◆Tim's POV◆
"Paano ba yan dexter, ikaw naman ang talo ngayong midterm. San tayo?"
Biro ko kay dexter Habang nasa bahay kami nila dexter at nagpakitaan ng cards. si angelo ang talo nung prelim.
"San niyo ba gusto?" Tanong ni dex
"Max" sabi ni ashley
"Chillis" sabi ni gelo
"Mag order na lang tayo ng pizza sa yellow cab at manood ng movie" suhestiyon ni jade
"Mukhang maganda yan ah" sabi ni gelo
"Oo nga. Sige pa deliver na lang tayo" sabi ko
"Sige padeliver na lang tayo. Since yun ang gusto ng lahat. Wait tatawag lang ako" sabi ni dexter na kumekendeng kendeng pa
Nag tinginan kami ni jade sabay tawa at nag apir pa.
(dingdong dingdong)
"Pizza delivery po" sabi ng delivery boy
"Para po kanino?" Tanong ni dexter
"Pizza delivery po for dexter cortez?" Tanong ng delivery boy
"Ay ako po yan. Ipasok niyo na lang po dito sa sala" sabi ni dex
"Ok na po sir"
"ito po ang bayad.Salamat po"
"Salamat din po" sagot ng delivery boy
"Ayos. Kainan na" excited na sabi ni Angelo
"Kainan na. Kainan na" sabi rin ni ashley na sumasayaw sayaw pa
"Ayos to. Game na" sabi ni jade
"Sige na, kumain na kayo. Kukuha lang ako ng drinks natin" sabi ko
"Ako na lang" sabi ni dexter
"Wag na ako na lang" sabi ko
"Well, alam mo naman pasikut-sikot dito sa bahay eh. Hehehe" sabi ni dexter
Pag balik ko sa sala ay kinilig ako dahil nag separate ng pizza si jade para sakin.
"Maganda yang ginagawa niyo mga bata. Keep up the good work. Ngayon talo ka dexter anak, galingan mo din sa next gradings mo ha" sabi ni tita carleen na masaya dahil narin sa impluwensiya namin kay dexter na mag aral.
"Dexter, anong plano next month?" Tanong ni jade kay dexter habang kumakain kami
"Anong mayron ?" Tanong ni gelo
"Its max's birthday" sabi ni jade na ang tinutukoy ay ang poodle dog ni dex
"I dont know yet. Any idea?" Tanong ni dex
"How about dog's party?" Suhestiyon ni jade
"Pwede. Sige" sagot ni dex
"Mom, its max's birthday next month (the poodle) i just want to ask kung pwede ako magpa dog party?" Tanong ni dex sa mommy niya
"Ok. As long as you promise mag aaral kang mabuti" sagot Ng mommy niya
"Yes!Thank you so much mom. I promise mag aaral akong mabuti" sabi ni dex
"So,you need help for the preparations?" Tanong ng mommy niya
"Dex, i think a simple dog party is much better. Pwedeng mag simba muna tayo or lets invite a priest para ipa bless ang mga dogs" suhestiyon ni jade
"I can ask father rommel kung pwede siyang umatend on that day" sabi ng mommy ni dex
"Thank you so much mom. I love you. Mwah mwah mwah" masayang sabi ni dex, niyakap at pinupog ng halik ang pisngi ng kanyang mommy
"A promise is a promise anak ha" bilin ng mommy niya
"Yes mom. I promise" sagot ni dex at tinaas ang kanang kamay bilang tanda ng sumpa
Lahat kami ay masaya hindi lang dahil sa birthday ng poodle ni dex, kundi mas mapapalapit ako kay jade. Dahil kaming dalawa ang magiging partner sa ibang part ng party.
Habang si ashley ang bahala sa mga pagkain for dogs and visitors.
si dex at gelo ang bahalang mag ayos ng invitations.
Ang parents ni dex ang bahala sa budget. Ang mga yaya naman ang bahalang magayos sa Garden nila Dahil doon gaganapin ang party.
