◆Kian's POV◆
"Sweet, may problema ba tayo?" Tanong ko kay jade
Tinignan niya ako ng makahulugan. Buntong-hininga lang ang kanyang naisagot. Nararamdaman ko may mali.
Nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot pag may ibang kasama si tim. Mula ng dumating si tim laging hindi mapakali si jade.
"Sweet, can you be honest with me?" Sabi ko
"Tungkol saan?" Tanong niya
"Si Tim ba? "
"Anong si Tim ?" Nagtatakang tanong niya
"May gusto ka ba kay Tim?" Tanong ko
"Im sorry" sagot niya sabay yuko
"Kelan pa? Minahal mo ba talaga
ako?"
"Oo. Siguro. Baka paghanga lang talaga, hindi pagmamahal. Matagal bago ko narealize na mahal ko pala si Tim. Ayoko nang maging unfair sayo. Ayoko nang makasakit pa. Dahil alam ko ang pakiramdam ng masaktan." Sagot niya
"So, your breaking up with me ?" Seryoso kong tanong
"Yes. Im really sorry kian. Sana someday, mapatawad mo rin ako" sabi niya
Tumayo na siya at tuluyang umalis ng bahay. Ibinalik rin niya ang sing-sing na binigay ko. Dumating ang gabi, tinititigan ko parin ang sing-sing na binalik sakin ni jade. Sa sobrang sama ng loob ko, binato ko ang bote ng alak sa ding-ding at nabasag ito ng pira-piraso. Parang puso ko na dinurog.
(FLASH BACK)
(3 years ago)
"Bro, bat di ka maghanap ng ibang babae para magtigil na yang si Shayne. Lahat tayo nagugulo ng dahil sa kabaliwan niya sayo" sabi ni Diego
"Tama bro, hassle yang babaeng yan" segunda ni Borgie
"Bro, ligawan mo kaya si jade?!" Suhestiyon ni Luis
"Jade!? Si Jade Borja?" Tanong ko
"Yup! Si Jade nga. Balita ko, she likes you bro" sabi ni Luis
"No way!" Sagot ko
" no way because?" Tanong lawrence
"I just dont like her" sabi ko
"You just dont like her? Or youre just Torpe bro" pang aasar ni Borgie
"Hindi ako torpe" sabi ko
"Bat di nalang tayo mag pustahan! Pag napasagot mo si Jade we'll pay you 5 thousand pesos each. Pero pag hindi mo siya napasagot, babayaran mo kami same" sabi ni Borgie na tumatawa
"Ano bro, hindi mo kaya no?" Kantiyaw ni Diego
"Fine! Ill do it!" Naiinis kong sabi
"Hi" bati ko kay Jade
"Hi--" gulat na sagot niya
"How are you?"
"Im good"
"Let me formally introduce myself. Im Kian Sanchez" pakilala ko
"Im Jade Borja" pakilala rin niya. Nagkamayan kaming dalawa.
"Sorry kung hindi kita masyadong pinapansin ah" sabi ko
"Bakit nga ba?" Tanong niya
"Crush kasi kita eh" sabi ko
"Ha? Ah...eh... kwan..." tangi niyang nasabi
"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong ko
"Ligawan? Ako?! " gulat niyang sagot
"Oo. Ikaw. Ano, pwede ba?" Tanong ko
"Ok" nakangiti niyang sagot
At doon na nagsimula ang pustahan namin. Career kung career ang panliligaw ko sa kanya. Gumagastos ako para sa mga romantic date namin.
Sinagot niya ako sa baguio. Namasyal kami doon, dinner by candle light sa loob ng malaking hugis puso na mga petals ng rosas na pula.
"Bro" bati ni Diego
"Bro?" Segunda ni Lawrence
"Bro!" Pang-gugulat ni Borgie
"What happen?" Tanong ni Luis
"She broke up with me" sabi ko
"So?" Sabi ni Lawrence
"I really dont know, bat ganito nararamdaman ko, bat parang ang sakit. Bat ako nasasaktan. Naguguluhan ako sa feelings ko" sabi ko
"Dont tell me, mahal mo na siya?" Sabi ni Borgie
"No!" Sabi ko
"Seriously bro, hindi ka naman magkakaganyan kung hindi mo siya mahal eh" sabi ni Borgie
"Agree bro" pag-sang-ayon ni Diego
"Bro, why dont you admit it, that youre already fallin to her" sabi ni Luis
"She's an amazing lady. She's sweet, loving ang caring. Easy to be with. Fun. "Sabi ko
"Oh, yun naman pala eh! Bat di mo siya balikan?" Sabi ni Diego
"I cant! He love tim" sabi ko
"Si Tim na dati nating classmate na nerd? At ngayon sikat na? Siya ba?" Sabi ni Lawrence
"Yes." sabi ko
Siguro ito ang kapalit ng matagal kong panloloko kay Jade. Siguro ito ang aking karma. Hindi ko alam kung bakit at paano ako nahulog sa kanya.
Ilang araw na akong wasak. Pinagsisisihan ko ang bagay na iyon. Sana hindi ko nalang siya niloko. Hindi ko naisip kahit minsan na mahuhulog ang loob ko at mamahalin ko ang tulad niya.
