TLMP #36- The King's Birthday

17.7K 572 10
                                    


Chapter 36- The King's Birthday

Nylla POV

Haay. Wednesday na nga pala ngayon. Tsaka may magaganap na party mamayang gabi dito sa palasyo dahil birthday ni King Harold. 2pm pa naman, mamayang 5pm magstastart yung party. Kakatapos ko lang magtraining kaya pagod na pagod ako. Pero nagimprove yung training ko ngayon hindi tulad nung past trainings. Kaya ko nang kumontrol ng ability pero dapat hahawakan ko ito. Hindi ko pa kayang sa isip lang ikontrol.

Kinuha ko yung Diary ko sa may maliit na cabinet na katabi ng kama. Oo, may diary ako kung hindi ko pa sinasabi sa inyo. It's sounds girly pero dito ko sinusulat lahat ng mga sad and happy moments ko. Naglalabas din ako dito ng mga sama ng loob. Sinusulat ko din dito yung mga gusto kong sabihin na hindi ko kayang sabihin sa personal o malaman ng iba.

Date: June 9 20xx, Wednesday.

-Birthday ni King Harold.

Message to Shaina and Tricia:

Hi, Shaina at Tricia. Musta na kayo? Miss ko na kayo. Kahit mga baliw kayo, tinuring ko na kayong mga kaibigan ko kahit papano. Simula ng pumasok ako sa Dream High, ang daming nagbago sa pagkatao ko. Natutunan kong ngumiti palagi at maging masaya. Salamat sa mga pagaalala at pagaalaga niyo sakin. Hindi ko kayo makakalimutan. Kamusta na nga pala ang The Nightmares? Haha. Okay lang din ba sila?

Oo nga pala, ayos lang ako dito. Kasama ko dito yung boybestfriend ko, si Liam. Sana magkita kita ulit tayo. Sana makasama ko pa ulit kayo. Gusto ko rin sabihin na kaya ako nagsinunggaling sa inyo na may Mission ako kaya ako umalis ng Dream High ay dahil ayokong madamay kayo. Sana maintindihan niyo. Salamat sa lahat :)

Napabuntong hininga ako at napasmile ng pilit pagkatapos kong magsulat. Dati, si Mama at Liam lang ang dalawang taong pinapahalagahan ko sa buhay. Ngayon, madami na sila. Pati ang The Nightmares, bahagi na rin sila ng buhay ko kahit sa maiksing panahon ko pa lang sila nakilala.

"Nylla, nandito na yung mga magaayos sayo. Naligo ka na ba at nakapagsipilyo?" Tanong ni Liam pagkabukas ng pinto. Napairap na lang ako sa kanya.

"Don't you know how to knock?" Inis na sabi ko. Tumawa na lang siya ng mahina.

"Kung gusto mo ng privacy, ilock mo yung pinto" sabi niya at kumindat pa.

"Psh. Whatever" sabi ko at tinago na ulit yung Diary ko.

"Papapasukin ko na yung mga magaayos sayo ah?" Sabi niya. Tumango na lang ako.

Gusto kasi ni Ms Belle na maging maganda ako sa party kaya naghire siya ng mga magaayos sakin. Hindi naman daw pwedeng siya na lang dahil busy daw siya. Sumangayon din yung Hari kaya hindi na ako nakatanggi pa. Pinagbigyan ko na lang dahil birthday naman niya.

"Oh, Hello. Dala dala ko na pala ang susuotin mo" sabi nung isang babae na pumasok habang may dala dalang black gown na lampas tuhod. Kumikinang din yung damit. Simple but elegant. Pagkatapos niyang ilagay lahat ng gamit niya sa table ay humarap siya sakin at ngumiti.

"You must be Nylla, right? You're so pretty. Kahit yata hindi na kita makeupan, maganda ka na. Natural beauty, kumbaga" sabi niya. Ngumiti naman ako ng alanganin. Okay?

"So, let's start. Hindi naman pwedeng hindi kita makeupan haha. But I will just make it a light make up dahil maganda ka na at nakamaskara naman. By the way, im Andrea" sabi niya. Ngumiti na lang ako at tumango. Masquerade party nga pala yung theme ng party.

After 3 Hours...

Simula na ng party. Hindi ko alam pero nakakabahan ako. Ngayon lang kasi ako aattend ng ganitong elegant party. Naglalakad na ako ngayon sa corridor ng palasyo papunta sa main hall. Pero nakita ko si Collin na nakasandal na pader. Tumingin siya sakin ng maramdaman niyang may ibang tao.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon