◆Jade's POV◆
"Aaaahhhhh. I miss you ilocos" tili ni dexter
"Kelangan tumili?" Banat ni ashley
"Dexter, ashley tignan niyo oh may picture pala tayo dito" sabi ko habang hawak hawak ko ang litrato na naka patong sa divider.
"That was 8 years ago iha, nag bakasyon kami dito ng mga magulang niyo" kwento ni tita carleen
"Bongga!!! But we dont remember anything" sagot ni dexter
"Because you are all young that time" pag singit ni tito gareth sa usapan namin
"Oh siya magsipag ayos na tayo ng mga gamit..nang maka pasyal na kayong mga bata habang kami magke kwentuhan" sabi ni tita carleen
"Kayong dalawang boys sumunod kayo sakin" utos ni tita carleen kila angelo at tim
"Opo" sagot nila at binitbit ang mga gamit
"Ito ang magiging kwarto niyo"
"Wow. Astig! Thank you po tita kasi pinayagan niyo po kaming sumama" sabi ni angelo
"Its ok. Kung sinong mga kaibigan ng anak ko, welcome samin. At buti nag paalam kayo ng maayos at pumayag din sila nung kinausap ko sila"
"Oo nga po eh. Thank you po ulit"
"Oh siya mag ayos at mag bihis na kayo. Punta kayo sa tabing dagat"
"Sige po"
"Tara na sa beach im sooo eggzoiitteeedd" eksaheradang yaya ni dexter
"Lets go"sagot ni angelo
"Kids,take care. Sasamahan kayo ni manong johnny ok" sabi ni tita carleen
"Opo" sagot ng lahat
Habang naglalakad kami sa tabing dagat namumulot ng mga sea shells si ashley.
Si ashley ang mahilig sa mga crafts. Nagagawa niyang pagandahin ang isang bagay na luma o itinapon na.
At ako umupo sa buhanginan habang dala dala ko ang aking notebook na puno ng mga tula. Hilig kong gumawa ng mga tula.
Si Dexter ang hilig niya ay ang sumayaw ng ballet at jazz.kaya nagpatugtog siya ng music gamit ang kanyang mobile phone.
Si angelo busy sa pagpi-picture ng mga kung ano ano. Yan naman ang hilig niya ang photography
Si tim may sinusulat sa maliit na papel. Hindi ko lang mawari kung ano iyon.
Nagtataka si manong at kumakamot sa ulo nang makita nyang magkakahiwalay kami.
"Manong, ano yan, balakubak o kuto?" tiling Banat ni dexter na tila napansin din ang reaksyon ni manong kanina
"Ha?" Tanong ni manong na nagtataka
"Kasi po, kanina pa kayo kamot ng kamot ng ulo eh"
"Nagtataka lang ako sa inyo. Sama sama kayong nagpunta dito pero ngayon hiwa-hiwalay na" sabi ni manong johnny
"Kasi po may mga oras na kailangan naming mag isa para makapag relax at makapag isip" sabi ko habang papalapit sa kanila
"Tama po" sabi ni ashley
"Agree po" sabi ni angelo at tim
"Itong mga batang ito oo. Kung mag isip daig pa ang matatanda" naiiling na sabi ni manong johnny
"Kasi po manong johnny, minsan sa sobrang busy ng mga magulang namin nakakalimutan nilang lumalaki at tumatanda narin po kami" sabi ni ashley
"Tama" segunda ni angelo
"May mga punto nga kayo. Pero ang payo ko sa inyo lagi nyong tatandaan na wa..." napatigil si manong sa pagsasalita
"Wag mag madaling tumanda. Dahil ang panahon ay hindi maibabalik at ang mga pagkakamaling nagawa ay hindi na mababago pa" sabay sabay kaming tatlo nila dex at ashley na nirecite ang palaging pangaral samin ni manong johnny
"Oh ayan manong ah, memorize na namin.hinding Hindi na po namin makakalimutan" tumatawang sabi ni dex
"Mga batang ito oo. Lagi niyo na lang akong niloloko" sagot ni manong
"Manong hindi ka namin niloloko" sabi ni ashley
"Tsaka kung hindi ka namin mahal eh di sana hindi namin memorize mga pangaral mo samin" malambing na sabi ni dex
"Oh siya sige, gawin niyo na mga gusto niyong gawin" naka ngiting sabi ni manong
nagtawanan na nga kaming lahat at bumalik na sa mga kanya-kanyang ginagawa.
"Jade, anong sinusulat mo?" Tanong ni tim na umupo sa tabi ko malapit sa dagat
"Wala naman. Nag susulat lang ng mga tula"
"Poetic ka pala"
"Hindi naman. Isa ito sa mga ka wirdohan ko"
"Hindi yan kawirdohan. Isa lang yan sa mga sangay ng sining"
"Wow. Ang lalim mo ha. Ang lalim mo ding mag tagalog" biri ko
"Kasi kahit nasa newyork kami kinakausap kami ni mommy ng tagalog para daw wag namin makalimutan ang bansang kanyang sinilangan"
"Astig mo ah"
At nagtawanan kaming dalawa
"Mag didilim na mga bata, hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ni Manong johnny
"Wait manong, mukhang maganda ang view ng sunset dito. Kukunan ko lang po ng mga pictures ang sunset" sagot ni angelo
"Sige iho"
