CHAPTER 14

7 1 0
                                        

◆Tim's POV◆

Nagising ako ng alas dos ng madaling araw. Nakaramdam ako ng uhaw kaya't kumuha ako ng inumin sa ref.

Pagbalik ko ng kwarto, humiga agad ako upang muling makatulog. Ngunit mag iisang oras na ay gising parin ako. Kaya kinuha ko na lang ang cellphone at nag tsek ng mga mensahe.

26 Messages Received

From: jade

"Nasan ka?"

"Sorry na"

"Umuwi ka na please"

"Nag aalala na ako sayo"

"Sorry na please tim uwi ka na"

"Sorry"

" :-( "

"Uwi ka na"

"Tim?"

"Im sorry :-( "

"Nakauwi ka na ba?"

"Kumain ka na ba?"

"Sorry na tim"

From: angelo

"Hey cousin, im sorry"

"Where are u?"

"Cuz?"

"Sorry na oh"

"Ill wait you here"

From: dex

"Tim?"

"R u ok?"

"F u nid som1 2 talk 2 , ditetch lang akes"

"Nasa haws ka na?"

"Nag aalala na kami. Lalo na si jade"

"uwi ka na tim"

From: Ashley

"Ok klang ba tim?"

"Mag ingat ka"

Grabe. Naka received ako ng 26 messages. Pero dahil masakit pa ang nararamdaman ko , hindi muna ako magpaparamdam sa kanila.

Baka sakaling Mawala agad ang nararamdaman ko para kay jade. Alas singko na nang muli kong tignan ang oras. Nagbihis ako upang mag jogging.

Makalipas ang halos isang oras na pag jogging bumalik narin ako sa rest house. Nagpalit ng damit. At dumiretso sa garden.

"Ang sakit naman. Minsan na nga lang ako mag mahal tatawanan pa ako. Sabagay, paano naman niya ako mamahalin kung isa ako nerd. Pero kahit na, hindi ba nila naisip na tao rin ako May puso at nasasaktan. " sabi ko sa mga bulaklak

"Ganyan talaga ang magmahal" biglang sabi ni manang violy

"Ay kalabaw ka!"

"Sir, hindi ho ako kalabaw"

"Manang violy naman wag kayong mang gulat! Kanina pa po ba kayo nakatayo diyan"

"Oho"

"Narinig niyo lahat?"

"Oho sir"

"Manang violy, stop calling me sir. Pwedeng tim na lang?"

"Sige tim. Alam mo iho, parte ng pagmamahal ang masaktan"

"Kasi sabi ng parents ko masarap magmahal eh"

"Masarap talagang magmahal pag nahanap muna ang soulmate mo"

"Naniniwala po kayo sa soulmate?"

"Oo naman iho. Ang tunay na pagmamahal ay may kasamang sakit yan. Dahil yun ang tinatawag na pag subok"

"Pero manang violy masyadong masakit yung nararamdaman ko"

"Ano bang nangyari?" Tanong ni mang violy

"kahapon kasi pumunta si jade sa bahay. Naabutan niya akong nag susulat. at Dumating si gelo at pinag tulungan nila ako para aminin kung sino yung gusto ko. Dahil napikon ako, inamin ko na si jade nga yung gusto ko" pag kukwento ko.

naglakad kami ni manang violy papunta sa terrace at umupo.

"Tapos?"

"Ayun po manang, Pinag tawanan lang niya ako. Hindi nga naniniwala sa sinabi ko eh. Gusto ko na siya kahit pa nung chubby pa siya. Pero nasabi ko lang sa kanya ngayong maganda na siya. Siguro ayaw talaga niya sakin dahil nerd ako" patuloy ko sa pag kwento

"Naku. Masama nga yan"

"Ano po bang dapat kong gawin?"

"Kung nagawa niyang mag papayat at mag paganda, magagawa mo ring mag pa gwapo. Yun matinee idol baga"

"Bagay ko ba yun manang?"

"Oo naman iho. Pwede kang magpatulong sa mga friends mong nasa fashion industry. Pwedeng mag email ka o makipag kita ka pag nag bakasyon ka sa states"

"Salamat manang violy"

"Walang anuman iho. Bumangon ka. Magpa gwapo ka. Make over baga. Para Mapansin ka niya"

"Salamat ulit manang"

"Oh siya, maiwan muna kita diyan at magluluto muna ako ng agahan"

"Sige ho"

May point nga si manang violy. Kung nagawa ni jade magpaganda, kaya ko rin magpa gwapo.

Habang iniisip ko kung anong dapat gawin ay ipinag patuloy ko ang pag didilig ng mga halaman at mga orchids.

Hindi ko hahayaang pagtawanan akong muli ng kahit na sinong babae. Kahit na si jade.

"Tim, kain na tayo" yaya ni mang violy

"Sige ho manang"Sagot ko

"Grabe manang violy, namiss ko itong longganisa mo. Turuan mo naman akong gumawa ng longganisa" puri ko sa home made longganisa ni manang

"Sige iho. Mamaya gagawa tayo ng may mauwi ka kila sir" nakangiting sabi ni manang

"Salamat manang" masaya kong sabi

Sa mga oras na iyon, nakalimutan ko pansamantala ang sakit ng nararamdaman ko.

Dahil sobrang na miss ko ang luto ni manang naparami ang kain ko. Nagkaroon ako ng energy at na kondisyon ang aking utak para makapag isip ng mga bagay-bagay.

"Hi natalie" bati ko sa phone

"Hello tim. How are you?" Tanong niya

"Not okey" sagot ko

"What happen?"

"I need your help"

Si natalie ang kaibigan kong stylist sa new york. Sakanya ako hihingi ng tulong.

Isa rin siya sa mga kababata ko sa new york at masasabi kong the best siyang kaibigan. Laging to the rescue pag may problema ako.

Tulad ngayon.

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon