TLMP #26- Where's my Mom?!

19K 648 28
                                    


Chapter 26- Where's my Mom?!

Nylla POV

Tss. Nandito na ako sa classroom. Iniintay namin yung sunod na prof. Kasama ko syempre sila Tricia at Shaina. Kanina pa nga nila ako kinukulit kung anong nangyari dun sa Mission at sa Palasyo. Kesyo kung maganda ba yung palasyo, madami ba kaming nakitang kalaban sa Mission, kung malaki ba yung palasyo, at kung gwapo ba yung Hari. Common sense na nga lang yung lagi kong sinasabi kapag tinatanong nila yun.

"Goodmorning, class" bati ng prof namin na kakarating lang.

"Goodmorning, Sir Peter" bati naman pabalik ng klase.

"So, we will discuss today about the History of Magics. Hindi ba kayo nagtataka kung saan galing ang mga kapangyarihan natin?" Sabi ni Sir habang tumawa ng konti. Sumangayon naman yung iba kong kaklase. Pinapakwento nila si Sir Peter.

"Osige. Magkwekwento na ako. Sabi nila dati, may isang Goddess daw na pinakamalakas at pinakamaganda sa buong mundo. Halos lahat ng kalalakihan ay may gusto sa kanya. Pero isang tao lamang ang nagpatibok sa puso ng Goddess. May gusto rin ang lalaking iyon sa Goddess. Nagmahalan sila, hanggang sa umabot sa kasalan. Pero sa hindi malamang dahilan. Hindi dumating ang lalaking iyon sa kasal. Nalungkot ng sobra ang Goddess. Hanggang sa naisip niyang magpakamatay at ibigay na lamang ang kanyang mga kapangyarihan sa iba't ibang tao" mahabang kwento ni Sir. Peter. What a sad lovestory. Tsk.

"Sir, ibig sabihin. Patay na po ang Goddess?" Tanong nung isa kong kaklase. Tss, I don't know her name.

"Well, yun ang sabi sabi" sabi ni sir.

*Riiiiiing*

"Alright, class. Goodbye" sabi ni prof.

"Goodbye and Thank you, Sir Peter" sabi naman ng klase at tuluyan na ngang umalis si Sir Peter sa room. Awasan na ngayon. Hindi ko na ikwinento pa yung mga nangyari kaninang umaga at lunch dahil wala namang bago.

"San ka pupunta ngayon, Nylla?" Tanong sakin ni Tricia.

"Sa office ni Madam Sofia" sabi ko at lumabas na ng room. Ngayon ko na makikita si Mama. Miss na miss ko na siya. Dali dali na akong naglakad. Halos lakad-takbo na rin ang ginagawa ko.

*Tok Tok Tok*

"Come in" rinig kong sabi ni Madam Sofia sa loob kaya pumasok na ako.

"N-nasan po si Mama?" Tanong ko agad. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero wala akong nakitang ibang tao kundi si Madam Sofia lang.

"Uhm. Umupo ka muna" sabi ni Madam Sofia kaya umupo na ako sa upuan na kaharap ng table niya.

"A-ano pong nangyayari?" Tanong ko. Nagbuntong hininga naman siya at ngumiti ng tipid.

"Hindi mahanap ng Royal Kingdom ang Mama mo. Hindi nila matukoy kung sino ang mga kumuha ng Mama mo. Ipinagtanong tanong nila sa kapitbahay niyo, ang sabi halos magdadalawang linggo na daw na wala si Yvette. May pumunta daw na tatlong malalaking tao sa bahay ni Yvette. At pagkatapos noon, nawala na lang daw bigla ang Mama mo" paliwanag ni Madam Sofia.

Halos hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko. Parang binagsakan ako ng langit at lupa. S-si M-mama. Hindi ko na nakayanan at umiyak na ako. Hinang hina ako sa nalaman ko.

"Shh. Tahan na, Nylla. Gagawa ng paraan ang Hari. Hindi niya pababayaan ang nanay mo. Tutuparin niya ang hiling mo na magkikita kayo. Pangako niya yan sayo" sabi ni Madam Sofia at lumapit sakin. Niyakap niya ako habang hinahagod ng marahan ang likod ko. Pinunasan ko na ang mga luha ko at tumayo na.

"Aalis na po ako" sabi ko at lumabas na ng kwarto at tumakbo na palayo sa Office. Shit lang. Unti unti na namang namumuo yung mga luha ko sa mga mata ko. Pero nabigla ako ng may humarang sa daan ko.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon