TLMP #20- The GoodLuck Party

19.9K 737 35
                                    

A/N: Heeey! Grabe. May insomia na yata ako T^T Di ko na kayang matulog ng maaga sa gabi. Haha. Pero siguro ganun talaga kapag nakasanayan ng magpuyat? XD

Anyway, Enjoy Reading! Mwuaps! :*

Nylla POV

Sunday na ngayon. It's 4pm. Magsisimula ang goodluck party mamayang 6pm. Napakaonti lang ng mga tao sa hallway. Tss. Halos lahat yata sila excited para sa Goodluck Party. Yung mga babae nagbubeauty rest katulad nila Shaina at Tricia. Psh. Galing ako sa cafeteria. Papunta na ako sa Dorm, inaantok ako e. I want to rest. Tsaka halos puro boys nga yung mga nakakasalubong ko sa hallway e.

"Nylla! San ka nanggaling?! Tulungan mo naman ako, oh! Alin ba sa dalawang dress nato ang susuotin ko para mamaya?" Tanong niya. Dalawang cocktail dress ang pinagmimilian niya. Yung isa, sky blue ang kulay. Yung isa naman ay black ang white. Hindi ko sila ididescribe dahil hindi ako marunong magdescribe ng mga cocktail dress =_____=

"Ewan" bored na sabi ko at humiga na sa kama ko at pumunta na sa DreamLand.

After 1 hour and 20 minutes...

"Nyllaaa! Gising na! Magayos ka na! Magsisimula na yung party!" Sigaw ni Shaina sakin habang niyuyugyog ako. Naman e! Gusto ko pa matulog!

"Mamaya na ako! Susunod na lang ako! Mauna na kayo dun ni Tricia" sabi ko habang inaantok pa at nakapikit ang mga mata.

"Haiist! Kilala na kita! Kapag hindi kita pinilit bumangon jan, matutulog ka na lang buong magdamag!" Sigaw niya.

O'common! Bakit pa kasi may Goodluck party! Imbis na makakapagpahinga yung mga gagawa ng Mission, mapapagod pa sila dahil sa kakaparty! Wala nga pala kaming Training ngayon. Kahit ayoko talaga, bumangon na ako dahil tama si Shaina. Kapag hinayaan niya ako dito, magdamag na akong matutulog sa kama ko. Pero ginagawa ko ito dahil may isang salita ako! Pumayag na akong pupunta ako sa party kaya wala ng bawian pa.

*Tok Tok Tok*

"Buksan ko lang yung pinto. Magayos ka na!" Sabi ni Shaina at pumunta na sa pintuan. Dahil tapos na naman ako maligo, nagsipilyo na lang ako.

"Heey, guys! Im ready to party! Hehehe" rinig kong sabi ni Tricia. Nakacocktail dress din siya.

Napailing iling na lang ako. Pumunta ako sa cabinet ko at kinuha ang isang fit faded shorts at isang sando na black and white. Hindi siya basta bastang sando, may style e. Kita rin dito yung tiyan ko. Kinuha ko din yung jacket ko, ipapatong ko sa suot ko. Pero hindi ko izizipper. Ang sabi naman kasi ni Shaina, NightClub ito kaya hindi ko na kailangan pang magcocktail dress katulad nila.

"Ready na ko" sabi ko at lumabas na sa banyo dahil doon ako nagbihis. Nakita ko namang kakatapos lang magmake up ni Shaina. Tss. Bat pa sila nagmake up? -______-

"Nylla! Anubayan! Bakit ganyan suot mo?!" Tanong ni Shaina.

"Uhh. Anong mali sa suot ko?" Tanong ko at tinaasan sila ng isang kilay.

"Magcocktail dress ka nga! Sigurado, ikaw lang ang nagiisang hindi nakadress doon!" Sabi niya. Si Tricia naman busy, naglalagay kasi siya ng eyeliner =_____=

"I dont care. Mas komportable ako dito. Tsaka ikaw na mismo nagsabi, nightclub yung pupuntahan natin. Hindi isang engrandeng party" bored na sagot ko.

"Kahit na! Gusto mo ba pagtinginan ng mga lahat ng tao doon?" Sabi niya. Tss. OA naman.

"Tss. Basta, ayoko" sabi ko. Napailing iling na lang siya.

"Hay Nako, Nylla! Dito ka na nga! Memakeupan kita. Dali!" Sabi ni Tricia. Kumunot yung noo ko.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon