TLMP #6- Monster Pets

31.1K 922 30
                                    

Chapter 6- Monster Pets

Nylla POV

"Uy, Nylla! Gising naaaa!" Sigaw ni Shaina habang niyuyugyog ako. Damn! Pwede naman niya ako gisingin ng hindi niyuyugyog diba? Ugh -_____-

"Ugh! Im awake! Stop shaking me like there's no tomorrow! Tss" inis na sabi ko. Nagpeace sign lang siya sakin at umupo sa kama ko.

"Dalian mo na, pupunta pa tayo sa hall para magbreakfast. Gutom na ako" sabi niya. Psh. Even im soooo tired, I stood up and go to the bathroom.

-Breakfast Hall-

"Goodmorning Shaina and Nylla!" Bati samin ni Tricia pagkarating namin sa breakfast hall. Medyo maingay naman kaya hindi masyado rinig yung pagkasigaw ni Tricia. Lol.

"Goodmorning din!" Sabi ni Shaina. Tumango lang ako.

Suot ko parin pala ulit yung costume na pinahiram sakin ni Shaina. Friday pa lang ngayon e. Hindi naman mabaho at pinagpawisan ito. Hindi naman kasi mainit dito sa loob ng academy. Hindi rin naman masyado malamig. Kumbaga, normal lang. Kontralado daw kasi dito yung temperature sa loob ng academy sabi ni Shaina sakin kahapon.

"Sino ang magtetraining ngayon?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Hmm, Sidekicks vs Heroes" sagot ni Shaina

"Hindi daw tuloy ngayon yung training. Busy daw kasi ngayon yung mga Heroes. Pero hindi ko alam kung anong ginagawa nila, narinig ko lang naman sa ibang estudyante dito eh" sabi naman ni Tricia.

"Edi kailan na yung training?" Tanong ni Shaina

"Bukas daw" sagot naman ni Tricia

"Ahh ok. Edi wala tayong gagawin ngayon? Yippiee!" Masayang sabi ni Shaina habang pumapalakpak. Pati rin pala si Tricia. Mukha nga silang baliw e. Ayys. Mali pala. Baliw na talaga sila =___=

"Tara na, pupunta pa ako ngayon sa MPB. Bibilhan ko ng pagkain si Cheska at Billy. Hihihi" sabi ni Shaina. Tapos na kasi kami kumain, tumayo na siya kaya tumayo na kami.

"Ayy! Oo nga pala! May sipon ngayon si Riri. Pwedeng gamutin mo siya, Shaina?" Sabi naman ni Tricia. Huh? Anong pinagsasabi nila?

"Sige ba! Hehe" sabi naman ni Shaina.

"Yiie! Thankie!" Sabi ni Tricia sabay yakap kay Shaina. The heck?! =_______=

"Uhh. Anong yung MPB? At sino sila Cheska, Billy at Riri?" Tanong ko. Curiousity is killing me.

"Ayy! Oo nga pala! Hindi ko pa nababanggit sayo yung tungkol sa Monster Pets! Hehe" sabi ni Shaina. Naglalakad na kami ngayon sa hallway.

"Uhh. Monster Pets?" Tanong ko ulit. Anong kalokohan yun? Halimaw pero pet?

"Yup! Ang Monster Pets ay katulong o kaibigan nating mga dreamers. May abilities din sila katulad natin. Kapag magkakaroon ka ng monster pet, kailangan kapareho mo ng ability. Mas madali mo kasi yun mapapaamo" sabi ni Shaina.

"Huh? Mapapaamo?" Tanong ko ulit.

"Kapag kasi may nagustuhan kang Monster Pet, kailangan mo muna siya amuhin para pumayag siyang maging sayo. Tapos kapag hindi kayo same ng ability o type ng monster pet na gusto mo, hindi mo siya makukuha dahil hinding hindi mo siya kayang mapaamo kapag ganun" sabi ni Tricia.

"Type?" Tanong ko ulit

"May four types ang monster pets. Ang pinakamababa o mahinang type ay Common Monsters. Sunod naman dun ay Rare Monsters. Yun yung dalawang types ng monsters na pwede sa Sidekicks. Ang Super Monsters at ang pinakamalakas na type ng monster ay Ultra Monsters, sila yung dalawang type naman ng monster na pwede lamang makuha ng mga Heroes" mahabang paliwanag ni Shaina.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon