CHAPTER III

39 1 0
                                        

"Good evening, Doc!" Bati sakin ng isang nurse. Nginitian ko lang ito saka nagpatuloy sa paglalakad.

I'm heading my way to the emergency room. Naroon raw kasi si Mara.

Pagdating ko sa emergency room ay may humahagulhol na roon.

"Crisostomo! Huwag mo kong iwan! Lumaban ka!" At humagulhol ulit ang ginang.

Naglakad ako ng mabilis at lumapit sa pwesto ni Mara. "What happened?" Tanong ko habang itinataas ang manggas ng lab gown.

"Heart attack." Sagot ni Mara at umalis sa pwesto niya. She assist the other patient who's in her life and death situation.

Pumalit ako sa pwesto niya at agad na inasikaso ang pasyente. I pushed hard and fast on the center of the patient's chest in a fairly rapid rhythm — about 100 to 120 compressions a minute. Pabalik-balik ko yung ginagawa hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng aparato. It was a straight line. "Shit!" Agad kong kinuha ang defibrillator at itinutok sa dibdib ng pasyente. "1! 2! 3!" The patient's body vibrated. I repeat it again and still, the patient has no heartbeat.

"Doc! Ano nang nangyayari sa asawa ko? Akala ko ba magaling ka?" Humahagulhol na saad ng ginang.

"Taena neto oh ayaw bumangon, sinisisi na ako ng asawa mo hoy bumangon kana diyan!" Sigaw ko at sa wakas narinig ko na ang sunod-sunod na tunog mula sa aparatong nagsisilbing tagatansiya ng buhay niya. His heartbeat was restored. Ngunit kasabay ng pagkabuhay ng pasyente ko ay siya namang pagkamatay ng kasalukuyang inaasikasong pasyente ni Mara.

Napuno ng hagulhol ang kabilang kama. "Nurse, ilipat niyo na ang pasyente sa kwarto niya." Utos ko at saka lumapit kay Mara na kasalukuyang nakayuko.

Hinihimas ko ang likod niya ng biglang sumigaw ang Ina ng pasyente. "Wala kang kwentang doctor! Ipinagkatiwala ko sayo ang buhay ng anak ko! Napakabata pa niya para mawala! Bakit hindi mo nailigtas ang buhay niya?!" Sigaw nito kay Mara habang umiiyak.

"Tama na. Hindi yun kasalanan ni Doc Mara." Sabi ko ngunit tiningnan lang ako ng masama ng Ina ng bata.

"Pare-parehas lang kayong mga doctor! Walang halaga sa inyo ang buhay ng pasyente ninyo! Pera lang ang mahalaga sa inyo!" Sigaw nito samin at dinuro-duro pa kami.

"Excuse me? Gusto mo bang ipakain ko sayo ang aesthetic luxury black credit card ko? Tch! Ikaw pa nga tinutulungan, ikaw pa yung kung ano-anong pinagsasabi diyan! Masyado mo na akong minamaliit! Kasalanan ko bang nabangga yang anak mo? Sarili niyong anak di niyo mabantayan! Let's go, Jarren!" Mataray na saad ni Mara at hinila ako paalis.

KASAlukuyan akong nagda-drive ngayon habang pasilip-silip kay Mara. "Huwag mo nang isipin ang mga pinagsasabi ng babae kanina. Ina siya Mara at natural na masakit tanggapin para sa kanya yun. At saka, hindi ka paba sanay? Halos araw-araw yun ang bungad ng mga pamilya ng pasyente satin."

"Hoy, Jarren! Di mo naiintindihan yung nararamdaman ko! Hindi kapa namatayan ng pasyente. Ikaw kaya sigaw-sigawan dun at saka wala raw akong kwentang doctor? Ang hirap-hirap kaya maging doctor tapos gaganunin lang ako? Edi sana siya nalang nag ako para malaman niya kung gaano kahirap yung mga ginagawa ko. Kainis naman!"

Natawa nalang ako ng mahina. "Cute mo mainis HAHAHA!"

"Shut up!"

Pinisil ko ang pisngi nito na lalo niyang ikinainis. I just laugh at her while she was very annoyed at me.

IT was early in the morning when I arrived at the hospital. Maaga akong nag rounds sa mga pasyente ko. "Hi Lola! Kamusta ka na po?" Masiglang tanong ko kay Lola Nida. She was Mara's 78 years old patient.

Being Her Doctor Where stories live. Discover now