TLMP #21- The Start of the Mission

20.3K 648 7
                                    

A/N: Sinong gusto magpadedicate? Hehe.

Chapter 21- The Start of the Mission

Nylla POV

Ngayon na ang start ng Mission namin. Tsk. Tatlong araw lang ang binigay ng Academy para samin. Kapag umabot kami sa pangapat na araw, hindi na namin maabutan ng buhay ang Hari. Malubha na daw kasi ang karamdaman nito.

"Magingat kayo, tandaan niyo. Siguradong alam na nila na hahanapin niyo ang Magical Flower. Gagawin lahat ng King of Death para hindi kayo magtagumpay" sabi ni Sir. Baltazar.

"King of Death?" Tanong ko.

"Oo. Ang King of Death na iyon ay ang King ng mga Wagners" sabi niya.

"Akala ko ba ang King ng mga Wagners ay nakakulong sa isang magical powerful chest? Paano niya tayo pipigilan sa Mission natin kung nakakulong siya?" Tanong ko.

"Actually, ang kapatid ng King of Death ang gagawa ng paraan para hindi niyo mahanap ang Night Casablanca Magical Flower. Alam niyang kapag namatay ang Hari, makukuha ng King of Death ang kapangyarihan ng Hari. Kapag kasi may namatay na power user, malalaman agad ito ng King of Death. Nasa kanya na iyon kung kukunin ng King of Death ang kapangyarihan ng namatay o pababayaan niya na lamang ito. Ganun kalakas ang kapangyarihan ng King of Death kahit nakakulong siya. Pero hanggang doon lang muna ang kayang gawin ng King of Death dahil nakakulong parin siya at may pumipigil pa rin naman sa kanyang gamitin ang kapangyarihan nito dahil sa powerful magical chest" paliwanag ni Sir Baltazar.

"Come on! Open the gate already! We're wasting our time here" inip na sabi ni Veronica. Nasa tapat na kasi kami ng gate ng Dream High. Unti unti ng bumukas ang gate.

"Magiingat kayo" sabi ni Sir. Baltazar. Lumakad na kami papunta sa loob ng gubat at nakalayo layo na rin kami sa school.

"Hi, Nylla" sabi ni Daniel at lumapit sakin. Tumango lang ako.

Hindi ko alam pero napatingin ako kay Demon. Dirediretso lang siya sa paglalakad, Nasa unahan ko siya. Nakakainis! Bakit ba ako naiinis at nalulungkot na hindi niya ako pinapansin?! Tsk. Dahil pagkatapos niya akong halikan sa harap ng madaming tao hindi niya na ako pinansin ulit? Tapos umalis na lang siya pagkatapos niya sabihin na sealed ako? Uggh! Ang gulo niya! Sealed ako saan?!

"Oh? Bakit nakakunot iyang noo mo? Anong problema?" Tanong ni Daniel. Umiling lang ako.

"Wala" sabi ko. Nagkibit balikat lang siya. Nakikita ko sa mga mata niya na parang may gusto pa siyang itanong sakin pero parang hindi niya alam kung paano? Tss. Bahala nga siya.

**

Gabi na pero hindi pa naman sobrang madilim. Umalis kasi kami kanina sa school ng mga 9am. 6pm na ngayon. Kanina parin kami naglalakad. Tsk. Pagod na pagod na ako. Hindi ba pwedeng sumakay kami sa mga kabayo? O kaya lumipad na lang kami, sakay kami sa mga dragon nila. Wala naman kasi akong dragon. Pangheroes lang yon. Eh, pangsidekick lang kapangyarihan ko.

"Nalindol!" Sigaw ni Brian.

Napaluhod kaming lahat. Nakakapagtaka na wala na palang mga puno sa paligid namin. Isang malaking bilog sa kinatatayuan namin ang walang puno. Ang lakas ng lindol! Halos hindi ka na makatayo. Ang sakit din sa ulo. Pagkatapos ang mga 30 minutes? Ewan. Tumigil na rin ang malakas na lindol. Muntik na nga magbaksakan yung mga malalaking puno dun sa malaking bilog na kinatatayuan namin. Buti na lang nawala agad ang lindol bago magbaksakan sila. Pagkatayo namin, may apat na lalaki ang lumitaw sa harapan namin. Nararamdaman kong kaaway sila.

"Protektahan mo sila" sabi sakin ni Demon.

"Pano ka?" Tanong ko din. Diba nga apat lang ang kaya kong protektahan, kasali na doon yung sarili ko. Alam niya yun dahil siya ang trainor ko.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon