TLMP #30- Favor

18.4K 608 11
                                    

A/N: Namove yung pasukan namin. Imbis na June 8, naging June 15. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Hahaha. K share lungszxc XD

Chapter 30- Favor

Nylla POV

"Oh, Nylla. Himala yata? Ang aga mong nagising. Haha" sabi ni Shaina. Kakalabas ko lang kasi ng banyo, kakaligo ko lang.

Actually, hindi ako masyado nakatulog ng maayos, di ko rin alam kung bakit. Pero nakapagisip isip na rin ako kagabi.

"Alis lang ako" sabi ko at umalis na ng dorm namin. Narinig ko pang nagtanong siya kung saan ako pupunta pero hindi ko na lang siya sinagot.

Papunta na ako ngayon sa Head Office. Halos lakad takbo na yung ginagawa ko dahil hindi ko alam kung anong oras sa umaga si Demon pupuntang palasyo. Aiish. Sana naman makaabot ako. Pagkadating ko sa harap ng pinto ni Madam Sofia, hindi na ako kumatok pa.

"Oh, Nylla? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Madam Sofia. Sa tingin ko nakaabot pa ako. Nandito pa rin kasi si Demon sa kwarto, at naghahanda pa lang umalis.

"Ako po ang totoong may kakayahan ng Special Ability at hindi si Demon" diretsong sabi ko. Halata namang nabigla si Madam Sofia sa sinabi ko. Nandito nga rin pala sa loob ng silid si Sir. Baltazar.

"P-paano mo naman nasabi?" Tanong niya.

"A-alam ko pong hindi kapanipaniwala pero nakita ko po yung babaeng nagbabantay sa mahiwagang bulaklak kahapon, si Ms. Hart. Sinabi niya sakin na ako ang tunay na may hawak ng special ability. Sinabi niyang si Demon ang may hawak nito pero ang sabi rin niya, ayaw niya daw ako mapahamak kaya nagsinunggaling siya. Pero mukhang useless na daw yung pagpapanggap ni Demon na siya ang may kakayahan nito dahil mukhang alam na ng mga Wagners na ako talaga ang nagtataglay nito" mahabang paliwanag ko.

"Jared, may alam ka ba dito?" Tanong ni Madam Sofia. Bahagya namang tumango si Demon.

"Nung una, sinabi niya na ako talaga ang may kakayahan nito. Pero hindi ako naniwala dahil kita ko sa mga mata nung babae na nagsisinunggaling siya. Pero napaamin ko rin siya sa huli. Sinabi niya sakin ang totoo at nakiusap siya na magpanggap na ako na lang ang nagtataglay ng Special Ability" sabi ni Demon.

"Kung gayon, tama nga ang hinala namin" sabi ni Madam Sofia. Napakunot naman yung noo ko.

"Hinala?" Tanong ko.

"Nung una, alam naming ikaw talaga ang may hawak ng Special Ability dahil nakita ko iyon nung unang training mo dito sa Dream High. Pero hindi pa kami sobrang sigurado kaya sinali ka namin sa Mission ng The Nightmares. Nagbabakasakali kami na kapag sumali ka, magtatagumpay tayo sa Mission dahil ibibigay lang naman ng tagabantay nung bulaklak yung mahiwagang bulaklak sa may Special Ability" paliwanag ni Sir. Baltazar. So, planado talaga lahat ng ito?

Tsk. Paano kung hindi ako yung may special ability? Paano kung namatay ako sa lintek na mission na yun? Nakakainis lang. Edi mamamatay ako dahil may gusto lang silang patunayan? The Heck.

"Anyway, kung ikaw nga ang may special ability. Kailangan mo nang umalis dito. Sa palasyo ka muna titira. Mas magiging ligtas ka doon. Dahil sa oras na mahuli ka nang mga Wagners, malilintikan na" sabi ni Madam Sofia. Kahit naiinis ako, pinabayaan ko na lang. Tapos na eh, may magagawa pa ba ako? =____=

"P-pwede po bang humingi ng pabor?" Tanong ko.

"Ano iyon?" Tanong ni Madam Sofia.

"Pwedeng bukas na lang po ako umalis dito sa Dream High? Can you just give me this one last day?" Tanong ko. Nagkatinginan naman si Madam Sofia at Sir Baltazar na parang nagiisip.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon