TLMP #32- My Boy Bestfriend

19.9K 612 17
                                    


A/N: Hellooo! Hahaha. Gusto ko lang ulit magpasalamat sa mga nagvovote, nagbabasa at pati na din sa sobrang konting nagcocomment. (Pero naapreciate ko yun, pramis) Hahaha. Pero anyway, silent reader din ako dati hahaha. Pero ngayon, medyo hindi na XD

Chapter 32- My Boy Bestfriend

Nylla POV

Hmm, naramdaman ko yung sinag ng araw sa mukha ko galing sa bintana. Shit! Sino nagbukas nung kurtina?! Sarado naman yung kagabi ah?! Uggh! Unti unti kong minulat ang mata ko, pero nabigla ako nang may pumisil bigla sa ilong ko.

"Buti nagising ka na. Hindi ka parin nagbabago. Tulog mantika forever. Hahaha"

Bigla akong napaupo sa kama ng makita ko siya sa tabi ko. Nakaupo siya sa tabi ng kama, sa may right side.

"A-anong ginagawa mo dito, L-Liam?!" Tanong ko.

The fvck?! Nasa palasyo na ako diba? Wag mong sabihing nasa normal world ulit ako? Pero ito parin yung kwarto na tinulugan ko kagabi, at ito parin yung kwarto na sinabi sakin ni Ms. Belle na magiging kwarto ko muna habang nakatira ako dito sa palasyo.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Bumangon ka muna jan, breakfast na tayo" sabi niya at ginulo yung buhok ko.

"Uggh! Magulo na nga, ginulo mo pa!" Sabi ko. Im reffering to my hair. Napatawa naman siya ng mahina at pumunta na sa pintuan, pero bago siya lumabas...

"I miss you" sabi niya at ngumiti at lumabas na ng pinto. Napabuntong hininga na lang ako. I miss him too.

Pagkatapos kong magayos at maligo, bumaba na ako. Syempre dumaan muna ako doon sa red carpet na grand staircase with matching bright gold chandeliers. Hindi ba uso dito yung ordinaryong ilaw? Lahat yata ng ilaw dito, mga chandeliers eh.

"Goodmorning po, Ma'am Nylla. Iniintay na po nila kayo sa Dining Hall" sabi nung isang maid yata dito habang nakayuko at nakalahad ang kamay sa kamay.

"Oh please, wag ka na mag'po' sakin dahil alam kong mas nakakatanda ka sakin. And wag ka na rin mag'bow' pa sa harapan ko dahil hindi naman ako Royal Blood" sabi ko. Pero hindi siya natinag, nakayuko parin siya. Tsk. Mga kaage siya ni Mama.

"Sorry po, Ma'am Nylla pero hindi ko po pwedeng gawin ang inuutos niyo. Sundan niyo na lang po ako, pinapasabi po kasi ng Hari na gabayan daw po kita papunta sa Dining Hall dahil alam niya pong naninibago ka pa" sabi niya.

Tss. Fine. Tumango na lang ako at sinundan siya sa paglalakad. Nakalimutan ko na rin kung saan yung daan papunta sa Dining Hall eh. Isang beses pa lang naman ako nakakapunta dito. Pero-- isang beses pa nga lang ba? Aiish.

"Nandito na po tayo" sabi niya at tumigil kami sa isang malaking pinto.

Pinagbuksan naman ako nung isang lalaki na nagtratrabaho din yata dito. Pumasok naman ako at nakita ko ulit yung mahabang lamesa. Tsk. Nandito na yung Hari, si Ms. Belle, Liam at yung Collin.

"Goodmorning, Nylla" bati sakin ni Ms. Belle. Ngumiti naman sakin si Liam at yung Hari. Yung Collin naman ay tumango lang sakin. Ngumiti na lang ako sa kanila pabalik.

"Kamusta ka na, magandang binibini?" Tanong bigla nung Hari pagkatapos ang mahabang katahimikan.

"Ayos naman po. Kayo po?" Tanong ko.

"Ayos na din naman ako. Salamat nga pala ulit" sabi nung Hari habang nakangiti. Ang saya sa pakiramdam na nakikita ko siyang nakangiti.

"S-salamat po saan?" Tanong ko. Bigla naman siya napatawa ng mahina.

"Dahil isa ka sa sumali sa Mission. Isa ka sa dahilan kung bakit gumaling ako" sabi nung Hari.

"Uhh eh. W-walang anuman po" sabi ko. Wala akong masabi eh. Tinuloy ko na lang yung pagkain ko. Katapat ko nga pala si Liam ngayon sa hapagkainan kaya nakita kong nakakunot yung noo niya. Problema niya?

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon