TLMP #18- The Thunder and Lightning

22.6K 927 21
                                    


Chapter 18- The Thunder and Lightning

Shaina POV

*Riiiiing*

Yey! Awasan na este Lunch na. Hahaha. Friday palang ngayon kaya halfday ulet. Pagkatapos kong magayos ng gamit ay tumayo na ako. Nakita kong tapos na rin maglipigpit ng gamit nila si Nylla at Tricia.

"Haaaay! Kapagod!" Sabi ni Tricia habang humihikab at iniistrentch pa ang dalawa niyang kamay. Buti na lang wala na yung mga ibang kaklase namin. Nakakahiya talaga tong si Tricia. Hahahaha.

"Hoy, Tricia. Ibaba mo nga iyang dalawa mong kamay. Ang baho e" sabi ko. Nakita ko namang umuusok na agad yung ilong niya sa inis. Hahahaha.

"Walangya ka talaga, Shaina! Wag mo kong sisimulan! Pagod ako!" Sabi ni Tricia. Napailing iling na lang ako.

"Bakit ka ba pagod na pagod diyan?" Tanong ko.

"Puyat lang. Tsaka napalaban ako kahapon. Pero kasama ko si Mia. Medyo malalakas yung nakalaban namin, kaya natalo kami. How sad" sabi pa niya. Wawa naman bestfriend ko T^T

Laging si Mia kasama niya kapag lalaban kung saan saan dito sa school. Hindi naman pwede ako dahil Healer lang ako. Tapos si Nylla, busy. Tsaka karoomate kasi ni Mia si Tricia kaya close rin sila.

"Tsk. Tara na sa cafeteria at kumain ka ng madami para makapagrecharge ka" sabi ko. Tumango na lamang si Tricia. Si Nylla naman, walang imik na sumabay samin. Hays. Namiss tuloy namin yung Nylla na happy go lucky. Sana magkaperiod ulit siya. Lol. Hahahaha.

---Cafeteria---

"Oo nga pala, aatend ba kayo sa Goodluck Party sa Sunday?" Tanong ko. Kumunot naman yung noo ni Nylla.

"Yup! May isusuot na nga ako e" sabi naman ni Tricia habang tuloy tuloy lang sa pagkain.

Grabe, takaw niya talaga. Hindi naman siya nataba. Abnormal yata o may sakit itong si Tricia kaya hindi nataba e. Ah! Alam ko na! Nataba lang yung cheeks niya! Bwahahaha.

"Anong Goodluck Party?" Tanong ni Nylla. Sabi na magtatanong yan e. Medyo nakakabisado ko na rin yung takbo ng utak niya e. Hehehe.

"Gaganapin ito sa Sunday Night. Kaya sure akong magmumukha itong NightClub. Ang alam ko ginawa ito ng mga Student Councils para sa inyo. Para sa mga maglalakbay at gagawin ang Mission. Para daw kung sakaling isa man sa inyo ang hindi na makabalik ng buhay, naging masaya man lang siya sa huling buhay niya sa loob ng school" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain. Mukha namang nakuha na naman ni Nylla yung ibig kong sabihin.

"So ano? Pupunta ka?" Tanong ko.

"Ikaw?" Tanong niya pabalik.

"Yup!" Masigla kong sagot.

"K" sabi niya at tumayo na.

"Teka, anong K?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at akmang aalis na ng magsalita pa ako.

"Pupunta ka ba ngayon sa Training Room? Sabay na ako!" Sabi ko. Napalingon naman siya sakin at kumunot ang noo. Curious na naman siya! Lol. Hahaha.

"Kinausap ako ni Sir Baltazar kahapon na pumunta sa Training Room ng The Nightmares para magamot agad yung mga nasugatan sa training niyo" sabi ko. Pinakaiusapan niya ako kaya sino naman ako para tumanggi diba? Lol. Madadagdagan din daw kasi dito ang points ko. Tumango na lang naman si Nylla. Aalis na sana kaming dalawa ng....

"Hoy! Andadaya niyo! Ano, iiwan niyo na lang ako dito basta basta?! Aba aba, ang babait niyong mga kaibigan!" Sigaw ni Tricia. Oops. Oo nga nuh? Nalimutan ko siya. Hehehe. Ang tahimik niya kasi kapag kumakain at minsan lang sumasabat sa usapan. Yun lang naman kinabibusyhan niya na hindi siya maingay.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon