JARREN
"Doc! May manganganak!"
"Sabihin mo balik nalang sya bukas inaantok pako boyset!"
"Doc naman! Lalabas na yung bata!"
"Siya nalang kaya magpa-anak sa sarili niya. Minamadali pa ako! Tch!", reklamo ko habang sinusuot ang lab gown.
I hurriedly go to the delivery room. Pagdating ko doon ay agad kong narinig ang sigaw ng isang babae. Tingin pa lang ay mukhang bata pa ito. Nasa 16 or 17 ata. "Mapupusok talaga ang mga kabataan ngayon." Bulong ko at napailing.
Agad kong isinuot ang gloves at pumwesto sa gitna ng hita niya. "Miss, bakit may kagubatan dito?"
"Doc naman! Lalabas na po yung anak ko!"
"Tch! Di man lang nag deforestation. Di na nahiya.", bulong ko pa saka nagsimula na sa pagpapa-anak.
Forty minutes had passed but the baby was still in her uterus. "Push! 1! 2! 3!" Sigaw ko habang tumutulo ang pawis sa aking noo.
"Ahhh!! Ayaw ko na! Bwesit kang lalaki ka! Pagkatapos mo kong anakan iiwan mo lang ako!"
"Ayan kasi ang dali-daling magpa-uto." Saad ko.
"Malay ko bang duwag pala siya! Hmp! Ahhh! Wohh! Wohh!" Sigaw nito habang umiire.
"Inhale! Exhale! Tapos push! Bumabalik yung bata kasi di ka marunong umire! Di ka kasi marunong mag-ingat ayan tuloy naiwanan ka ng ibedensiya!" Sermon ko.
"Eh, sa butas yung condom na nabili niya! Ahh! Wohh! Wohh! Anak! Lumabas kana please!"
"Push lang, pag hindi ka pa nag push ako hihila ng bata! Tanggal ulo niyan sinasabi ko.”
"Grabe ka! Doctor ka ba talaga?!"
"Nandito ba ako kong hindi? Mahal oras ko kaya umire ka na jan kung ayaw mong matanggal ulo ng anak mo!"
"Mama! Yung doctor ko po siraulo!"
NAKAupo ako sa opisina ko habang nagkakape. My morning was not so good. Kulang ako sa tulog tapos marami pa akong mga pasyenteng nakapila sa labas. Halos di na nga ako makakain dahil sa trabaho ko. Hayy ang hirap talaga maging doctor palagi ka nalang busy. Pati love life ko di ko na nga naaatupag. Kailan ko kaya maisisingit yun sa mga schedules ko?
"Next patient please!" Sigaw ng assistant nurse ko.
Oh god! Two minutes palang ako nakakapagpahinga meron na namang bago.
Agad na pumasok ang ikatatlumpong pasyente ko ngayong araw. It's an old man with his grandchild. Umupo ito sa upuan na nasa harap ko.
"Doc, masakit likod ko."
"Aba'y kasalanan ko bang sumasakit likod mo?"
"Doc naman eh."
"Segi huwag ka pang uminom ng gamot sa tamang oras, tigok ka sinasabi ko." Saad ko pagkatapos kong I check ang kalagayan niya.
"Pero doc ang pait nun." Reklamo ng matanda at umupo ulit sa upuang nasa harapan ko.
"May gamot bang maalat? Tsk! Kayo na nga tinutulungan, kayo pa yung masakit sa ulo. Deritsahin mo nga ako. Gusto mo ba talagang mabuhay o gusto mong mamatay? At nang maresitahan kita ng pangpatigok."
"Lolo, siraulo ata doctor niyo." Bulong ng apo nito.
"Narinig ko yun!"
"Shh ka nalang apo." Saway ng matanda sa apo.
"Pero Lolo, baliw ata doctor niyo."
"Aba't nasabihan pa ako ng baliw." Angal ko.
Nagsulat na agad ako ng ire-reseta sa matanda para makaalis na ito. Kawawa naman baka sumakit lalo likod nito kapag di ko niresetahan. Ako pa yung masisi.
YOU ARE READING
Being Her Doctor
RomanceJarren Ridge Salvatero. A humourous doctor. He was known for being perfect as he gained zero death patient upon his medical journey. He's a scientist and also a Neurosurgeon. He was happy living his peaceful life at hospital but it was all ruined wh...
