Yvaine's POVI got so busy a week before the holidays. I can't even hold my phone and reply to my messages. Nagkaroon lang ako ng oras nung dumating ang ibang pinsan para makatulong na din sa designs and food. Hindi naman kasi puwedeng ako lang lahat. I only instructed them the things I'm planning to do. Minsan naiinis kasi hindi nasusunod but I have to control myself din. Mas bata kasi ng ilang taon ang mga ito. Ayoko namang matawag na patol sa mas bata.
"Ate, hanap ka ni Kale sa labas..." Jill stopped me from encoding.
I haven't seen her messages yet. Kahit pa ilang beses na itong nag attempt na magpunta dito sa bahay. Minsan kasi ay hindi ako dito nalalagi. I think she's also busy helping her brother.
"Bakit daw?" tanong ko.
Jill shrugged his shoulders. I didn't bother excusing myself to my cousins. Pare parehas naman silang abala. Walang sapin ang aking mga paa paglabas ko ng gate namin. Hapon na din naman at hindi na mainit ang kalsada.
"What brought you here?" bungad ko.
She pouted, "Hindi ka kasi nagrereply sa messages ko ate... akala ko tuloy may nangyari na sa'yo"
She looked bothered by something. Maybe she's also thinking about her ex's messages for me. After I've accepted her request, she started questioning me and Kale. Wala naman akong pakealam sa issue nilang dalawa but I just didn't like her telling me I'm a sulutera. Like who did I sulot? Sa tingin ko wala namang masama sa madalas naming pag hang out ni Kale at nung mga pinsan niya eh. We just liked each other's company. We clicked and we decided to hang out more. Tsaka kaya nga siya natawag na ex kasi past na.
"That Angee girl is still bothering me... get a grip on her nga," utos ko.
Hindi ko naman kasi pinapatulan yung mga sinasabi niya. Hinahayaan ko lang. Kasi alam ko na sa oras na patulan ko yun, mahihiya na siyang magpakita sa mga tao. I will really humiliate her. She has no proof of her accusations. She's just so jealous that I get to hang out with her ex while she's sulking there.
Huminga siya ng malalim, "About that... ate I'm sorry talaga. Hindi ko naman alam na talagang ia-approach ka ng ganun. If you want iunfriend mo nalang siya," she suggested.
Mabilis akong umiling, "No. I won't do that. I'll make her get a taste of her own medicine. Mas maganda nga yung nakatambay yun sa account ko para mas lalo siyang mainis"
"Para wala nang gulo ate,"
"Nah ah... I can do this. You just have to watch me" I winked.
"Ate naman!" sinapo niya ang kaniyang dibdib, tila kapos pa sa paghinga. "Don't do that again! Ang sakit mo sa puso"
My eyes widen, "Why? Crush mo na ako no?" biro ko.
She coughed, "Asa ka ate..."
"Bakit ka namumula kung hindi?" pang aasar ko pa.
Hindi naman talaga siya namumula, slight lang. Gusto ko lang talaga siyang inaasar kasi palagi siyang talo saakin. Wala siyang nagagawa kundi hayaan nalang ako sa huli.
"E-h inaasar mo ko eh! Malamang mapre pressure ako" aligaga siya.
I smirked, "Hindi ka mapre pressure kung hindi totoo! "
"Ate!" bumusangot siya.
I laughed hard, hands on my stomach, face turning red. Kale looks constipated. Para siyang naestatwa sa harapan ko.
"Oo na... titigil na. Sorry"
"Psh! Palagi mo akong trip," she pouted more.
"Huwag kang magpa cute! Dimo bagay dapat maangas ka lang. Tanggal angas naman 'to" I teased her again.
BINABASA MO ANG
Her lips; an ART
RomanceSabi nila kapag nahanap ka ng tadhana at pagmamahal, handa ka man o hindi... wala ka nang takas. Either you embrace it and take the risk or be heartless and find another way. Yvaine is an epitome of a good daughter and an excellent student. She was...