TLMP #5- Training Part Two

29.7K 847 9
                                    

A/N: Waaa! Sorry guys. Hindi ako marunong magexplain ng labanan. Huhu.

Chapter 5- Training Part Two

Shaina POV

"3"

"2"

"1"

"LET THE TRAINING BEGINS!"

Pagkasigaw na pagkasigaw ni Ma'am Nathalie, nagsimula na nga ang Training. Pero may mga barrier naman kaya hindi matatamaan yung mga hindi kasali. Nanonood kasi yung mga heroes or high class students. Pero medyo malayo naman sila, pero kita parin nila ang nangyayaring laban sa loob ng barrier. Bukas pa ang training para sa Sidekick vs Heroes. Pero except yung mga sidekicks na guardians katulad ko. Tutulong na lang ako gumamot sa mga nasugatan pagkatapos ng training. Tapos mamaya naman, pagkatapos ng training namin. Maglalaban laban naman ang mga high class students. Sa pagkakaalam ko, mas madami sila kesa sa low class students. Pero mga fourth year students yung mga naglalaban este nagtretraining ngayon. Hindi kasi pinagsasama sama ang mga ibat ibang levels. Kanina pa kasi sila nagtraining.

Punta na tayo dun sa laban. Si Ethan, kinakalaban si Troy. Ang Thorn Manipulator. Hindi basta bastang tinik yung lumalabas sa palad niya, kapag natamaan ka nito. Sobrang sakit ang mararamdaman mo. Parang Pain Ability. Doble ang sakit kapag tinusok ka ng natural na tinik. Pero dahil Speed ang ability ni Ethan ay naiiwasan niya lahat ng mga thorns ni Troy. Sinisipa or sinusuntok ni Ethan sa sikmura o sa tuhod si Troy kapag nakakahanap siya ng tyempo. Si Mary naman, iniiwasan niya yung mga attack ni Zander. Ice Manipulator naman ang ability niya. Tsk. Puro dipensa ang ginagawa ni Mary, hindi siya makaoffense. Mahirap kasi na kalaban si Zander. Hindi ko nga alam kung bakit sidekick or low class student siya.

"T-Teka?! Pano niya napagalaw yun?! Akala ko ba low class student siya?" Rinig kong tanong ng isa sa mga nanunuod. Medyo malapit lang naman kasi siya. Tapos parang hindi niya lang sinabi, sinigaw niya. Naririnig at nakikita kasi namin ang nasa labas ng barrier.

"Oo nga. Baka siya yung nasa top 1 o pinakamagaling sa lower class?" Sabi naman nung isang babae na kasama niya. Tiningnan ko yung tinitingnan nila at pinaguusapan. Huh?!?! 0______0

"Pero ang alam ko si Zander yung pinakamagaling sa lower class?" Nagtatakang sabi naman ulit nung unang nagsalita na babae. Tumango tango naman yung kasama niya pang babae na parang nagiisip silang dalawa.

P-Pero a-ano itong nakikita ko?! K-Kanina naman mga maliliit na bagay lang yung mga nagagalaw niya ah?! S-si Eric kasi, napapagalaw niya yung mga MALALAKING BATO DITO SA FIELD. P-Pano nangyari yun?! Alam kong hindi enhanced yung ability niya kaya mga magagaan at maliliit na bagay lang yung mga napapagalaw niya. Hindi na ba ako updated? Pero pangHero na ang ability niya kung ganun.

Tiningnan ko si Nylla na nasa tabi ko. Nakafocus lang ang tingin niya kay Eric. Alam kong si Eric ang prinoprotektahan ni Nylla sa kanilang tatlo. Dalawa pala ang kalaban ni Eric kaya siguro siya yung prinoprotektahan ni Nylla. Akala ko nga nung una, crush niya si Eric ihh. Hihi. Si Dara at Stephen ang kalaban ni Eric. Si Dara, Flying ang ability niya. Si Stephen naman, Clone Ability. Kita ko sa mukha ni Eric na medyo nahihirapan siya. Pero madami nang galos si Dara. Kaso hindi maidentify ni Eric kung sino sa walong Stephen ang totoo sa kanila.

*Boogsh*

Napatingin ako sa gawi nila Ethan, bumagsak na pala si Troy. Ibig sabihin, talo na si Troy at bawal ng maglaro pa. Puro pasa siya. Kawawa naman, gwapo pa naman. Hihi.

*Boogsh*

Napatingin ulit ako sa gawi nila Eric. Bumagsak na si Dara. Natamaan yata siya ng malaking bato na pinagalaw ni Eric. Grabee! Pano ba niya nagagawa yun?! Tumungin ako dun kay Manong Baltazar. Yung nagbabantay sa amin. Medyo nakakunot ang noo niya at parang may mga pagtataka sa mata niya habang tinitingnan si Eric. Bumalik ulit ang tingin ko kay Eric, tinatamaan siya ng mga suntok o sipa ni Stephen kapag nakakatyempo ito. Pero hindi nasasaktan si Eric dahil prinoprotektahan siya ni Nylla.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon