TLMP #37- We're Officially On

19.5K 625 34
                                    

A/N: Namiss niyo po ba yung JareLla moments? Ako din e. Hahaha.

Chapter 37- We're officially on

Daniel POV

"Almost...

Almost is never enough

So close to being inlove

If I would have known that you wanted me

The way I wanted you

Then maybe we wouldn't be two worlds apart

But right here in each others arms~"

"Pano mo nalaman na ako si Nylla? Tsaka anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Nylla. Napatawa naman ako.

"Hindi mo ba natatandaan? Ako kaya yung nakabanggaan mo kanina. Tsaka wag kang maingay. Bawal malaman ng ibang tao na may mga estudyante dito. Sinama lang kami dito nila Madam Sofia at Sir Baltazar" sabi ko. Mas kumunot naman yung noo niya. Hahaha. Ang cute niya talaga. Aaminin ko, gusto ko siya. Pero hanggang gusto lang. May mahal na nga kasi akong iba.

"Huh? Mga? kami? I-ibig sabihin hindi lang ikaw ang nandito?" Tanong niya. Tumawa ulit ako ng mahina at napailing iling.

"Yup. Nandito din sila Shaina, Tricia, Veronica, Brian at si loverboy" sabi ko.

"Loverboy?" Tanong niya. Hahahaha. Slow talaga niya.

"Sino pa ba? Edi si Jaredmyloves mo" sabi ko at ngumisi. Nakita ko namang nagblush siya. Hahahaha.

"Tss. Ewan ko sayo" sabi niya. Lumapit naman ako sa kaliwang tenga niya at bumulong.

"Wag ka nang indenial. Obvious kaya na may gusto ka sa kanya. Wag ka magalala, pareho kayo ng nararamdaman" sabi ko. Tinulak niya naman ako ng mahina palayo sa kanya at minura. Hahaha.

"And we almost...

We almost knew what love was

But almost is never enough~"

Nilibot ko ang paningin ko. Nakita ko si Brian na naglalakad. Mukhang seryoso yung mukha niya. Anong nangyari dun? Parang may hinahabol siya. Dahil malapit lang siya samin, hinawakan ko yung braso niya nung napadaan siya sa direksiyon namin. Lumingon din naman siya sakin.

"Ayos ka lang, tol?" Tanong ko. Tumango naman siya at napatingin kay Nylla.

"Brian?" Tanong ni Nylla. Kanina seryoso si Brian pero unti unting ngumiti.

"Uy, Nylla!" Sabi ni Brian at yumakap kay Nylla. Aba, chansing pa itong gagong ito ah.

"Hoy! PDA kayo! Tama na yan!" Sabi ko. Tumawa naman si Brian at lumayo na kay Nylla. Buti naman.

"Teka, Daniel. Isasayaw ko muna si Nylla ah" sabi niya.

"Sige. Pero bawal chansing. Baka makita kayo ni loverboy tapos magselos yun. Haha" sabi ko.

"Sus. Si loverboy lang ba?" Sabi naman ni Brian. Napailing iling na lang ako.

"Gago!" Sabi ko pero syempre mahina lang. Haha. Umalis na rin ako pagkatapos.

Brian POV

"Wala talagang kupas yung ganda mo. Kahit nakamaskara ka pa" sabi ko habang nakangiti. Hawak ko siya sa bewang, siya naman ay sa magkabilang balikat ko.

"Tss. Alam ko" sabi niya. Napangiti ako. Parehong pareho talaga sila ng babaeng mahal ko. Kaso mas mataray lang ata si Veronica. Hahaha.

"If I could change the world overnight...

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon