Hehehe na-eexcite na talaga ako sa plot ng story na 'to kaya habang bakasyon pa ay araw araw siguro ang update 'ko! :) So sana suportahan niyo 'to, Dedication is open to everyone!
*
Chichay's POV
Humayghaaad! Umaga na! It means...pasukan nanaman! Kahit ayoko gumising ng maaga sa araw-araw, okay na rin atleast makikita 'ko pa rin siya! Hihihi :">
"Oy ate, nagde-daydream ka nanaman diyan!" Tinignan 'ko ng masama ang aking Epal na kapatid.
"May problema ka 'don Jay?"
Tinawanan niya lang ako at nagpeace sign sakin. Siya pala ang bunso 'kong kapatid, si Jaydee Padilla, 14 years old. 2 years ang agwat namin sa isa't isa dahil 16 na ako. Huling taon ko na sa High school.
At sana mapansin na niya ako..
"Chichay! Tara na, baka malate pa tayo." tumayo nako sa sala at sabay-sabay na kaming sumakay sa kotse. Ihahatid kami ng driver namin, yes ofcourse may driver kami.
Hindi naman sa pagmamalaki pero Rich Kid kami hahaha. Pero di namin pinapakita na rich kid kami parang normal pa rin naman, di kami spoiled.
"Uy Chichay, tulala ka nanaman." Napatingin ako kay Kuya Jao. Ay nasa school na pala kami. Eto namang si Jaydee ay tinatawanan lang ako.
"Sorry naman Kuya.." napakamot ako sa ulo at lumabas na ng kotse.
Siya si Kuya Jao Padilla, 17 yrs old pero same year level kami. 1 year lang ang agwat namin dalawa. Kuya 'ko yan at siya ang panganay saamin tatlo.
Sabay na kaming naglakad ni Kuya Jao sa school hallway, classmate din kami eh. Nakasalubong namin ang friends namin ni Kuya Jao. Isang buong grupo kami.
Luke "Parekoy! Ika'y nagbalik na!"
Natawa naman ako kay Luke, "Syempre ako'y nagbabalik parekoy!"
Siya si Luke Jallorina, parekoy ng barkada, ganyan talaga siya kalog at laging naka trip. Anak siya ni Tito Ej at Tita Kiray. Sa gwapo niyang iyan di ko alam kung kanino nagmana haha joke lang.

BINABASA MO ANG
I'm His Secret Lover
Fanfiction[IHSL - B2 of SMLS] Secretly inlove with someone? Iyan si Chichay. Pero hanggang kailan nga ba niya ito matatago sa sarili niya? Kung kailan ba, huli na ang lahat? -All Rights Reserved 2014-