IHSL 18- My Chance (Jao)

188 6 0
                                    

Hi guys. Sorry for my super late update. Kaya babawi nako ngayon. Okay na rin laptop namin kaya makaka pagupdate nako. Babawi ako, enjoy.

Chichay's POV

Today is not a normal day. Pinaparamdam na talaga saakin ni Kuya Jao-- Jao pala na gusto niya ako. Alam kong galit ako kay Bella pero ayokong masaktan siya.

"Ate Chay!" napatingin ako kay Jaydee.

"Bakit?" 

 

 

"Kanina kapa kasi tulala dyan. Nakakapagtaka lang." 

I smiled. "Wala lang 'to."

 

Kasama kong nag breakfast si Mommy, Daddy at Jaydee. Si Kuya Jao? Wala na. Kinuha na siya ng mommy niya. Naaalala ko pa nung lahat kami ay sobrang lungkot ng dumating ang tunay niyang magulang. 

[Flashback]

Ang saya saya naming nanonood ng movie sa kwarto nila mommy at daddy nang may biglang nag doorbell. 

"Oh, may tao ata." sabi ni mommy. Tumayo ako para ako nalang ang magbukas.

"Mommy ako nalang po ang bababa. Wait me here~" 

Bumaba ako at nag doorbell nanaman ulit 'yon. Pag open ko nakita kong may tao sa may gate. Sino kaya 'to? Inopen ko yung gate.

"Sino po sila? Sino pong kailangan niyo?"

She smiled at me. She's so pretty. "Ako si Teresa. Nandyan ba mga magulang mo iha?" 

Wait... Teresa? Sound familiar. Well, nevermind about that.

"Ay opo. Halika pasok po kayo sa loob at tatawagin ko lang po sila."

Pumasok kami sa loob at pinaupo ko muna siya sa sala. "Saglit lang po. Tatawagin ko po sila sa taas." She just nod at me.

Umakyat ulit ako sa kwarto nila mommy na nanonood parin at nagtatawanan. 

I'm His Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon