◆Shayne's POV◆
"oh my--- ! Ruby lou , sidney, cydel come here quick!" Sabi ko
"What is it?" Tanong ni rubylou
"Bakit?" Tanong ni cydel
"Anyare?" Tanong ni sidney
"Look!" Sabi ko sabay turo sa video na nagpe- play sa ipad
(Saktong naka close up sa mukha ni tim)
"Yummyness siya sis" sabi ni rubylou
"Hindi niyo ba siya na mumukhaan?" Tanong ko
"Nope! Sino ba siya?" Tanong ni sidney
"Sino pa, eh di si nerd" sagot ko
"Si nerd na classmate natin nung high school?" Tanong ni sidney na nanlaki ang mga mata
"Siya nga" sagot ko
"Oh my... sana umuwi na siya at liligawan ko" sabi ni rubylou
"Excuse me! Akin siya" sabi ko
"Aba. Kung papatulan kayo nyan" sabi ni cydel
"Oo naman. Ill do everything para makuha ko ang gusto ko" sabi ko
"Naku waley na to. Umiral nanaman pagiging brat mo" sabi ni sidney
"Thats me!" Sagot ko
"Sa tingin mo ba, papansinin ka pa nyan? Paano kung hindi pa niya nakakalimutan ang mga ginawa niyo sa kanya?" Sabi ni sidney
"What the hell are you talking about?" Tanong ko habang naka pamewang
"Ipapaalala ko lang po sayo na pinagtawanan, inalipusta at kinawawa niyo silang dalawa ni jade" sagot niya
"Yeah right" sabi ko
"And you know what, a person cannot be genuinely happy with a heart full of envy. Instead of envying others, we should remain thankful for what we have and rejoice when others are blessed" sabi ni sydney
"Akala ko ba kaibigan ka namin? Bakit ka kumakampi sa kanila?" Tanong ko
"Oo nga. Kaya nga gustong kong magbago ka. Maging mabait ka na. At bawas bawasan mo ang pagiging salbahe. Dahil baka magising ka isang araw, wala ka ng kakampi o kaibigan" sabi niya sabay talikod at umalis
Yon ang huli naming pag uusap ni sidney. Dalawang linggo na ang nakakalipas pero hanggang ngayon galit parin siya.
Sa mata ng ibang tao isa akong brat at walang alam. Pero hindi nila alam kung bakit ako ganito.
(FLASHBACK)
"Anak" sabi ni mommy habang hirap mag salita
"Mom" sagot ko at nag simula nang mangilid ang aking mga luha
"Mahal na mahal kita" sabi ni mommy sabay abot sakin ng sulat
"Mom no. Dont leave us. Mom. Mom. Mom" sabi ko at tuluyan ngang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan
"Mom please come back to me" pagsusumamo ko
Dumating si daddy wala na si mommy. Napa suntok siya sa dingding dahil hindi man lang niya ito nakausap.
Pagkatapos mailibing si mommy nag bago na ang lahat. Si daddy lagi ng galit sakin. Kahit wala akong ginagawang masama.
Sa loob ng mahabang panahon, kahit minsan hindi na sumaya ang aming tahanang minsang binuo ng pagmamahal ng aking mga magulang.
