman ko. Pero isa lang ang alam ko, mahal ko si jade. Kaya gagamitin ko itong inspiration para mapansin niya ako.

"Oh jade andito ka pala" sabi ni gelo

"Ay, dehins aketch itey" sagot ni jade

"Ha?"

"Sabi ko hindi ako ito... hahaha" sagot ni jade

Ang tawa niyang iyon at ang sense of humor ni jade ang nakakapagpasaya sa puso ko tuwing naririnig ko siya.

"So jade sinabi na ba sayo ni tim kung sinong gusto niya?" Pang aasar ni gelo

"Dehins pa nga eh. Sinetch ba?" Pangungulit ni jade

"Please lang gelo, tumigil ka na hindi na nakakatuwa" seryosong sabi ko

"Ito naman. Sobrang seryoso mo. Gusto ko lang naman malaman kung sino crush mo eh" patuloy na pangaasar ni jade

"Kilala natin" pabulong ni gelo pero malakas parin kaya narinig ko

"Get out of my room" mahina kong sabi

"Ito naman pikon masyado" seryosong sabi ni jade

"Hahaha pikon! Pikon" patuloy na pangaasar ni gelo

"Damn it! I said get out of my room!" Pasigaw at galit kong sabi sa kanila

"Seriously? Nagagalit ka dahil lang doon? Ang arte mo! Siguro lalake crush mo" sabi ni jade

"Gusto mo talagang malaman kung sino ang gusto ko?" Tanong ko

"Oo" seryosong sagot ni jade

"Ikaw. Ikaw jade ang gusto ko. Ikaw jade ang mahal ko. Gusto na kita nung una pa lang kitang nakilala" pagsasabi ko ng tunay kong nararamdaman

"Hahaha. Ang galing mong mag joke tim" sabi ni jade

"Sinabi ko na sayo ang totoo pero pinagtawanan mo lang ako. Kaya ayoko sabihing gusto kita dahil alam kong pagtatawanan mo rin ako" sabi ko

"Kasi alam kong hindi totoo yan. At hindi magandang biro yan" sabi ni jade

"Akala ko iba ka jade. Akala ko hindi mo ako pagtatawanan. Pumayat at gumanda ka lang nag iba ka na.Katulad ka rin pala nilang lahat" sabi ko kay jade

"Ano gelo, masaya ka na ba na sinabi ko na kay jade ang totoong nararamdaman ko, at pinagtawanan na ako ng taong mahal ko? Ganyan ka naman eh, gustung- gusto mong pinagtatawanan ako" sabi ko

"Hindi ganun yun tim" sagot ni gelo

Pumatak Ang luhang matagal kong pinigil dahil narin sa sakit na naramdaman ko.

Dahil nakita ni jade ang mga luha ko, tumakbo ako palabas ng kuwarto. Kinuha ko ang susi ng kotse ko na naka park sa labas ng bahay at nag drive.

"Tim, saan ka pupunta? Im sorry" paulit-ulit na sabi ni jade habang hinahabol ako palabas ng bahay

"Tim. Wait" sigaw ni gelo

Binaybay ko ang kahabaan ng slex. Makalipas ang dalawang oras na pagda-drive ay narating ko ang rest house namin sa tagaytay.

"Good evening sir tim. Sino ho kasama niyo?" Tanong ni manang violy na katiwala ng pamilya sa tagaytay

"Wala po. Ako lang. Mag o-over night lang po ako. Kailangan ko ding umuwi bukas" sagot ko

"May problema ba?"

"Gusto ko lang po mapag isa"

"Sige iho magluluto muna ako ng kakainin mo"

"Wag na po. Hindi po ako gutom. Thank you na lang po"

"Sige ikaw ang bahala. Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka"

"Sige po"sagot ko

" urg! Pinag tawanan lang niya ako. Nakakainis! Nakakahiya! Ayoko na! Ayoko na!" Bulalas ko sa kwarto habang kausap ko ang aking sarili.

(Phone ringing)

Daddy Calling

"Hello dad" Bati ko

"Where are you young man?"

Tanong sakin ni daddy

"nagpapalamig lang ako dito sa tagaytay"

"Who's with you?"

"Nothing dad"

"Where's gelo?"

"Busy sa laptop. Girlfriend time"

"Ok. Magiingat ka dyan ha"

"Yes dad. Pwede bang sa monday na lang ako umuwi? Dideretso na lang ako sa school"

"Why?"

"I need some time alone for my music and sa mga flowers ko"

"Ok son"

"Thank you dad"

Nakatulog agad ako pagka higa sa kama. Marahil siguro sa pagod na nagsamasama.

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon