TLMP #7- Sidekicks vs Heroes

27.3K 863 58
                                    

A/N: Sorry po kung panget yung mga 'action parts' sa story nato. Huhu. Pagpasensyahan niyo na po talaga, hindi po kasi ako magaling magexplain.

Chapter 7- Sidekicks vs Heroes

Nylla POV

"Ang cute talaga ng Riri ko!" Sabi ni Tricia habang nakangiti ng malapad at kinikiliti yung monster pet niya.

"Hmp! Mss cute kaya si Cheska at Billy!" Sabi naman ni Shaina. Yung tinutukoy niya ay yung girl at boy na monster pet niya.

"Hindi kaya! Mas cute si Riri ko!" Ganti naman ni Tricia sa sinabi ni Shaina.

"Ang bulag mo talaga, Tricia! Mas cute sila Cheska at Billy kay Riri mo!" Sabi naman ni Shaina.

(See attached photo in the side. Yung tatlong monsters na may pangalan, yun yung monster pets nila Shaina at Tricia. Hehe)

"Di kaya! Tanong mo pa kay Nylla, Mas cute si Riri ko!" Sabi naman ni Tricia. Tumingin silang dalawa sakin.

"Nylla, diba mas cute sila Cheska at Billy kaysa kay Riri?" Sabi naman ni Shaina habang nilalakihan niya yung mata niya -______-

Naglakad na lang ako palayo. Papunta sana kami ngayon sa Training Room dahil nadelay kahapon yung training diba? Tapos ngayon itutuloy. Eh kaso nagaway pa sila kung sino ang mas cute sa monster pets nila =____=

"Uy, Nylla! San ka pupunta? Hindi mo pa sinasagot kung sinong monster pet ang mas cute!" Sigaw ni Tricia. Psh, 5minutes na lang magstastart na yung Training, Sidekicks vs Heroes ngayon. Ang alam ko one on one yung training ngayon kaya hindi ako pwedeng lumaban. Ang daya noh? One on one, pano naman yung mga sidekicks? Makakalaban nila malalakas yung mga abilities tapos wala pa silang katulong. Dapat ginawang two vs one.

"Tss. Nasaan na naman ba ako?" Tanong ko sa sarili ko. Papunta akong training room pero mukhang naliligaw na naman ako. Bakit ba lagi na lang ako naliligaw?! Tumingin tingin ako sa paligid. Nasa may lake pala ako? Hays. Makaupo na nga muna sa bench. Pero parang dulo ito ng lake. Iba kasing pwesto ito.

"You're here again. Huh?" Napalingon ako bigla sa likod ko, Y-Yung lalaki dati na nakita ko rin dito sa lake. Umupo siya sa tabi kong bench. Tsk, h-hindi ko na naman matanggal yung tingin ko sa kanya =____=

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ang akward kasi. Pero imbis na sagutin ang tanong ko, tumayo na siya. Pero tulad dati, ngumiti na naman ulit siya sakin at umalis na.

Medyo napatanga na naman ako ng mga 1 minute dahil dun. Tsk. Umalis na rin ako pagkatapos, pupunta na ako sa training room. Tiningnan ko yung wall clock sa hall nung dumaan ako, mga 25 minutes late na pala ako. Bilis naman ng oras.

"Uy, Nylla! Bakit ngayon ka lang?" Tanong sakin ni Tricia ng makarating na ako sa Training Room.

"Naligaw ako" sabi ko na lang at umupo na. Hindi na naman niya ako tinanong pa.

"May naglaban na ba?" Tanong ko. Parang kasi laban na ito at hindi na Training eh.

"Yup. Kaso mabilis na natalo nung Hero yung Sidekick kaya natapos na agad yung unang laban" sabi niya. Obvious naman na ang mga heroes ang mananalo sa labanan na ito e.

"Si Shaina, asan?" Tanong ko.

"Nasa medical area malapit dito, alangan di siya pwedeng lumaban kaya gagamutin nila yung mga may sugat sa labanan" sabi niya habang kumakain ng popcorn. San galing yun?

"SO, CLASS. SASABIHIN KO NA ANG SUSUNOD NA MAGLALABAN. DO YOU KNOW WHO WILL IT BE?" Tanong ni Ma'am. Siya din yung nagtraining samin nung thursday. Sabi pala sakin ni Shaina kanina, pili lang yung ilalaban ngayon. Hindi lahat ng dreamers.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon