TLMP #35- Helping Others

17.7K 556 19
                                    


Chapter 35- Helping Others

Nylla POV

"Nylla, gising na jan"

Rinig kong sabi ni Liam habang niyuyugyog yung balikat ko. Mukhang binuksan niya rin yung bintana para masilaw yung mukha ko sa araw. Made of Glass kasi yung bintana.

"Hmm, anong meron? Linggo ngayon ah" bored na sabi ko habang nakapikit parin. Natatamad pa ako -______-

"Hindu mo ba tinitingnan yung schedule mo? Tsk. Pupunta tayo sa bayan para tumulong" sabi niya. Napadilat naman ako agad ng mga mata.

"Huh? Tumulong?" Tanong ko.

"Tuwing linggo kasi, tumutulong ang palasyo sa mga tao. May helping center mamaya na magtatayo doon sa gitna ng bayan" sabi niya habang nakangiti. Pero kita ko sa mga mata niya na nalulungkot siya.

"Ok. San ka pala galing kahapon? Pagkagising ko, wala ka na agad sa palasyo. Sabi kasi nung katulong umalis ka daw" sabi ko at bumangon na sa kama.

"Bakit? Namiss mo ako agad?" Sabi niya at nagsmirk. I just rolled my eyes.

"Tinatanong ko lang" sabi ko at pumasok na sa banyo.

Naglalakad na kami ngayon ni Liam papunta doon sa gitna nang bayan. Mas gusto ko maglakad, excercise na din tsaka malapit lapit lang naman.

"Anyare sayo? Ang tamlay mo yata? May sakit ka ba?" Tanong ko kay Liam. Lagi kasi iyang hyper, nakakapanibago lang =____=

"Wala. Wag mo na ako intindihin. Pero salamat sa pagaalala" sabi niya at nagsmile. I just rolled my eyes again.

Nang makarating na kami doon sa helping center, marami na agad ang tao. 11am na rin kasi. Nahahati ito sa dalawang side. Yung sa left side, pagamutan. Yung sa right side naman, namimigay sila ng libreng pagkain. Pumunta si Liam doon sa right side para tumulong. Ako naman, pumunta muna sa may left side. Nagbabakasali ako na nandito si Shaina kaso wala.

"Maraming salamat po" sabi nung babae na may karga kargang sanggol. Napangiti ako bigla.

"Walang anuman po" sabi naman nung babae. Healer yata siya dito. Umalis na rin pagkatapos yung babaeng may karga kargang sanggol habang may ngiti sa mga labi.

"May malubhang sakit yung sanggol na karga karga nung babae. Namali kasi iyon ng putol sa pusod nung sanggol sa nanay niya nung ipinanganak niya ito. Wala namang ibang healer na dito sa bayan dahil kinukuha ng palasyo para itrain. Kaya tuwing linggo lang sila pwedeng makagaling sa mga sakit nila" sabi nung babae habang nakatingin na sakin. Nakita niya siguro na nakatingin ako doon sa babaeng may karga kargang sanggol.

"Ako nga pala si Alyssa Jaelyn Lux. Just call me Aly for short" sabi niya at inilahad ang kamay sakin. Tinanggap ko naman iyon at naghandshake kami.

"Im Gianna Jhanylla Hatthaway. Just call me Nylla" sabi ko. Tumango tango naman siya habang nakangiti.

Pagkatapos noon ay may dumating na isang matandang babae kaya nagexcuse muna siya sakin dahil gagamutin niya daw muna yung matanda. Tumango na lang ako at ngumiti. Tiningnan ko yung paligid, may mga anim na healers dito. Pumunta na ako sa may right side, tumutulong parin si Liam sa pagbibigay ng mga libreng pagkain. Limang tao lang sila dito.

"Ineng, pahingi naman ng tinapay" sabi nung matandang lalaki sakin habang nakangiti. Agad naman akong kumuha ng tinapay sa loob at ibinigay sa matanda. Sinamahan ko na rin iyon ng isang boteng tubig.

"Maraming salamat, iha" sabi nung matandang lalaki at umupo sa may dulong parte nitong helping center. Hindi ko alam pero nilapitan ko yung matanda.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon