Sorry dahil matagal akong di naka pag update. Writer's block kasi at tinatamad ako hahaha. Babawi nalang ako sa mga updates ko.
-
Chichay's POV
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na liligawan ako ni Joaquin. Totoo ba lahat to? Panaginip ba to? Kasi kung panaginip lang to wag niyo nakong gisingin. :)
Naaalala ko pa yung nangyare kagabi. Pumunta yung family ni Joaquin sa bahay para sama sama kaming mag dinner.
Tumayo bigla si Joaquin at tumingin sa aming lahat. Then he look at me and smile. Dahilan para mapuyuko ako dahil sa saya at kilig na nararamdaman ko ngayon.
"May gusto po akong sabihin sainyong lahat." Nasa kanya lang ang atensyon ng lahat.
He smiled. "Mahal ko po si Chichay. Tito, Tita, gusto ko pong pormal na ligawan si Chichay.."
Napatingin ako sakanya dahil sa gulat at sa saya na nararamdaman ko. Hindi ko akalain na mangyayare ang bagay na matagal ko nang hinihiling.
Ang mahalin ng taong mahal ko.
Tumingin sakin si mommy at daddy. Then mommy smiled at me habang si daddy naman ay tumango. Then hinawakan niya si Joaquin sa balikat.
"Welcome to the family Joaquin." daddy said habang si Joaquin naman ay tuwang tuwa sa narinig niya.
"Payag na po kayo tito?!" Shock na shock pa din siya sa sobrang kasiyahan. Ang mga magulang naman niya ay masaya para sakanya.
"Yes Joaquin, baka gusto mo pang bawiin ko?" Natawa kaming lahat sa inasal ni daddy.
"Ofcourse not tito! Salamat po tito at tita."
Our parents leave us alone sa may terrace ng bahay namin para daw may alone time kami habang sila nasa ibaba at nagbobonding.
"Chichay.."
I look at Joaquin. "Yes?"
He looked directly in my eyes. "Sorry Chichay. Sorry dahil ngayon ko lang narealize lahat lahat. Sorry kung nasaktan kita noon. Pero ngayon babawi ako. I can't promise to hurt you. Pero mamahalin kita sa buong makakakaya ko. I love you Chichay."
Sa sobrang tuwang nararamdaman ko hindi ko napigilang mapaluha at mayakap si Joaquin sa tuwa.
"Salamat Joaquin, salamat. I love you too."
Hindi ko makakalimutan ang gabing yon kung kelan officially na lahat sa amin ni Joaquin. Ang tanging hinihintay nalang ay ang sagot ko.
Alam na ng mga kaibigan namin ang tungkol sa panliligaw ni Joaquin. Kahit si Bella ay tuwang tuwa para samin.
"Omg Joaquin alagaan mo yang si Chichay kundi ako makakalaban mo! Gosh! I'm so happy for you Chichay and Joaquin." then niyakap niya kami parehas.
Ngayon kay Kuya Jao ko nalang di nasasabi. Kaya nga ngayon ay magkasama kami para sabihin sakanya lahat. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya dahil alam kong masasaktan siya sa gagawin ko.
"Kuya Jao.."
Tumingin siya sakin at tumawa. "Nako Chay. Diba sabi ko sayo wag mo nako tawaging Kuya?"
"Hehe sorry. Nasanay lang talaga ako. Mas gusto kong Kuya nalang itawag sayo."
Ginulo niya buhok ko and I just simply smiled. "May sasabihin ako Kuya."
"Ano yon?"
"Uhm.. nanliligaw na si Joaquin sakin. Ang saya diba? Yung lalaking mahal na mahal ko, mahal na din ako. Kuya Jao, ang saya saya ko."
Napansin kong tahimik lang si Kuya Jao. I know masakit pero wala akong magagawa. Kailangan namin o niya tanggapin na hanggang kaibigan at kapatid lang talaga ang turing ko sakanya.
"Ganon ba Chichay? Congrats. Haha." Halatang di siya masaya at peke ang tawa niya.
"Salamat Kuya Jao.." I smiled a weak smile.
Ayokong nasasaktan si Kuya Jao pero yun ang dapat dahil kung di ko gagawin yun aasa lang siya ng aasa.
Jao's POV
Masakit. Napaka sakit.. Akala ko may chance na ako kay Chichay pero wala pa rin talaga.
Umuulan sa may playground ng village namin pero wala akong pake. Naka upo lang ako habang umiiyak at nababasa sa ulan.
"Bakit ganon? Bakit di niya ko kayang mahalin? Mahal na mahal ko siya pero bakit.." napayuko nalang ako.
Bigla ko nalang napansin na wala nang tumutulong ulan. Tumigil na ba yung ulan? Ts nakakainis. Pag angat ng ulo ko nabigla ako na andito siya at pinapayungan ako.
Ngumiti siya sakin bigla at hindi ko alam dahil bigla nalang gumaan ang pakiramdam ko kahit papano.
"Anong ginagawa mo dito?"
Tumawa naman siya bigla. Napakagandang pakinggan.. :)
"Obviously pinapayungan ka? Kasi naman nagpapaulan ka dito. Magkasakit ka pa."
I didn't know but I found myself smiling at her.
"Oh anong nginingiti ngiti mo diyan? Nababaliw kana ah! Kanina umiiyak tas ngayon ngumingiti." Then she laughed.
"Wala. Salamat at nandito ka Bella.."
-
Hanggang diyan po muna! :) Enjoyyy!
BINABASA MO ANG
I'm His Secret Lover
Fanfiction[IHSL - B2 of SMLS] Secretly inlove with someone? Iyan si Chichay. Pero hanggang kailan nga ba niya ito matatago sa sarili niya? Kung kailan ba, huli na ang lahat? -All Rights Reserved 2014-