TLMP #16- Meet The Nightmares

26.7K 762 37
                                    


Chapter 16- Meet The Nightmares

Nylla POV

"Nylla, pinapatawag ka daw ni Sir. Baltazar sa room niya sa Head Office" sabi sakin nung President ng classroom namin na si Xyril yata yung pangalan.

"Bakit daw?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Nagkibit balikat lang naman siya at nagmamadaling umalis. Hmm, naalala ko bigla yung kahapon. Sigurado akong sinabi na sa kanya ni Madam Sofia yung tungkol sa pagbabago ng desisyon ko. Pero bakit niya pa akong kailangan ipatawag? Kakatamad e =_______=

"Huh? Halaaa! Anong ginawa mo, Nylla?!" Tanong sakin ni Tricia. Kakatapos lang kasi ng klase namin ngayon at kalasakuyang inaayos ko ang mga gamit ko bago lumabas ng room.

"May nilabag ka bang rules?" Tanong naman sakin ni Shaina.

"Wala. Mauna na ako" simpleng sabi ko at umalis na, hindi ko na rin inintay na magsalita pa sila. Alam kong malalaman din naman nila sa mga susunod na araw.

*Tok Tok Tok*

"Pasok" rinig kong sabi sa loob kaya pumasok na agad ako.

Pero nagulat ako ng may apat pa na taong nandoon sa loob. Nandoon din yung nakilala ko lang kahapon, si Daniel at sino nga ba yun? Nalimutan ko pangalan e. Basta yung lalaking naglalaro ng soccer kahapon na muntik na akong matamaan. Tsaka may isa pang babae na maganda at mahaba ang buhok na nakacross legs habang nakaupo sa sofa sa loob ng office ni Sir. Baltazar. At ang pinakahuli, ay si Demon na nakasandal sa pader habang nakapoker face at yung dalawa niyang kamay ay nasa loob ng kanyang magkabilang bulsa ng kayang itim na slacks. Tsk.

"Bakit mo ko pinapatawag?" Tanong ko kay Sir Baltazar.

"Gusto kong ipakilala sa iyo ang mga makakasama mo sa Mission. Sila ang mga Nightmares" sabi ni Sir. Baltazar. Tiningnan ko sila, si Daniel nagwink sakin. Yung soccer guy ay naghi sakin. Yung babae naman, tinaasan lang ako ng kilay. At syempre si Jared, nakapoker face parin. Problema nun? -_____-

"So, kilala mo na naman si Jared diba? Siya ang pinakamalakas na dreamer dito sa Dream High. Siya naman si Daniel Park, Pangalawa sa pinakamalakas dito sa Dream High. Thunder and Lightning ang ability niya. Eto naman si Brian Cast, pangatlo sa pinakamalakas. Super strength ang ability niya. And last, siya naman si Veronica, pangapat sa pinakamalakas. The Food Manipulator" pakilala ni Sir. Baltazar sa kanilang lahat.

"Food Manipulator?" Tanong ko. Paano naging malakas ang ability niya?

Pero nagulat ako ng may pizza na lumabas sa palad niya at papunta ito sa direksiyon ko. Hindi sana ako iiwas dahil pizza lang naman iyon pero hinatak ako bigla palayo ni Daniel kaya naiiwasan ko yung pizza pero nagulat ako ng, nagkaroon ako ng hiwa sa braso. Masyado kasi mabilis yung pizza kaya tumama sa braso ko kahit hinatak na ako ni Daniel. Tumama yung pizza sa pader, nakatusok yung dulo ng pizza sa pader. Napakunot yung noo ko.

"Hindi basta bastang pagkain ang mga nagagawa ni Veronica. Minsan nakakalason ito at minsan naman, tulad ng ginawa niya sayo. Akala mo pagkain pero isa pala itong weapon. Yung pizza na yon ay tinatawag na Pizza Blade. Kasing talim nito ang isang totoong blade" paliwanag ni Sir. Baltazar. Woah. I like her ability. Tiningnan ko si Vernonica, inirapan niya lang ako.

"Akala ko, lima ang mga pinakamagagaling na dreamers dito sa Dream High? Bakit apat lang sila?" Tanong ko. Alang naman na ako yung panglima diba? Hindi naman ako malakas.

Tsaka ewan, parang may natatandaan ako na may nagsabi sakin na lima ang mga pinakamagagaling na dreamers dito sa Dream High. Hindi ko lang maalala kung sino. Siguro si Tricia or Shaina lang yun.

"Tama ka, lima sila. Ang panglima ay si Shea Merritt. Water ang ability niya. Dapat kasali siya kaso ngayon lang namin napagalaman na may asthma siya kaya hindi siya pwede sumali sa Mission" sabi ulit ni Sir. Baltazar. Teka, Shea Merritt? Yun ba yung anghel na kakilala ko? Malakas pala ability niya. Tumango tango na lang ako.

The Lost Magic PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon