IHSL 8- Bella's 1-2-3

220 8 1
                                    

Let's trend this on twitter #HACKPAKATHNIEL kathniel coupls really is ♥ hahaha. 

*

 

 

Bella's POV

 

 

Hindi..Hindi pwede. Masasaktan ko lang si Joaquin at alam kong si Chichay talaga ang mahal niya. Ramdam ko yun pero hindi ko pwedeng paasahin si Joaquin.

 

 

Dahil aasa lang siya sa wala. 

 

 

Humiwalay ako sa yakap. He's smiling ear to ear. I sighed. Di ko siya kayang saktan. Look how perfect he is for me. Mas okay kung kay Chichay na lang siya dahil maibibigay ni Chichay ang pagmamahal na ninanais ni Joaquin.

 

 

"Bella, I like you. I really really like you. Gusto kitang ligawan please." 

 

 

I shook my head. "S-Sorry Joaquin. Pero di pwede dahil hindi kita g-gusto. Sorry."

 

 

Nakatayo lang siya at unting-unti nawala ang ngiti sa labi niya. Nasaktan ko siya. Di ko yon ginusto. Sadyang si Jao lang talaga ang mahal ko, wala ng iba pa.

 

 

"Bakit Bella? Di ba ako sapat sayo?" 

 

 

Umiling ako at yumuko. "Hindi yun ganon. Sorry Joaquin." 

 

 

Hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sakanya. "Bakit Bella? May iba ka bang mahal? Bakit di nalang ako? Bella, please.." 

 

 

Bumitaw ako sa hawak niya. "No Joaquin. Wag kang maging selfish dahil lang dyan sa nararamdaman mo for me. Hindi mo alam may nasasaktan ka nang iba." si Chichay nasasaktan mo siya ng sobra sobra.

 

 

Hinawakan niya ang kamay ko. "Bella, please payagan mo ako manligaw sayo. Ako nalang please." 

 

 

Unti-unti kong binawi ang kamay ko. "Sorry Joaquin pero no parin ang sagot ko. Hindi kita mahal. I'm so sorry." 

 

 

Tumalikod na ako sakanya. Nagsimula na rin akong maglakad pero hinawakan niya pa rin ako sa braso ko para pigilan.

 

 

"L-Last na 'to Bella. In a count of three may chance ka pa na magbago ang isip.. 1..2." 

 

 

Humarap ako sakanya. "..3." at ako na mismo ang bumitaw at iniwan ko na siya don. 

I'm His Secret LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon