EPILOGUE

850 15 1
                                    

EPILOGUE


August 23 2048


"25 years ago ng mahuli ng mga pulis si Shiela Lopez na syang pumatay sa mag asawang anascion sya rin ang may kagagawan sa pag kamatay ni Lieutenant Carren Angeles at CEO/Engineer Owen Oliveros.. Ngayon ay wala na si Shiela Lopez dahil sya ay napatawan na ng death penalt–"

Kunot noong pinatay ni Carren ang Tv, nag tataka sya kung bakit kapangalan nya at ng fiance nya ang nasa balita.

"Carren tara na mahuhuli kana sa simbahan balak mo bang takasan ang groom mo" napailing iling nalang ang dalaga sa sigaw ng kanyang ina.

'Eto talagang si mommy mavie palagi nalang nag mamadali' ani nya sa kanyang isipan.

Nakangiti syang humarap sa malaking salamin at tiningnan ang sarili. naka suot sya ng puting wedding dress dahil ngayon ang kasal nya sa lalaking minamahal nya.

HINDI MAPAKALI si owen sa kanyang kinatatayuan dahil wala pa ang kanyang mapapangasawa naka pag lakad na kase lahat ng flower girl. Maraming scenaryo ang pumasok sa kanyang isipan. baka tumakbo na ang fiance nya at tinakasan sya. baka nag bago na ang isip neto at ayaw na syang pakasalan.

"Easy ka lang Son nasa labas na ng simbahan ang bride masyado kang Nerbyoso" mas lalong kinabahan si owen dahil sa sinabi ng kanyang ama.

Umayos sya ng tayo ng bumukas ang malaking pinto ng simbahan at bumungad sa kanila ang babaeng merong natatanging ganda.

Habang nag lalakad ang kanyang mapapangasawa ay hindi nya mapigilang mapa luha, kahit na malayo pa ay kitang kita nya ang malawak na ngiti sa labi ng mapapangasawa.

KAHIT NA KABADO Ay nagawa paring ngumiti ni Carren sa hindi maipaliwag na dahilan ay sobra sobra ang kaba at kasiyahan anh nararamdaman nya.

Nasa mag kabilang side nya ang kanyang mga magulang na sobrang lawak ng ngiti.

Hanggang sa makarating sya sa harap ng kanyang nobyo na ngayon ay ngiting ngiting habang naka tingin sa kanya.

"Take Care of my Daughter panganay yan kaya wag na wag mong lulukohin kundi ako mismo ang papatay sayo, you know me very well boy"

Imbes na matakot ay natawa lang si owen sa tinuran ng ama ng kanyang mapapangasawa.

Mag kasama ng nag lakad patungo sa altar ang mag kasintahan. makikita sa mga mata nilang dalawa ang lubos na kasiyahan at kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

SA KABILANG BANDA naman ay hindi matigil sa pag iyak ang magulang ng mag kasintahan dahil ikakasal ang anak nila.

"Hindi parin ako makapaniwala na ikakasal na sila ngayon" ani ni zyra habang pinupunasan ang kanyang luha.

"Ako naman ay hanggang ngayon hindi parin maka paniwala dahil ampun lang naman ako ni ate carren pero kamukang kamukha nya ang anak kong si carren." biglang sabi ni mavie na ikina tingin sa kanya ni zyra

"Tingnan mo naman ang gwapo kong anak wala namang Oliveros na dugo pero kamukang kamukha nya rin si Owen kaya nga owen ang pinangalan ko sa kanya dahil nangako ako sa sarili ko na ipapangalan ko kay owen ang anak ko dahil sobrang laking tulong ang ginawa nya sakin" ani naman ni zyra na ngayon ay naka ngiti na.

"Isa lang ang ibig sabihin non Sila talagang dalawa ang itinadhana, hindi man nabigyan ng pag kakataon na maikasal sa simabahan ang dalawa nating kaibigan. Binigyan sila ng langit ng pag kakataon na maituloy ang pag mamahalan nila" napatingin ang dalawa sa babaeng nag salita.

"Gab?"

"Ate Gab?"

Sabay na sabi ng dalawa. nginitian lang sila ng babae at tumingin na sa altar kung saan nag papalitan na ng vow ang mag kasintahan.

SECRETARY SERIES 2 : HIS BADASS SECRETARY (COMPLETED)Where stories live. Discover now