♥TLMP #12-First Kiss♥

24.3K 825 42
                                    


Chapter 12- First Kiss

Nylla POV

"Pffffft! Hahahahahaha!" Tawa ni Triciapatutie.

"Hahahaha! Ginawa mo talaga yon, Nylla?! Hahaha!" Sabi naman ni Shainacutie habang tumatawa rin ng malakas :3

Kinwento ko kasi sa kanila yung nangyari kahapon, yung dun sa hallway moment namin nung krass ko. Hihi. Hindi ako nakapagkwento sa kanila kahapon kasi may training sila. Nagpaalam nga din ako dun kay Ma'am Ganda na masakit puson ko kaya hindi ako makakasali sa Training pero sabi niya exempted naman talaga ako sa Training. Itatanong ko sana kung bakit pero sobrang masakit na talaga yung tummy ko kaya pumunta na lang ako sa dorm at natulog hehe.

"Laftrip! Hahahaha hanep ka talaga, Nylla! Hahaha!" Sabi na naman ni Triciapatutie habang nakahawak na sa tiyan niya at tumatawa parin. Buti walang ibang tao ngayon sa CR. Kundi, mapapagkamalan na mga takas sa mental itong mga kasama ko. Dumiretso kasi kami dito sa CR pagkatapos namin sa breakfast hall.

"Hahaha! Seryoso, sinabi mo talaga yung mga s-salitang iyon kay J-jared? Hahahaha! H-Hindi ka ba nahiya? W-wala bang ibang tao nun sa hallway? Hahahaha!" Sabi naman ni Shainacutie na maluha luha na sa pagtawa. Ang OA nila, pramis! Diba dapat kinikilig sila gaya ko? T^T

"Hmm, may ibang tao sa hallway pero konti lang. Hehehe. Tsaka di ko naman talaga balak sabihin yung mga salitang yun kaso ang gwapo gwapo niya kasii! Super duper turn on akooo! Hihihi. Ang lambot lambot pa nung cheeks niya! Hehe. Tapos yung mga mata niya, nakakamatay! Parang may kamandag! Hihihi" sabi ko habang todo kilegs :">

"Hahahaha! Ewan ko sayo, Nylla! Hahaha! Tama na nga! A-ayoko ng tumawa! Hahahaha!" Sabi ni Triciapatutie. Hmpf! Baliw talaga! Ayaw ng tumawa pero natawa parin? Lel.

"Hahaha! T-Tara na nga! Pasok na tayo sa klase natin! Hahaha malelate tayo niyan e! Hahaha" sabi naman ni Shainacutie. Lumabas na kami ng CR pero natawa parin sila sa hallway. Sabihin niyo nga, ANO BANG NAKAKATAWA SA GINAWA KO?! Im super duper inis na! >.

"Tsk. Ayan na ang patay na patay kay Jared! Hahaha"

"Tsk. Ambisosyang frog!"

"Akala naman niya may gusto din sa kanya si Jared. E ako kaya gusto nun! Hahaha!"

"Ang landi niya pala"

"Sa tingin niya, magugustuhan siya ni Jared? E ang panget panget niya kaya! Hahaha"

Naikuyom ko agad yung kamao ko. Pagpasok pa lang namin ng room pinagtitinginan na ako ng mga girls ng mga masasama. Bumubulong pa sila, e rinig ko naman! Palibhasa, inggit lang sila! Hmpf! Tsaka ako? Panget?! Tss. Pano pa kaya sila? Mas maganda pa nga yung paa ko sa kanila! Pero di ko na sila papatulan. Walang wala naman sila sakin. Diba guys? >:))

"Pst. Nylla, ok ka lang?" Bulong sakin ni Triciapatutie.

"Wag mo na lang sila intindihin" sabi naman ni Shainacutie. I just nod and smile. At least I have true friends! Hihihi. Sila ba, meron nun? XD

"GoodMorning, Class" bati ni prof. Buti na lang dumating na siya kaya tumigil na sa pagbubulungan at pagchichismisan itong mga kaklase ko.

"GoodMorning, Sir. Peter" bati naman pabalik namin.

"Okay, we will discuss about The Royal Kingdom. May mga naiisip ba kayong itanong tungkol rito?" Tanong ni prof. May nagtaas naman ng isang kamay. She has a nerdy glass and nakaponytail yung hair niya, so cute! ^_____^

"Diba po may ginagawang tradition palagi kapag bago na ang hari o pinasa na ng hari ang korona niya sa sumunod na magiging hari?" Tanong niya.

"You're right, Ms. Leondale. Ang tradition na iyon ay naglalaban laban ang anim na eskwelahan dito sa magic world. Pero lima lang sa eskwelahan na iyon ang nasa ilalim o tapat sa Royal Kingdom. Ang isa ay ang Wagners Academy na kilala naman natin na mga evil users at kalaban ng Royal Kingdom. Pinahintulutan sila sumali sa tradition o sa katuwaang ito dahil part parin sila ng Magic World. Hindi naman daw sila nangdadaya kaya naging bahagi na talaga sila ng laro o tradition na ito" sabi ni prof. Laro? E hindi naman laro tawag dun kasi siya na mismo nagsabi na naglalaban laban yung mga power users. Tapos katuwaan? E pano kapag namatay yung taong mahal mo sa labanan na yun? Katuwaan parin ba yun? Kaloka :3

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon