TLMP #17- Food Manipulator vs Super Strength

23.6K 710 14
                                    


Chapter 17- Food Manipulator vs Super Strength

Nylla POV

Thursday na ngayon. Apat na araw na lang, magsisimula na kami sa mission na namin. Naadvance ko na rin yung ability ko, kahapon lang. Mga 7 minutes lang yung tinatagal kapag shinishield ko yung sarili ko. Mga 20 minutes naman ang tinatagal kapag sa ibang tao. Ang daya nga e. Mas nahihirapan ako kapag sa sarili ko na. Tsaka hanggang apat na tao lang ang kaya kong protektahan, kasali na pala doon yung sarili ko. Ibig sabihin, tatlo lang pala kaya kong protektahan kapag ibang tao maliban sa sarili ko.

"Oh, Nylla. Tulala ka jan?" Sabi ni Shaina at siniko ako sa braso ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Naglalunch kami ngayon. Pero wala na kaming klase pa dahil halfday namin ngayon dahil Thursday, Training Day.

"Uhh. Shaina, alam mo ba yung tungkol sa Night Casablanca Magical Flower?" Tanong ko. Halata naman na nabigla siya sa tanong ko.

Matagal ko ng gustong itanong ito sa kanya pero nahihiya ako. Tsk. Gusto ko pa kasi madagdagan yung impormasyon ko tungkol sa bulaklak na iyon. Nacucurious na naman kasi ako =______=

"Uhh. Sa pagkakaalam ko, isa iyong mahiwagang bulaklak. Pero sa umaga, parang lamang ito isang ordinaryong bulaklak. Pero kapag sumapit na ang gabi, umiilaw daw ito. Lumalabas lang daw kasi ang kapangyarihan nung bulaklak kapag gabi. Kaya nga daw may 'Night' sa pangalan nung bulaklak. Tsaka may nagbabantay daw sa Magical Flower na iyon. Pero hindi sinabi kung sino. Nabasa ko lang naman iyon sa Book of Healers" paliwanag niya. May Book of Healers pala. Tsaka may nagbabantay dito? Tsk. Sino naman kaya yun? Tumango tango na lang ako.

"Nylla, Ingat ka sa mission niyo ah! Iintayin namin ni Shaina ang pagbabalik mo! Hehehe" sabi naman ni Tricia. Sumangayon naman sa kanya si Shaina.

Alam na nila na kasali ako sa Mission, pati yata buong estudyante dito sa academy ay alam na. Pano nila nalaman? Dahil simula nung sumunod na araw nung pinakilala ako sa grupo na The Nightmares, doon na ako umuupo sa harapan na table. Yung sinasabi ko sa inyo dati na mga estudyante lang din naman sila pero nasa harapan din ng lahat ng Levels yung table nila kagaya ng mga teachers. Dahil daw kasali ako sa Mission nila, kasali muna daw ako sa grupo nila.

"Alis na ako" sabi ko at tumayo na sa table tsaka umalis na sa cafeteria.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Kahit ako, hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako ng buhay dito sa school. Pumunta na lang ako sa Training Room ng The Nightmares. May sarili kasi silang Training Room.

"Hi, Nylla!" Bati sakin ni Daniel ng makita ako. Kumaway at ngumiti naman sakin si Brian. Tumango lang ako. As usual, si Demon nasa isang sulok lang at parang malalim ang iniisip. Si Veronica naman, nagpapaputok ng bubble gum sa bibig.

"So, it's already 1:30pm. Start na tayo ng training. Ang maglalaban muna ngayon ay ang pangatlo at ang pangapat na pinakamalakas. That's will be, Brian and Veronica. Kapag natalo ni Veronica ikaw Brian, magkakapalit kayo ng rank. Magiging pangatlo na si Veronica at magiging pangapat ka naman, Brian. Pero kapag hindi ka natalo ni Veronica, edi ganun parin ang magiging rank niyo. Alam niyo na yun" sabi ni Sir Baltazar. Tumayo na sila Veronica at Brian. Nagsmirk lang si Brian at umirap lang sa kanya si Veronica bago pumasok ng training orb.

"Alam niyo na naman kung kailan niyo ititigil ang laban, diba?" Rinig kong tanong ni Sir Baltazar kina Veronica at Brian. Tumango lamang sila kaya nagsimula na nga ang laban.

Nagpalabas ng isang malaking Tacos? Si Veronica. May buntot ito na sili pati yung mga kamay at paa nito ay sili rin. Ang alam ko, Tacodile ang tawag dito. Nagpalabas naman ng Super strength Dragon si Brian. Hinayaan nilang maglaban ang Tacodile at Super Strength Dragon. Oo nga pala, parang simulation room na rin ang training ng mga The Nightmares. Nasa isang city sila. Maraming building ang nasa paligid. Binuhat ni Brian ang isang malaking building at binato ito sa direksiyon ni Veronica, pero sinalo ito ng Tacodile at kinain. Nagpalabas naman ulit si Veronica ng isang malaking hamburger na may anim na paa na parang gagamba. Yung anim na paa nito ay, french fries. Nakakatakot din yung mga mata nito, kulay pula -______-

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon