Kale's POVAilee and Vancé was the one who booked our flight to Boracay this week. It's dinally my birthday on the 18th. We'll fly on the 17th for my birthday salubong. Yvaine and Jill already told me they will be coming with us. Hindi naman ako magcecelebrate ng ganito if it's not because of Yvaine.
I remember her telling me her love for boracay. She's been constantly talking about the last time she went there. She had so much fun and she told me she wanted to experience that again with me this time. Siyempre tanggal na naman angas ko dun. Alam naman niya kung saan yung kiliti ko eh.
"Sila tita ba sure na?" tanong ni Meerly saakin. Nakatutok silang tatlo sa laptop nila. The gays are contacting our friends while Meerly's looking for our accommodation.
Umiling ako, "I don't think they will come. Dad already told me about his business trip happening on the same day. Si mom naman she was still reluctant because of Frince"
"Eh paano ako makakareserve?" takang tanong niya.
"Tingin ka nalang muna ate, sabihan kita ngayong araw din" I assured her.
Ang stressful palang mag birthday lalo na kung may malaki kang friend group. Now, I understand why Yvaine's exhausted after her party. Hindi pala biro yung mag plano ng isang event. Ang gastos pa pero naisip ko isang beses lang naman sa isang taon 'to. Pang isang taon ko nga ding ipon 'to eh. Psh.
"Sila Sesill sure?" I asked Ailee.
"Hindi... halos lahat sila'y may lakad. Pero ayos lang. Mas okay yung intimate"
Tumango ako, sabagay tama naman siya. Ayos lang din naman na hindi sila makapunta atleast nasabihan para naman wala silang masabi saakin pagkauwi namin.
"Sino ang mga sure na?"
"Hmmm.. Viel, Kim, Kathy, Me, Vancé, Ate Yvaine, Jill, Shira, Neydene, Meerly, You and Cleo. Uwi ni bakla bukas,"
Ngumiti ako, we've been waiting for him. Mabuti nga ay lilipat na yung pinsan naming yun dito. We can hang out a lot. Naisakto pa na birthday ko.
"Si Angee?" biro ni Vancé.
Naibato ko sakanya yung sapatos na tinanggal ko kanina. Inilagan niya yun habang tumatawa. I glared at him.
"Eh kung iwan ka kaya namin?" banta ko.
"Hindi ka talaga mabiro kahit kailan! Oo na kamahalan,"
My family couldn't make it to my actual birthday celebration but they promised me we'll celebrate it when we get home. I double-checked my things for the next three days. Nung masiguro kong ayos na ang mga ito ay dahan dahan akong bumaba ng hagdan namin. We'll be traveling by land using a van we rented since no one will look after our cars if we'll use them. Alas tres palang at antok na antok pa ako.
Pagkalabas ko ng bahay ay nakalabas na din ang mga maleta nila Jill at Yvaine pero wala silang dalawa sa labas. Maybe they're still taking out some stuff. Nagchat ako sa gc naming magkakaibigan asking where they are. Dadaanan nalang namin sila sa hi-way since most of them are living along the main road.
Nabuhayan ako ng dugo nung makita kong palabas na ulit sila Jill at Yvaine. They're bickering again. I couldn't help but admire Yvaine. Her face is already red and she looks like she's annoyed.
"Ang sinabi ko kasi kanina kunin mo yung natirang chocolates sa ref! Hindi ko sinabing lantakan mo!" bulyaw niya sa pinsan.
Napatakip si Jill sa tainga niya, "Eh malay ko bang rineserve mo yun! Tsaka huwag ka ngang sumisigaw nakakahiya sa mga kapitbahay"
BINABASA MO ANG
Her lips; an ART
RomanceSabi nila kapag nahanap ka ng tadhana at pagmamahal, handa ka man o hindi... wala ka nang takas. Either you embrace it and take the risk or be heartless and find another way. Yvaine is an epitome of a good daughter and an excellent student. She was...