TLMP #2- Dream High

43.2K 1.1K 55
                                    

A/N: Sorry for the typos. Di uso edit kay Author eh. Haha. Enjoy! :)

Chapter 2: Dream High

Nylla POV

"Mag ayos ka na. W-We need to go now. Magpaalam ka na kay Liam. Hihintayin kita sa kotse" sabi ni mama. Magtatanong pa sana ako kung bakit pero lumabas na siya ng pinto. Kaya wala na akong nagawa at sumunod na lang. Ayos na naman ako.

"Liam, uuwi na kami" paalam ko kay Liam paglabas ng clinic. Tumango naman siya.

"Ingat ka ah? Hindi ko man alam kung anong nangyari pero alagaan mo yung sarili mo ah?" Sabi niya. Tumango at ngumiti na lang ako. Pero bigla naman niya ako niyakap.

"H-Huy, anyare sayo? Bat bigla bigla ka na lang nangyayakap jan?" Tanong ko. Humiwalay na rin na naman siya pagkatapos.

"Wala" sabi niya at pinisil ang ilong ko.

"Ugh! Ewan ko sayo! Ano bang ginawa sayo ng ilong ko at lagi mong pinupuntirya?" Sabi ko habang hinihilot yung ilong ko. Huhu. Mamumula na naman ito! Kainis!

"Hahaha ang cute mo talaga" sabi niya habang tumatawa. I just rolled my eyes at him.

"I gotta go. Bye!" Sabi ko at tumakbo na paalis at kumaway ako patalikod sa kanya. Pumunta na akong parking lot at nung nakita ko yung kotse dun ni Mama ay sumakay na ako.

"Lilipat ka na ng school" sabi ni Mama habang nagdadrive.

"What?! No!" Sabi ko. Ayoko! Pano na yung bestfriend ko?!

"It's for you're own sake! Even you like it or not, lilipat ka ng school. Ihanda mo na yung lahat ng mga gamit at damit mo. It's a dorm school" sabi ni Mama. Alam kong hindi ako makakaangal pa dahil kita ko sa mata at tono ng boses niya na hindi siya nakikipagbiruan. Im not messing with my mother especially if she's in serious mode.

Nung nasa bahay na kami ay dali daling bumaba si Mama sa kotse at pumunta na sa loob. Ano bang nangyayari?! Kahit naguguluhan ako ay pumunta na ako sa room ko at nagstart ng magimpake.

*Tok Tok Tok*

Napatingin ako sa pinto. Si mama pala.

"I want to give you something" sabi niya at inabot sakin ang isang bilog na silver na locket necklace.

"W-What is this for?" Tanong ko.

"I want you to wear it everyday starting from now on. Wag mo rin siyang iwawala. Napakaimportante niyan. Don't open it if your not yet ready, okay?" Sabi ni Mama at sinuot sakin ang kwintas. Naguguluhan ako pero tumango na lang ako.

"Are your things, ready?" Tanong ni Mama at tiningnan ang gamit ko. Isang maleta at isang backpack na bag ang dala ko. Tumango ako kay mama dahil tapos na naman talaga na ako.

"Let's go" sabi niya.

Siya na nagbitbit ng maleta ko sa baba at ako naman ang nagbitbit ng backpack ko. Masyado bang madami dala ko? Sorry guys, I love clothes. Sumakay na ako sa kotse at nagseatbelt.

After 5 hours....

"Malayo pa ba tayo, Ma?" Tanong ko.

"Malapit na" sabi niya

"O'common, Ma. Kanina ko pa tinatanong kung malayo pa tapos kanina mo parin ako sinasagot ng malapit na. Eh 5 hours na tayong nasa byahe" sabi ko. Totoo naman e. San bang parte ng Pilipinas yung pupuntahan namin? Probinsya ba yun? =____=

"Anak, tumahimik ka na lang. O kung gusto mo, matulog ka na lang muna" sabi niya.

"Ok" sabi ko. Medyo inaantok nga rin ako kaya natulog muna ako.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon