TLMP #40- EPILOUGE

24.4K 609 16
                                    


Chapter 40- Epilouge

Third Person POV

Pagkatapos makuha ng mga Wagners si Nylla, pumunta naman sila sa Dream High ng mga hating gabi para tulog na ang lahat. Dahan dahan silang pumunta sa dorm nila Shaina, Tricia at Jared. Pagkapasok nila, tinakpan nila agad ng isang panyo ang parteng bibig at ilong nila. Pati na rin si Jared, pumalag nung una si Jared pero unti unti siyang nanghihina hanggang makatulog. May pampatulog kasing kasama yung panyo. At kapag naamoy mo yun, makakatulog ka talaga ng mahimbing. Mga 5 hours ang bisa niyon. Pagkatapos ng isang maingat na mission nila ay bumalik na sila sa Wagners dala ang mga walang malay na sila Shaina, Tricia at Jared.

Nylla POV

Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko, nandito parin pala ako sa nakakatakot na kwarto. Nasa Wagners parin pala ako. Akala ko panaginip lang ang lahat, kung pwede nga lang sana na panaginip na lang ito. Haay. Ang tanga ko kasi! Oo na. Kasalanan ko na. Lintek kasi na curiousity yan! =____=

Narinig ko namang bumukas yung pinto kaya napaupo ako agad sa kama ko. Pumasok si R-Raven at may dala siyang isang tray ng pagkain.

"Goodmorning. Breakfast ka muna" sabi niya at nilagay na sa table dito yung isang tray ng pagkain.

"Bakit bigla ka na lang nawala noon? And I never thought that you will be part of Wagners! Shit lang! Wala lang ba sayo yung mga pinagsamahan natin dati?!" Paigaw na tanong ko. Nakita ko namang natigilan siya. Humarap naman siya sakin at nginitian ulit ako ng tipid.

"Kumain ka na. Aalis na tayo maya maya" sabi niya at lumabas na ng silid. Tss. Di man lang ako sinagot! At dahil gutom na ako, kinain ko na yung dala niyang pagkain. Wala naman sigurong lason ito? Tsk.

**

Pagkatapos kong kumain, tumayo ako at nilibot ang kwarto. Wala man bintana dito para makatakas ako. Tsk. Nang naramdaman ko na may paparating, umupo agad ako sa kama ko. Sakto namang bumukas yung pintuan ng silid at pumasok si Raven kasama ang dalawang tao na nakacloak. Sila rin siguro yung kahapon. Nakahandcuffs na naman pala ulit ako.

"Let's go" sabi niya at naglakad na kami palabas.

Pagkatapos namin sa isang mahabang corridor ay bumaba na kami ng hagdan. Pagkatapos ay nakarating kami sa likod yata ito ng palasyo ng Wagners. May nilabas na portal si Raven galing sa bulsa ng jacket niya at nilagay na ito sa damuhan. Tss. May portal naman pala, pwede namang doon na lang kami kanina sa kwarto. Hindi yung naglakad pa kami. Tsaka san ba kami pupunta at kailangan pa ng portal? Hindi ba sa palasyo ng Wagners gagawin yung propesiya?

Pumasok na si Raven sa portal at gayun din naman kami. Well, pinilit ako nung dalawang may hawak sakin. Tsk. Pagkapasok namin, nakarating kami sa isang silid. Natigilan din ako nang makita ko sila Shana, Tricia at Demon na nasa isang malaking glass. Yung tulad ng glass sa masamang panaginip ko kahapon. Tumingin sila sakin. Bigla namang nagsilakihan yung mga mata nila Shaina at Tricia. Si Demon naman, halatang nagulat din siya na makita ako. Pero unti unting napalitan ang ekspresyon niya ng galit. Nakahandcuffs din sila.

"Haay. Sa wakas, matutupad na rin ang propesiya" sabi nung lalaki kahapon. Sa pagkakaalala ko, Siya si Morgan. Kapatid ng King of Death. Kanina ko lang din naalala yung pangalan niya eh.

"Hayup ka! Bakit sila nandito?!" Sigaw ko at tumingin kila Demon. Tumawa naman siya. A devil laugh.

"Para mas exciting. Tsaka para masunod mo ang gusto namin" sabi niya habang may nakakalokong ngiti. Napakuyom ko ang kamao ko dahil galit na galit na talaga ako. Ayokong madamay sila dito.

Natigilan ako nang may biglang may mga gray na usok sa loob ng glass. Katulad na katulad ito ng panaginip ko. Ang pinagkaibahan lang, nandoon din sa malaking glass na iyon si Shaina at Tricia. Lumapit ako sa glass pero pinigilan ako nung dalawang lalaking nakahawak sa braso ko.

"N-No! H-Hindi pwede mangyari ito! Ilabas niyo sila! W-wag niyong idamay sila dito, please *sniff" sabi ko. I can't let them die just like what happen in my stupid dreams!

"Well, patitigilin namin ang usok sa loob ng glass kapag nasunod mo ang gusto namin mangyari" sabi niya at ngumisi.

"F-Fine!" Sabi ko at tuloy tuloy nang dumaloy ang mga saganang luha sa mga mata ko. Nakita ko naman may nilabas sila na isang malaking chest at nilagay sa harapan.

"A-ano bang gagawin ko?" Tanong ko

"Kailangan mong kontrolin ang mahika na bumabalot sa chest na iyan. Kailangan mong patayin ang mahika para makawala ang kapatid ko sa pagkakakulong diyan. Ikaw lang ang may kayang gawin iyon dahil kailangan, makontrol ang mahika hanggang sa maglaho ito. At ikaw lang ang may kakayahan ng Controlling Ability" paliwanag niya.

Napalunok na lang ako. Tumingin ulit ako kanila Demon, unti unti nang nawawala ang usok sa loob ng glass. Pero parang nanghihina parin sila.

"B-bakit nanghihina pa rin sila?!" Galit na tanong ko.

"Wag ka magalala, babalik din ang lakas nila maya maya lang. Chemical kasi ang usok na iyon kaya nanghihina sila ng ganyan" sabi nung Morgan. Napabuntong hininga ako.

"Simulan mo na" sabi ni Morgan. Nakatingin lang ako kay Demon, nakita ko siyang umiling iling ng marahan habang nakatingin sa mga mata ko. Ngumiti ako ng pilit at tuloy tuloy na naman ang pagagos ng mga luha ko. Humarap na ako chest. Tinanggal na rin nila yung handcuffs ko. Unti unti kong hinawakan yung chest at pinakiramdaman. Unti unti ko ring nararamdaman na may lumalabas na enerhiya sa mga palad ko.

Unti unti akong nanghina hanggang napahiga na ako sa sahig. Tiningnan ko si Demon, nakita ko ang bahid ng lungkot, pagaalala at galit sa mga mata niya. Mukhang nanumbalik na rin ang mga lakas nila dahil pinagsusuntok niya na yung glass. Pero ni crack, wala. Narinig ko rin na may sumabog. Ngumiti na lang ako kay Demon and for the last time, I mouthed 'I love you' to him bago sinakop ng kadiliman ang mga paningin ko.

Daniel POV

Dumating kami sa isang maliit na bahay. Sinugod naman iyon ng mga kawal ng palasyo. May mga Wagners din na mga nakabantay sa paligid pero patay na sila. Nilagyan ko ng tracker si Jared nang malaman ko agad na nawawala si Nylla. At tama yung hinala ko, kikidnapin din ng mga Wagners sila Jared dahil importanteng importante sila kay Nylla. Nagpasabog na rin kami. Pagkapasok namin sa loob ng isang kwarto dito sa bahay, nakita namin ang isang basag na glass at magulong mga gamit. Nakita namin na walang malay sila Shaina at Tricia. Si Jared naman, tulala?

"Shit!" Sigaw ni Collin(Idol ko). Tiningnan ko yung tinitingnan niya. Isang chest na nakabukas. Ang alam ko, ito yung chest kung saan nakakulong ang King of Death. I-Ibig sabihin, nagtagumpay ang mga Wagners?!

"Fvck! Hindi pwede ito! Search the area!" Sigaw ni Idol sa mga kawal ng palasyo. Sumunod naman sa kanya yung mga kawal.

"Oh, Idol. Kanino iyang necklace na hawak mo?" Tanong ko sa kanya. Nakatitig kasi siya doon sa hawak niyang necklace. Silver locket necklace yata iyon.

"Damn! Sabi ko na! Si Nylla yun! Shit! Shit! Shit! Hindi ko siya nagawang protektahan ulit!" Sigaw ni Idol na ikinagulat kom

"Huh? Anong sinasabi mo diyan, Idol?" Naguguluhang tanong ko. Tumingin naman sakin si Idol diretso sa mga mata ko. Pero natigilan at nagulat ako sa susunod niyang mga sinabi...

.
.
.
.
.
.
.
.

"Nylla is the Lost Princess"




TO BE CONTINUED...

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon