TLMP #4- Training Part One

37K 946 36
                                    


Chapter 4- Training Part One

Shaina POV

Hi! Alam ko ng alam niyo na yung pangalan ko pero gusto ko magpakilala ulit. Hehe. Para hindi niyo makalimutan yung super duper cute na name ko! ^_____^

Eto na, Ako po ulit si Shaina Mae Dizon. Just call me Shaina, di ko kasi talaga trip yung 'mae' eh. Hihi. Anyway, nasa infirmary kami ngayon. Hinahanap kasi namin kagabi si Nylla, simula nung nangyari dun sa eksena nila sa cafeteria ni Thalia. (Thalia po yung name nung nakausap ni Nylla sa cafeteria. Yung pinilit siyang maging member, pero hindi pumayag si Nylla) Hindi na namin siya nakita. Pumunta pala ako nun sa dorm ni Tricia para humingi ng tulong sa paghahanap, pumayag naman siya. Umabot na kami ng 9pm sa paghahanap pero hindi talaga namin siya makita. Nagalala na kami nun, bumalik kami sa dorm. Nagbabasakaling nandun siya. Pero nadatnan namin dun yung 'monster pet' nung doktora sa infirmary at sinabing nandun si Nylla.

(A/N: Next time ko na lang po talaga mas ipapaliwanag yung meaning ng 'Monster Pet.' Pero para po sa ngayon po, 'para magkaroon kayo ng ideya' ang monster pet po ay parang isang katulong ng isang dreamer)

"G-gising na ba siya?" Tanong ni Tricia.

"Siguro? Minumulat niya na yung mga mata niya eh" sabi ko naman. Grabe. Dito na kami natulog ni Tricia sa infirmary para mabantayan si Nylla. Buti nga pumayag si Doktora eh. Sakto namang wala kasing gumagamit ng ibang kama dito sa infirmary kaya dun na kami natulog. Hindi ko nga alam kung bakit namin siya binabantayan. Pero siguro that's what friends are for? Haha. Nagaalala kasi kami sa kanya eh.

"Nyllaaaaaa!! Gising ka na nga! Anong nangyari sayong bata ka ah?! Nagalala kami sayo ng sobra!" Biglang sabi ni Tricia habang niyuyugyog pa si Nylla. Baliw talaga ang isang toh. Pagpasensyahan niyo na. Hihihi.

"Huy, Tricia! Dahan dahan ka naman sa pagyugyog! Baka akalain ni Nylla, nalindol!" Sabi ko naman. Bigla naman napatigil si Tricia.

"Ayy, oo nga noh? Sorry Nylla ah! Walang lindol! Hehehe. Peace ^____-" sabi naman ni Tricia. Tiningnan ko si Nylla, nililibot niya yung paningin niya sa buong kwarto. Wala na ba siyang natatandaan?! Eto na ba yung tinatawag ng mga 'normal na tao' na amnesia daw?! Hihi. Galing din po ako sa normal na mundo. Napasok lang ako dito nung grade 6 na ako.

"N-Nasan ako?" Tanong ni Nylla.

"Ah-eh, nasa infirmary ka. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Tricia. Kahapon pa yan ganyan, tanong ng tanong sakin kung anong nangyari sa kanya eh magkasama lang naman kaming dalawa. Engot lang noh? Hays. Pero sabi pala nung doktora kagabi samin, sumakit lang daw ulo niya.

"Wala. Sumakit lang yung ulo ko. S-Sino nagdala sakin dito?" Tanong niya. Bigla naman naglakihan yung mga mata namin ni Tricia.

"I-ibig sabihin, hindi ikaw ang mismong pumunta sa clinic magisa kundi may isa pang tao ang nagdala sayo dito?!" Sabay na tanong namin ni Tricia. Napatingin naman kami sa isa't isa. Sabay--

"HAHAHAHAHA!" Tawa naming dalawa. Baliw siya eh :P

"Tsk. Can you both stop laughing?! It's annoying! Wala namang nakakatawa" sabi ni Nylla, bigla naman kami napatigil sa pagtawa ni Tricia.

"Oops. Sorry! Hehe" sabay ulit na sabi namin ni Tricia. Ginagaya ba ako nito o nagkataon lang talaga?! Hahaha napahawak kaming dalawa sa bibig namin para mapigilan ang pagtawa.

"What time is it?" Sabi ni Nylla habang naglalakad na ngayon palabas ng clinic. A-ang bilis niya ah! Di namin napansin. Sumunod naman kami agad sa kanya.

"7am" sabi ko. Buti na lang di na kami sabay ni Tricia. Wala kasing orasan yan e. Hahaha

"Diba 7am ang start ng breakfast sa main hall?" Tanong ni Nylla. Ayy! Oo nga noh?! Nawala sa isip namin yun. Hehe.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon