CHAPTER 2

18 5 0
                                    


◆Ashley's POV◆

Nakipag palitan kami ng mobile number kila angelo. My mga bago na kaming kaibigan.

"Hi anak" bati ni tatay

"Hi tay. Mano po"

"Kaawaan ka ng diyos anak. Ang kuya mo ba nakauwi na?"

"Hindi pa po tay. May overtime daw po siya eh"

"Ah ganun ba anak"

"Oho tay. Ay tay, maghahain na po ako ng makakain na tayo"

"Salamat anak"

"Tay, may mga bago po kaming kaibigan nila jade"

"Talaga? Mabuti naman. Saan niyo nakilala?"

"Sa clubhouse kanina lang. Sa kabila street lang sila nakatira. Sa bennington residence"

"Aba. Kailangan kong makilala ang mga iyan"

"Sige ho tay"

"Anak, masarap tong niluto mo"

"Salamat tay"

"Iwan mo na ang mga yan ako ng maghuhugas"

"Wag na ho tay, konti lang naman to eh"

"Salamat anak ha, sa pag intindi mo sa amin ng kuya mo"

"Siyempre tay, mahal ko po kayong dalawa ni kuya"

"Mahal ka din namin anak"

Masaya ako dahil responsable ang tatay at kuya ko. Si tatay nagta-trabaho bilang asst. Cook sa isang 5 star hotel. Habang si kuya BS Management. Pero kasalukuyang nagta-trabaho bilang team member sa call center.

Nag- iipon si kuya para sa pangarap naming restaurant. Kaya doble kayod si kuya dahil gusto niya munang matupad iyon bago siya magka girlfriend or mag asawa.

"Oh kuya, kumain ka na ba?" Tanong ko kay kuya noel ng dumating ito sa bahay

"Tapos na bunso. Ako ng bahala dito matulog kana"

"Goodnight kuya"

"Goodnight din"

Nakita ko sa mukha ni tatay at kuya ang pagod pero hindi ko alam kung paano mapapawi iyon.

"Good morning! Breakfast is ready" masayang bati ko kila tatay at kuya

"Good morning anak" bati ni tatay

"Goodmorning bunso. Ang aga mo gumising ah para lang magluto" sabi ni kuya na pupungas pungas pa

"Kasi po, ang aaga niyo umalis ng bahay, late po kayo magsipag uwi. Baka lang po kasi makalimutan nyong may kasama po kayo sa bahay. Baka po makalimutan nyong may anak at kapatid kayong iniiwan" patampong sabi ko

"Sorry anak kung yun ang nararamdaman mo. Ginagawa lang namin ito dahil gusto namin ng kuya

Mong maibigay sayo ang magandang kinabukasan" sabi ng tatay

"Tay, kuya, kailangan ko din po ng oras niyo paminsan minsan dahil bilang anak, gusto ko din pong mamasyal tayo o magsimba man lang na buo tayo" sagot ko

"Hayaan mo bunso, gagawan natin ng paraan yan" nakangiting sabi sakin ni kuya noel

(Phones ringing)

Dexter Calling

"Hello girl" bati ni dex sa phone

"Hi" bati ko

"Ow.. i can sense the loneliness in your voice... and its telling me that family problem, am i right?"maarteng Tanong ni dex

"Manghuhula ka ata sa past life mo"

"Maybe. Teka girl, You want to go here? Watch tayo movie"

"Mas mabuti pa nga"

"Ok. Mag bihis kana. Coz any moment darating na diyan si jade"

"Ok. Bye"

"Bayiiiii"

Buti na lang tumawag si dex. Lagi nyang sine-save ang araw ko pag malungkot ako.

Nag madali akong mag bihis dahil alam kong paparating na si jade. Apat na bahay lang naman ang pagitan naming dalawa.

(Dingdong dingdong dingdong)

"Tara?" Tanong ni jade

"Yup" sagot ko

"Girls, kailangan na nating rumampa ng bonggang bongga ilang araw na lang pasukan nanaman" maarteng sabi ni dexter

"Saan naman?" Tanong ko

"Dont tell me sa mall nanaman?" Tanong ni jade

"Any suggestions?" Tanong ni dexter

"Beach" sagot ko

"Pwede. Sige. Saang beach?" Tanong ni jade

"Ill ask my mom and dad kung pwede tayong umuwi sa ilocos" sabi ni dex na kumekendeng kendeng pa ang bewang.

Swerte ni dexter dahil tanggap siya ng buong angkan niya. mga bata palang kami ay lumadlad na siya.

Open-minded ang parents ni dexter. Dahil may mga barkadang bakla din ang kanyang parents.

SIKAT NA SI NERD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon